Elder Darwin B. Christenson
Ng Pitumpu
"Ang mga kabataang miyembro ng Simbahan, kapag natuturuan pa ng ebanghelyo. . .ay sadyang magkakaroon din ng malakas ng pagmamahal kay Jesus at sa ating mga propeta."
Mga minamahal kong kapatid, isang pagpapala ng pagiging miyembro ng Simbahan ang pribilehiyo na madama at magbigay ng patotoo, na maaari ring ipahayag sa kilos o halimbawa.
Hinding-hindi namin kailanman malilimutan ng aking maybahay ang batang lalaking nakatayo sa napakalakas na ulan, noong seremonya ng paglalagay ng panulok na bato sa Brazil Recife Temple noong nakaraang Disyembre.
Nang makita niyang lumabas sa templo sina Pangulong Hinckley at Pangulong Faust, ang batang ito na tatawagin kong David--mga 10 taong gulang--ay walang tinag na nakatayo na hindi alintana ang malakas na hangin at ulan, ang kanyang puting kamiseta at pantalon ay basang-basa. Nakatayo siya nang tuwid at walang takot na tila isang maliit na sundalo, at pormal na kinilala na siya ay nasa harapan ng mga propeta, tagakita, at tagapaghayag ng Panginoon.
Kinakatawan si David ng maraming kahanga-hangang kabataan na siyang kinabukasan ng Simbahan. Naturuan siyang mabuti ng kanyang mapagmahal na magulang, at gayon din ng mga guro ng Primarya na igalang, mahalin, at sundin ang mga propeta. Ang mga kabataang miyembro ng Simbahan, kapag natuturuan pa ng ebanghelyo, tulad ni David, ay sadyang magkakaroon din ng malakas na pagmamahal kay Jesus at sa ating mga propeta. Bilang mga magulang at guro may pananagutan at pagkakataon tayong palakasin pa ang magiliw na pagmamahal at paggalang na ito.
Sa pamamagitan ng maingat na paggabay na ito, sa malaon ay titibay ang mga patotoo upang sa wakas ay mabatay sa pahayag na natanggap nang personal.
Katulad ng matinding ipinamalas ni David, ang ating kapatid na nakatayo sa ulan, sa mag-anak, ang pangunahin at walang katapusang samahan ng Simbahan, kung saan maraming natutuhan. Sa pamamagitan ng pagtuturo, magkakaroon siya ng kanyang sariling patotoo na si Jesus ang Anak ng Buhay na Diyos at sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, lubusang nakumpleto ng Tagapagligtas ang Kanyang ipinangakong katubusan. Si Joseph Smith ang unang propeta ng pagpapanumbalik na ito. Si Gordon B. Hinckley ang ating kasalukuyan, buhay, at mapagmahal na propeta.
Lalaki si David na nalalamang siya ay magmimisyon. Madalas na magkukuwento ang kanyang ama tungkol sa mga pagpapala ng kanyang sariling pagmimisyon. Kinakatawan niya ang mga ama sa Sion na matatapat na nagtataglay ng pagkasaserdote.
Magtatatag ng pagkakaisa sa mag-anak ang ina ni David sa pamamagitan ng pagtatatag ng mahahalaga at panghabambuhay na tradisyon ng mag-anak. Kinakatawan niya ang mga ina na sabik na makita ang kanilang mga anak na lumaki at nakapagbibigay-aliw at nakatutulong sa paglutas ng mga suliraning espirituwal at temporal.
Sa kahabaan ng magagandang dalampasigan ng Recife, may mga karatula na nagsasaad na ligtas nang makalalangoy sa dagat kung, lalangoy lamang sa mga lugar sa pagitan ng dalampasigan at batuhan. Ang mga lumalangoy o nakikipaglaro sa mga alon na lampas sa batuhan ay inilalantad ang sarili sa pag-atake ng mga pating na nakikipaglaro sa mga alon na ng marami.
Katulad ng mga babala sa dalampasigan, naglalaan ang Panginoon at ang Kanyang mga propeta ng gabay para sa mga anak Niya dito sa mundo upang makaiwas sa mga pating ng mortalidad: ang pornograpiya, mga droga, at kasalanan na nakapag-aalis o nakapapatay sa pag-uanawa sa mga bagay na espirituwal na ninanais ng Panginoon na matamasa ng Kanyang mga anak. Ibinigay ng Diyos ang makalangit na gabay na ito dahil sa Kanyang walang hanggan at personal na pagmamahal sa bawat isa sa Kanyang mga anak. Maaaring gamitin ang panalangin, mga banal na kasulatan, at pagaayuno ng sinumang magnanais na gumamit nito.
"Ang Mag-anak, Isang Paghahayag sa Mundo" (Liahona, Oktubre 1998, 24) ay isang mahalagang materyal. Ito ay isang binigyang-inspirasyong dokumento na inilaan ng ating mga propeta. Pag-aralan natin at muli pang pag-aralan ang mga aral nito. At bilang mga mapagmahal na magulang, gagawin natin ang lahat para sa proteksyon at kapakanan ng ating mga David--na kumakatawan sa ating mga anak, apo at mahal sa buhay.
Isa-isang tinuruan ni Alma, ang Nakababata, ang kanyang mga anak. Sinabi niyang tinuruan niya si Helaman noong bata pa ito (tingnan sa Alma 36:3), katulad ni David na nakita nating natuto noong bata pa siya. Maaaring nasabi ng ama ni David ang mga katagang tulad nito: "O David, anak ko, matuto ng karunungan sa iyong kabataan; oo, matuto sa iyong kabataan na sumunod sa mga kautusan ng Diyos" (tingnan sa Alma 37:35).
Natutuhan ni David na hindi niya kailanman pahihintulutan ang sarili na maglaro sa maruruming tubig ng buhay, dahil nalalaman niyang sasakmalin ng mga pating ng mortalidad ang kanyang mura pang espirituwal na kalamnan ng lumalaking patotoo. Nalalaman din niya na hindi niya kailangang sundin ang mga pag-uudyok sa kanya na magrebelde sa pamamagitan ng pagpapahikaw at pagpapatato ng katawan.
Bago umalis ng tahanan si David upang simulan ang kanyang pagmimisyon; isang pagpapala sa kanya na maturuan ng kanyang sariling ama, katulad ni Alma na tinuruan nang napakaganda ang kanyang anak na si Helaman. "Oo, at magsumamo sa Diyos para sa lahat ng iyong pangangailangan; oo, hayaang ang lahat ng iyong gawain ay para sa Panginoon.. . . Makipagsanggunian sa Panginoon sa lahat ng iyong mga gawain" (Alma 37:3637).
Sa simula pa lamang ng Aklat ni Mormon, natutuhan natin ang mga aral tungkol sa pagiging magulang. Naglaan ang amang si Lehi ng saligan na nagbigay sa kanyang anak na si Nephi ng dahilan upang ipahayag ito; "Ako, si Nephi, na isinilang sa butihing mga magulang, samakatwid, ako ay naturuan ng lahat halos ng karunungan ng aking ama" (1 Ne. 1:1).
Kina Laman at Lemuel, nagbigay si amang Lehi ng isang magandang analohiya sa mabisang pagtuturo: "O sana ay maging katulad ka ng ilog na ito, patuloy na umaagos patungo sa bukal ng lahat ng kabutihan!. . . O sana ay maging katulad ka ng lambak na ito, matibay at matatag, at hindi matitinag sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon!" (1 Ne. 2:910).
Si Enos sa kanyang paglaki, at habang nangangaso sa kagubatan, ay naalalang muli at nakinig sa mga panghabambuhay na turo ng kanyang amang si Jacob. Nagpasiya siyang gawin ang mga turong iyon, kaya nagsumamo siya sa Diyos, "buong araw" hanggang gumabi. Sa wakas ang tinig ay dumating, "Enos, ang iyong mga kasalanan ay pinatatawad na, at ikaw ay pagpapalain" (Enos 1:45). At binago ni Enos ang kanyang buhay at ginugol ang panahon sa pagtuturo.
Ang makapangyarihan at dakilang propetang si Enoc ay nagpasalamat sa kanyang mga ninuno sa pagsasabing, "Tinuruan ako ng aking ama sa lahat ng landas ng Diyos" (Moises 6:41).
Nawa'y ang lahat ng ating David ay maging handang maglingkod.
Nais nating lahat na makapaglingkod. Sa pagpapala at pagbibigay ng paglilingkod, pinasasalamatan ko ang suporta ng aking magandang asawa, ng aming mga anak at kanilang asawa, ng aming mga apo, ng aming mga kapatid, ng kanilang pamilya, ng mga misyonero na mga walang kupas na halimbawa ng pagtupad sa gawain, ng mga kaibigan na patuloy na sumusuporta, ang mabubuting tao ng Brazil, ang mga pinuno, ang mga propeta at lalung-lalo na ng ating Panginoon at Tagapagligtas. Ang Simbahan ay totoo.
Sinasabi ko ang mga bagay na ito sa pangalan ni Jesucristo, amen.