The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Gospel Library General Conference
Conferences
Oktubre 1999
Ang Pagsang-ayon sa mga Pinuno ng Simbahan

Ang Pagsang-ayon sa mga Pinuno ng Simbahan

Pangulong James E. Faust
Pangalawang Tagapayo ng Unang Panguluhan

Pangulong James E. Faust

Mga kapatid, hiniling ni Pangulong Hinckley na banggitin ko sa inyo ang mga pangalan ng mga Pangkalahatang Awtoridad, Awtoridad ng Pook na Pitumpu, at mga pangkalahatang panguluhan ng pantulong na samahan ng Simbahan para sa inyong pagsang-ayon.

Iminumungkahing sang-ayunan natin si Gordon Bitner Hinckley bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Thomas Spencer Monson bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at James Esdras Faust bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan. Lahat ng sang-ayon ay mangyaring magtaas ng kamay. Ang mga di sang-ayon, kung mayroon man, ay mangyaring magtaas din ng kamay.

Iminumungkahing sang-ayunan natin si Thomas Spencer Monson bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, Boyd Kenneth Packer bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ang mga sumusunod bilang mga miyembro ng korum na ito: Boyd K. Packer, L. Tom Perry, David B. Haight, Neal A. Maxwell, Russell M. Nelson, Dallin H. Oaks, M. Russell Ballard, Joseph B. Wirthlin, Richard G. Scott, Robert D. Hales, Jeffrey R. Holland, at Henry B. Eyring. Lahat ng sang-ayon ay mangyaring magtaas ng kamay. Sinumang hindi sang-ayon.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga tagapayo ng Unang Panguluhan at ang Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Lahat nang sang- ayon ay mangyaring magtaas ng kamay. Ang hindi sang-ayon, kung mayroon man, ay magtaas din ng kamay.

Iminumungkahing ipakita natin ang ating pasasalamat kina Elder Joe J. Christensen at Andrew W. Peterson at italaga sila bilang mga miyembrong emeritus ng Unang Korum ng Pitumpu. Iminumungkahi rin na halinhan natin si Elder Christensen bilang pangulo ng Mga Korum ng Pitumpu. Lahat ng nais makiisa sa amin sa paggawa nito, mangyaring magtaas ng kamay.

Iminumungkahing sang-ayunan natin si Elder Ben B. Banks bilang miyembro ng panguluhan ng Mga Korum ng Pitumpu. Lahat nang sang-ayon ay mangyaring magtaas ng kamay. Ang hindi sang-ayon, ay magtaas din ng kamay.

Iminumungkahing halinhan natin sina Elder Max W. Craner, César A. Dávila, P. Bruce Mitchell, at J. Kirk Moyes bilang Awtoridad ng Pook na Pitumpu. Lahat nang sang-ayon ay mangyaring magtaas ng kamay.

Iminumungkahing sang-ayunan natin sina J. Devn Cornish, Manfred H. Schütze, at Johann A. Wondra bilang mga Awtoridad ng Pook na Pitumpu.

Iminumungkahing halinhan natin sina Patricia P. Pinegar, Anne G. Wirthlin, at Susan L. Warner bilang pangkalahatang panguluhan ng Primarya. Lahat ng nagnanais na magpakita ng pagpapahalaga at pasasalamat sa mga nagawa ng mga kahanga-hangang kababaihang ito ay mangyaring ipaalam ito.

Iminumungkahing sang-ayunan natin sina Coleen K. Menlove, Sydney S. Reynolds, at Gayle M. Clegg bilang pangkalahatang panguluhan ng Primarya. Lahat nang sang-ayon ay mangyaring magtaas ng kamay. Sinumang hindi sang-ayon.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang iba pang Pangkalahatang Awtoridad, Awtoridad ng Pook na Pitumpu, at pangkalahatang panguluhan ng mga pantulong na samahan na kasalukuyang nanunungkulan. Lahat ng sang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Ang hindi sang-ayon ay mangyaring magtaas din ng kamay.

Lumalabas na ang lahat ay nagkaisa sa pagsang-ayon. Maraming salamat, mga kapatid, sa inyong pananampalataya at sa inyong mga panalangin.

Ngayon ay inaanyayahan namin ang bagong tawag na pangkalahatang panguluhan ng Primarya na umupo sa harapan.

 
© 2009 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy