The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Gospel Library General Conference
Conferences
Oktubre 2000
Pamimitagan at Pagsamba ng isang Malaking Mag-anak
 NextArrow icon acting as a button to Next Page  

Pamimitagan at Pagsamba ng isang Malaking Mag-anak

Pangulong Gordon B. Hinckley

"Nagpapatotoo tayo tungkol sa Diyos ang ating Amang Walang Hanggan at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak."

Pangulong Gordon B. Hinckley

Mga kapatid, lubos na kahanga-hanga ang okasyong ito! Wala na akong alam pang katulad nito sa buong mundo. Nagtitipon tayo ngayong umaga bilang isang malaking mag-anak sa pamimitagan at pagsamba sa Panginoon nating Diyos. Tayo ay may iisang pananampalataya at iisang doktrina. Nagpapatotoo tayo tungkol sa Diyos ang ating Amang Walang Hanggan at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak. Ipinahahayag natin nang matibay na paniniwala at katiyakan na ipinanumbalik nila sa huling dispen- sasyong ito Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Ang pagsasahimpapawid sa radyo, telebisyon, at cable ngayon ay dinagdagan pa ng Internet upang madala ang ating mga salita sa lahat ng sulok ng mundo. Sa mga bahay-pulungan na matatagpuan sa lahat ng sulok ng mundo ihahatid sa malalaki at maliliit na kongregasyon ang ating signal sa pamamagitan ng satelayt. Panonoorin ng mga Banal sa kanilang sariling tahanan ang mga kaganapan sa dakilang komperensiyang ito sa pamamagitan ng Internet.

Maraming oras ng masigasig na paggawa ang ginugol para makapaghanda sa dakilang okasyong ito. Nagpapasalamat kami sa kanilang matapat na serbisyo. Bukas ay ilalaan natin ang kahanga-hangang Conference Center na ito at ang iba pang pasilidad. Sa gayon ay isang mahalagang kabanata ng kasaysayan ng ating mga tao ang masusulat.

Inaanyayahan ko kayong lahat, saan man kayo naroroon. Ipinananalangin ko na nawa ay mapukaw tayong lahat ng Banal na Espiritu habang nagtitipon tayo sa isang taimtim na pagsamba. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.

 
 NextArrow icon acting as a button to Next Page  
© 2008 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy