Iniharap ni Ted E. Davis
Tagapangulo, Komiteng Tagasuri ng Simbahan
Para sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Mga Kapatid: Ang Komiteng Tagasuri ng Simbahan ay binubuo ng tatlong miyembro na walang kaugnayan sa lahat ng pinuno ng Simbahan, empleyado, departamento, at mga organisasyong kaugnay sa Simbahan. Tuwiran kaming nag-uulat sa Unang Panguluhan at maaaring sumuri ng lahat ng tala at makipag-ugnayan sa mga taong kailangan upang maisagawa ang aming mga tungkulin.
Ang Departamentong Tagasuri ng Simbahan ay hiwalay at walang kaugnayan sa Komiteng Tagasuri ng Simbahan. Ang Departamentong ito ay nagsasagawa ng panloob na pag-awdit ng mga pandaigdigang pangangasiwa ng Simbahan at ina-awdit ang iba't ibang gastusin ng Simbahan batay sa kinikilalang mga pamantayan ng propesyonal na pag-awdit. Binabantayan din nito ang mga ambag at paggugol ng mga lokal na yunit ng simbahan.
Narepaso na ng Komiteng Tagasuri ng Simbahan ang mga pamahalaan sa mga ambag at paggugol ng mga pondo ng Simbahan na nangangalaga sa mga pag-aari ng Simbahan. Nasuri na rin namin ang paglalaan ng gugulin, pagtutuos at pag-uulat, at pamamaraan ng pag-aawdit sa taong nagtatapos noong 31 Disyembre 1999. Ang mga paggugol ng pondo ng Simbahan para sa 1999 ay pinahintulutan ng Kapulungan sa Paggugol ng mga Ikapu batay sa mga nakasulat na patakaran. Ang Kapulungan ay binubuo ng Unang Panguluhan, ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ng Namumunong Obispado, tulad sa isinasaad sa paghahayag. Ang paggugol ng mga sinang-ayunang laang-gugulin ay pinangangasiwaan ng Departamento ng Laang-gugulin sa ilalim ng Mga Komite ng Paglalaan at Laang-gugulin.
Batay sa pagsusuri namin ng mga nauukol sa pananalapi, paglalaan ng gugulin, at iba pang patakaran at sa pagsusuri namin ng lahat ng ulat ng pag-awdit ng Simbahan para sa 1999 at sa mga tugon dito, sinasabi ng Komiteng Tagasuri ng Simbahan na, sa lahat ng aspeto, ang mga tinanggap na ambag sa Simbahan at ginugol sa taong nagtatapos sa 31 Disyembre 1999 ay pinangasiwaan batay sa paghahayag at mga nananatiling patakaran at alituntunin ng Simbahan.
Ang mga organisasyong kaugnay sa Simbahan, kabilang na ang Deseret Trust Company at Deseret Management Corporation at mga sangay nito, ay pinatatakbo na hiwalay sa Simbahan. Ang mga gawaing nauukol sa pananalapi ng mga kaugnay na organisasyong ito ay hindi nasuri ng Komiteng Tagasuri ng Simbahan noong 1999. Gayunman, natiyak namin na ang mga organisasyong ito kabilang na ang Pamantasan ng Brigham Young at iba pang institusyon para sa mataas na edukasyon ay inaawdit taun-taon ng mga malayang tanggapan na nagsasagawa ng pagtutuos.
Buong galang na inihaharap,
LUPONG TAGA-AWDIT NG
SIMBAHAN
Ted E. Davis, Tagapangulo
Donald D. Salmon
Frank M. McCord