The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Gospel Library General Conference
Conferences
April 2001
Ulat ng Departamento ng Awdit ng Simbahan

Ulat ng Departamento ng Awdit ng Simbahan

Iniharap ni Wesley L. Jones
Nangangasiwang Direktor, Departamento ng Awdit ng Simbahan

Para sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Minamahal na mga Kapatid: Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay mayroong umiiral, kumikilos ayon sa mataas na pamantayan na isang departamento ng awdit. Ang Departamento ng Awdit ng Simbahan ay hiwalay sa iba pang mga departamento at operasyon ng Simbahan. Regular na nag-uulat ang nangangasiwang direktor ng Departamento ng Awdit ng Simbahan mismo sa Unang Panguluhan. Binubuo ang Departamento ng Awdit ng Simbahan ng mga sertipikadong pampublikong tagapagtuos, sertipikadong panloob na awditor, sertipikadong awditor sa mga sistema ng impormasyon, at iba pang kwalipikado at may kredensiyal na mga propesyonal.

Ang pagiging delikado ang pangunahing batayan ng pag-iiskedyul, paggawa, at pag-uulat ng mga awdit. Sa pag-uutos ng Unang Panguluhan, may karapatan ang Departamento ng Awdit ng Simbahan na mag-awdit ng lahat ng departamento, gawain, at operasyon ng Simbahan sa buong daigdig at magkaroon ng karapatang buklatin ang lahat ng talaan, tala at ulat sa pananalapi, empleyado, pasilidad, at mga pisikal na ari-arian na nauugnay sa paggawa ng awdit. Ang dami at uri ng mga awdit ay itinatakda ng mga tagapagpaganap ng Departamento ng Awdit ng Simbahan.

Ang mga propesyonal na pamantayan sa pag-aawdit na ipinahayag ng Internal Auditors at ng American Institute of Certified Public Accountants ang gumagabay sa pag-aawdit na ito. Inaawdit ng Departamento ng Awdit ng Simbahan ang iba't ibang tala sa pananalapi at operasyon ng Simbahan ayon sa mga kinikilalang mga pamantayan ng propesyonal na pag- aawdit. Kabilang dito ang pagbantay sa pag-awdit ng mga ambag at paggugol ng mga lokal na yunit.

Ang mga pinaggugulan ng mga pondo ng Simbahan para sa taong nagtatapos sa ika-31 ng Disyembre 2000 ay pinahintulutan ng Kapulungan ng Paggugol ng mga Ikapu batay sa mga nakasulat na patakaran. Binubuo ang Kapulungan ng Unang Panguluhan, ang Korum ng Labindalawang Apostol, at ng Namumunong Obispado, tulad ng isinasaad sa paghahayag. Ang paggugol ng mga sinang-ayunang laang-gugulin ay pinangasiwaan ng Departamento ng Laang-gugulin sa ilalim ng Mga Komite ng Paglalaan at Laang-gugulin.

Inawdit ng Departamento ng Awdit ng Simbahan sa taong 2000 ang mga patakaran at paraan sa pananalapi na nangasiwa sa mga ambag at paggugol ng mga pondo at nangalaga sa mga ari-arian ng Simbahan. Inawdit at iniulat ang mga sistema sa pagbabadyet, pangangasiwa, pagtutuos at pag-uulat at ang mga planong pagwawastong gagawin ng mga tagapangasiwa ayon sa mga puna na lumutang sa pag-aawdit.

Batay sa pagsusuri namin sa mga pangangasiwa ng pinansiyal, operasyon, at badyet at ng iba pa at sa aming pagsusuri sa kahandaan ng mga tagapangasiwa na ipatupad ang mga planong pagwawasto, sa opinion ng Departamento ng Awdit ng Simbahan, sa lahat ng aspetong materyal, ang mga ambag na tinanggap at ginugol sa taong nagtatapos sa ika-31 ng Disyembre 2000 ay pinangasiwaan ayon sa sinang- ayunang gabay sa pagbabadyet at mga itinatag na mga patakaran at paraan ng Simbahan.

Ang mga organisasyong kaugnay sa Simbahan, kabilang na ang Deseret Management Corporation at ang mga sangay nito, ay pinatatakbong hiwalay sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga tagapangasiwa sa mga organisasyong ito ay nag-uulat sa hiwalay na mga direktor ng kapulungan at sa kanilang sariling mga komite sa pag-aawdit. Ang mga pinansiyal at operasyonal na mga gawain ng mga kaugnay na organisasyong ito ay hindi inawdit ng Departamento ng Awdit ng Simbahan sa taong 2000. Gayunpaman, tiniyak namin na ang mga organisasyong ito, kabilang na ang Brigham Young University at iba pang institusyon para sa mataas na edukasyon, ay inaawdit taun-taon ng mga hiwalay na kumpayang nagsasagawa ng pampublikong akawnting.

Buong galang na iniharap,

DEPARTAMENTO NG AWDIT

Wesley L. Jones

Nangangasiwang Direktor

Ika-31 ng Marso, 2001

 
© 2008 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy