The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Broadcast General Conference Archives
Conferences
Oktubre 2001
"Parang Halamang Nadilig"

"Parang Halamang Nadilig"

Elder Jeffrey R. Holland
Ng Korum ng Labindalawang Apostol

"Dapat tayong magbayad ng —ikapu at mga handog] bilang pahiwatig ng pagmamahal sa bukas-palad at maawaing Ama sa Langit."

Elder Jeffrey R. Holland

Tiyak at patuloy na lumalaganap Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sabi ni Daniel ito "ang. . .bato —na] natibag sa bundok, hindi ng mga kamay."1Ayon kay Isaias ito ay "kagilagilalas na gawa at kamangha-mangha."2Kamangha-mangha! Ang Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo ay puno ng mga himala, paghahayag, at espirituwal na pagpapamalas. Marami rito ang naganap sa ating panahon.

Ako'y 17 taong gulang na bago pa nagkaroon ng stake ng Sion sa labas ng North America. Mahigit na sa 1,000 stake ang nasa malalayong lupalop at pulo ng dagat. Mayroon tayo ngayong 125 templong gumagana o naiulat, at mahigit sa kalahati nito (64) ang nasa labas ng Estados Unidos. Halos 16 na taong gulang ako bago nagkaroon ng kahit isang templo sa labas ng USA at Canada.

Nasaksihan natin ang paghahayag ng pagkakaloob ng priesthood sa mga lalaking karapat-dapat na nasa tamang edad, isang biyayang nagpabilis sa gawain sa maraming panig ng mundo. Pati ang paglalathala ng ating banal na kasulatan, sa halos 100 mga wika. At ang pinakahihintay na pagkalikha ng mga Korum ng Pitumpu na binubuo ng magigiting na lalaki mula sa maraming bansa at ikinalat sa buong mundo para maglingkod. Ibinalita rin ni Pangulong Hinckley ang Perpetuwal na Pondong Pang-edukasyon na magpapala sa marami kahit sa malalayong lugar ng mundo. Patuloy ang paglaganap ng Simbahan sa mundo.

Narito ang buod upang bigyang-diin ang isa pang himala, isa pang paghahayag na maaaring di-napupuna ng mga miyembro ng Simbahan. Sabagay, hindi ito dapat maging kapansin-pansin. Ito'y ang desisyong ginawa ng mga Kapatid sampung taon na ngayon, na itigil ang pagkolekta ng dagdag na salapi para sa isang proyekto o iba pang pangingilak ng pondo sa lokal na mga miyembro ng Simbahan dito o sa ibang bansa.

Yamang ang desisyong ito'y ginawa sa gitna ng paglaganap sa buong daigdig na aking nabanggit, paano ito matutustusan? Paano natin mararating ang kaloob-looban at kadalasa'y mas mahihirap na lugar sa sandaling alisin natin ang alalay na halagang galing sa mga miyembro? Kung tutuusin, dapat sana ay kabaligtaran ang ginawa ng Simbahan.

Paano ito nagawa? Sasabihin ko kung paano—sa buong pusong paniniwala ng namumunong mga Kapatid na ang prinsipyo ng ikapu at kusang-loob na handog ay igagalang maging ng pinakabagong miyembro ng Simbahan at ang katapatan sa gayong dakilang alituntunin ang magbibigay ng sapat na pondo.

Wala ako sa Korum ng Labindalawa nang gawin ang malaking desisyong iyon, ngunit nakikinita ko ang mga talakayan noon at pananampalatayang kinailangan sa mga mapagmahal at maiingat na lalaking ito. Paano kung titigil na ang mga Kapatid sa pagtatasa ng halaga athindinagbayad ang mga Banal ng ikapu at mga handog, ano ang mangyayari? Ang alam ko'y hindi na nila inisip iyon. Nagpatuloy sila sa pananampalataya—sa Diyos, sa inihayag na alituntunin, sa atin. Hindi sila nag-atubili. Kagila-gilalas (kung di man halos napansin) ang araw na iyon ng pag-unlad ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Ngunit sa paggalang sa desisyong iyon, dapat ay sapat na ang ating kaisipan bilang mga miyembro ng Simbahan. May limang dahilan kung bakit tayo lahat, mayaman man o mahirap, ay dapat matapat na magbayad ng ikapu at mga handog.

Una, gawin ito para sa kapakanan ng inyong mga anak at apo, ng bagong salinlahi, na maaaring, kung hindi tayo maingat, ay lumaki sa biyaya nitong bagong kaayusan sa pananalapi ng Simbahan na di alam kung paano natustusan ang kanilang mga templo, kapilya, seminary at pagtitipon. Ituro sa inyong mga anak na maraming biyaya sa Simbahan ang nakakamtan dahil kayo at sila ay nagbibigay ng ikapu at mga handog sa Simbahan, at ang mga iyon ay di makakamtan sa ibang paraan.

Isama din ang inyong mga anak sa tithing settlement, gaya ng ginawa ng apo ni President Howard W. Hunter at ng kanyang ama ilang taon na ang nakalipas. Natuwa sa karanasang iyon ang obispo sa hangarin ng batang Hunter na magbayad ng buong ikapu. Habang tinatanggap ang mga barya, tinanong niya ang bata kung sa palagay niya ay totoo ang ebanghelyo. Nang iabot ng bata ang buong ikapu na 14 na sentimo, sinabi ng pitong-taong-gulang na ito na palagay niya'y totoo ang ebanghelyo ngunit "magastos pala ito."3Ang mga gusali, programa, at materyal na nabanggit ko ay may halaga. Mahalagang aral ito na dapat matutuhan ng ating mga anak habang bata pa.

Pangalawa, magbayad ng ikapu para na rin sa inyong kapakanan. "Subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan."4Nang patayin sa Nauvoo ang kanyang asawa at naglakbay pakanluran kasama ang limang anak na ulila na sa ama, si Mary Fielding Smith ay patuloy na nagbayad ng ikapu sa kabila ng kahirapan. Nang payuhan siya ng isang tao sa tanggapan ng ikapu na di na niya dapat ibayad ng ikapu ang tanging patatas na naani niya, sinabi niya sa lalaki, "William, mahiya ka naman. Ipagkakait mo ba sa akin ang biyaya? Kung di ako magbayad ng ikapu, alam kong hindi ibibigay ng Panginoon sa akin ang Kanyang mga biyaya. Nagbabayad ako ng ikapu, hindi lamang dahil ito'y batas ng Diyos, kundi dahil umaasa akong may biyaya sa paggawa nito. —Kailanganko ng biyaya.] Sa pagtupad dito at sa ibang mga batas, umaasa akong. . .maitataguyod ko ang aking pamilya."5

Hindi ko alam anglahatng paraan ng pagdating ng mga biyaya sa pagsunod sa prinsipyong ito, ngunit pinatototohanan kong darating ang mga ito hindi lamang sa anyo ng salapi. Sa buhay ko, halimbawa, ay nakita ko ang katuparan ng pangako ng Diyos na Kanyang "sasawayin ang mananakmal dahil sa —atin]."6Ang biyayang proteksiyon laban sa masama ay ipinagkaloob sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Naniniwala akong dumating ang banal na kaligtasan, kahit paano, dahil sa aming determinasyon, na magbayad ng ikapu.

Pangatlo, magbayad ng ikapu bilang pahayag na ang pag-aari ng mga materyal na bagay at pagkakamal ng yaman sa mundo ay hindi ang pangunahing mithi ninyo sa buhay na ito. Minsa'y sinabi sa akin ng isang batang ama na nabubuhay sa kaunting halaga dahil nag-aaral pa siya, "Marahil ang pinakamahihirap na sandali sa buhay ng mga Banal sa mga Huling Araw ay dumarating kapag kailangan nating salungain ang agos ng daigdig. Ganyan ang ginagawa ng ikapu. Sa pamumuhay sa mundong nakatuon sa materyal na ari-arian at humihikayat ng kawalan ng tiwala sa sinuman o anupaman na interesado sa ating salapi ay naaalis natin ang kasakiman kapag nagbibigay tayo nang kusa, may tiwala, at bukas-palad. Sa gayo'y masasabi nating—talagang—kakaiba tayo, na tayo ang banal na bayan ng Diyos. Sa lipunang nagsasabing ang salapi ang pinakamahalaga nating ari-arian, sinasabi nating hindi ito totoo."7

Minsa'y nagsalita si President Spencer W. Kimball tungkol sa isang lalaki na nagyayabang sa maraming lupain at iba pang ari-arian—mga taniman at ubasan, mga kawan at bukirin, mga lawa at tahanan at lahat na ng ari-arian. Ipinagyabang niya lahat ng ito ngunit sa dakong huli ng kanyang buhay ay di siya handang magbayad ng ikapu ng mga ito o ni ayaw kilalanin man lang na ang mga regalong ito'y mula sa Diyos. Nagsalita si President Kimball sa libing ng taong iyon at sinabing ang mayamang taong ito'y inihimlay sa maliit na piraso ng lupa na ang sukat ay "kasing-haba lang ng matangkad na tao at kasing-kapal ng taong mataba."8Bilang sagot sa sinaunang tanong na, "Gaano ang kanyang naiwanan?" tinitiyak kong ang sagot ay laging, "Lahat ng ito." Kaya mas mabuting magtipon ng kayamanan sa langit, kung saan hindi buwis kundi mga doktrina ang nagbibigay kahulugan sa mga salitang tulad nglupain,mana,testamento, athuling habilin.9

Pang-apat, bayaran ang inyong ikapu at mga handog nang tapat at may integridad dahil ang mga ito'y sa Diyos. Tiyak na ang isa sa lubos na nakaaantig na linya sa banal na kasulatan ay ang tanong ni Jehova, "Nanakawan baga ng tao ang Dios?" At tanong nati'y, "Sa ano ka namin ninakawan?" Sagot Niya'y, "Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog."10

Ang pagbabayad ng ikapu ayhindiregalo ng kawanggawa na ipinagkakaloob natin sa Diyos. Ang pagbabayad ng ikapu ay pagbabayad ng utang. Minsa'y inilarawan ito ni Elder James E. Talmage bilang kontrata sa pagitan natin at ng Panginoon. Naisip niya na maaaring sinasabi ng Panginoon na: "Marami kayong kailangan sa mundong ito—pagkain, damit, at masisilungan ng inyong pamilya. . ., ang mga kaginhawaan sa buhay. . . . May paraan upang mapasaiyo ang mga bagay na ito; ngunit tandaan mong akin ito, at kailangang bayaran mo Ako ng upa sa mga bagay na ipinagkatiwala ko sa iyo. Gayunman, hindi ito patuloy na daragdagan . . . —kaya] sa halip na maging tulad ng mga kasera sa lupa—na humihingi sa iyo. . .ng paunang bayad, anuman ang kapalaran o. . .layunin mo—babayaran mo. . .—lamang] ako kapag tumanggap ka; at ang bayad mo'y batay sa tinanggap mo. Kaya kung sa isang taon ay sagana ang iyong kinita, . . .—ang iyong 10 porsiyento ay] madaragdagan; at kung sa susunod na taon ay taghirap at di tulad ng dati ang kinita mo, . . .—ang iyong 10 porsiyento ay] mas kaunti. . . . —Anuman ang kalagayan mo, ang ikapu ay makatarungan lamang.]'

"May nakita na ba kayong kasera sa mundo na handang gumawa ng gayong uri ng —makatarungang] kontrata sa inyo?" tanong ni Elder Talmage. "Kapag tinitingnan ko ang mga halimbawa nito," sabi niya, ". . .pakiramdam ko'y halos di ako makatingin sa. . .Langit. . .kung dadayain ko ang —Diyos] sa mga bagay —na pag-aari Niya]."11

Ito ang panlimang dahilan ng pagbabayad ng ating ikapu at mga handog. Dapat natin itong bayaran bilang pahiwatig ng pagmamahal sa bukas-palad at maawaing Ama sa Langit. Sa kabutihan Niya ay namahagi ang Diyos ng tinapay sa nagugutom at damit sa maralita. Sa iba't ibang panahon sa ating buhay kabilang tayong lahat dito, temporal man o espirituwal. Sa bawat isa sa atin ang ebanghelyo'y sumikat tulad ng liwanag sa umaga, na itinataboy ang kadiliman ng kamangmangan at dalamhati, takot at kawalan ng pag-asa. Ang Kanyang mga anak sa bawat bansa ay sumamo at sumagot ang Panginoon. Sa pagsulong ng Kanyang ebanghelyo sa mundo, iniibsan ng Diyos ang pasanin ng napapagod at pinalalaya ang mga naaapi. Ang Kanyang mapagmahal na kabutihan ang gumawa sa ating buhay, mayaman man o mahirap, malayo man o malapit, na "parang halamang nadilig,. . . —mula sa] bukal ng tubig. . .—na hindi] naglilikat."12

Malaki ang pasalamat ko sa bawat biyaya ng ebanghelyo ni Jesucristo, lalo na ang pinakadakila sa lahat ng kaloob, ang huwarang buhay at nagbayad-salang pagkamatay ng Bugtong na Anak ng Diyos. Alam kong hinding-hindi ko masusuklian ang langit sa alinman sa mga kabutihang ito, ngunit dapat kong sikaping ipakita ang aking pasasalamat sa maraming paraan. Isa na sa mga ito ang pagbabayad ng ikapu at kusang pagbibigay ng mga handog.Gustokong magbigay kahit paano, ngunit ayaw kong ito'y (sa mga salita ni Haring David) "hindi nagkahalaga sa akin ng anoman."13

Pinatototohanan ko na ang alituntunin ng ikapu ay sa Diyos, na itinuro sa atin sa simpleng paraan sa banal na kasulatan kaya di tayo dapat mag-alinlangan sa kabanalan nito. Kamtin nawa natin ang mga biyaya magpakailanman, ang dalangin ko sa pangalan ni Jesucristo, amen.

MGA TALA

1. Dan. 2:45.
2. Isa. 29:14.
3. Sinipi ni David B. Haight sa Conference Report, Abr. 1981, 57; oEnsign, Mayo 1981, 42.
4. Mal. 3:10.
5. Sa Conference Report, Abr. 1900, 48.
6. Mal. 3:11.
7. Sariling pagsulat.
8. Sa Conference Report, Abr. 1968, 74.
9. Tingnan sa Mat. 6:19–21.
10. Mal. 3:8.
11. The Lord's Tenth(polyeto, 1968), 10–11.
12. Isa. 58:11; tingnan din sa Isa. 58:6–10.
13. 2 Sam. 24:24.

 
© 2008 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy