Elder Robert D. Hales
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
Malaking kagalakan ang tumayo sa harapan ng mga priesthood at magsalita sa magiting na hukbo ng Diyos. Mahalagang malaman natin kung sino tayomga anak ng Diyos na maytaglay ng Aaronic at Melchizedek Priesthood, na ipinanumbalik sa dispensasyong ito. Mahalagang malaman natin kung ano ang sinisikap nating isakatuparan sa buhayat iyan ay ang makabalik sa piling ng Ama sa Langit kasama ang ating pamilya. Dahil lubos tayong pinagpala, mahalaga ring malaman natin at tuparin ang ating tungkulin sa Diyos.
Maraming taon nang nag-aalala ang Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol sa kapakanan ng ating mga kabataan sa ating magulong panahon. Noong ika-28 ng Setyembre, 2001, lumiham ang Unang Panguluhan sa mga priesthood leader sa Estados Unidos at Canada na nagsasabing:
"Noong Enero 2000, pinasimulan natin ang programang Aaronic Priesthood Achievement sa mga lugar sa labas ng Estados Unidos at Canada na walang Scouting. Ang layunin. . .ay tulungan ang mga kabataang lalaki na maghanda para sa Melchizedek Priesthood, endowment sa templo, full-time mission, pag-aasawa, at pagiging ama. . . . —Ang pandaigdigang programang iyan ay patuloy pa rin at] iniakma para magamit sa Estados Unidos at Canada upang maisama ang mahalagang papel ng Scouting sa pag-unlad ng mga kabataang lalaki. . .—at makikilala bilang]Aaronic Priesthood: Pagtupad ng Ating Tungkulin sa Diyos.
"Nais naming magpunyagi ang lahat ng kabataang lalaki na matamo ang Eagle Scout at Duty to God Award. Nais naming magpunyagi ang lahat ng kabataang babae na matamo ang Young Womanhood Recognition. Sa pagsisikap nila sa mga adhikaing ito, magkakaroon sila ng mga kasanayan at katangiang aakay sa kanila sa templo at maghahanda sa kanila sa habambuhay na paglilingkod sa kanilang pamilya at sa Panginoon.
"Ang mga kopya ng mga materyal na ito ay ipadadala sa bawat stake para ipamahagi sa mga ward sa Disyembre 2001, para ipatupad sa Enero 2002" (Liham ng Unang Panguluhan, ika-28 ng Setyembre, 2001). Dito nagtapos ang makasaysayang liham ng Unang Panguluhan.
Nabubuhay tayo sa napakahirap na panahon sa kasaysayan ng mundo, kung kailan si Satanas ay paroo't parito sa lupa sa kalipunan ng mga anak ng Diyos, at gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan upang hadlangan ang mga pagnanais ng mabuting Diyos. Itinuturo sa atin ng mga banal na kasulatan na ang masasamang balak ni Satanas sa mga tao sa mundo ay titindi habang papalapit ang Ikalawang Pagparito ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo (tingnan sa II Tes. 2:110; D at T 10:33; 52:14; 86:310).
Wala pang panahon sa mga huling araw na ito tulad ngayon, na isinusulong nang husto ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mensahe upang tulungan ang mga magulang kasama ang mga bishop at priesthood at auxiliary leader na tiyaking nauunawaan ninyong mga kabataang lalaki kung sino kayo at ano ang maaari ninyong kahinatnanhindi lang dito sa mortalidad kundi maging sa darating na kawalang-hanggan.
Ang Duty to God Award ay tutulong sa mga kabataang lalaki na tugunan ang mga darating na hamon sa buhay at kamtin ang mga layunin ng Aaronic Priesthood.
Ipinaliwanag ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol: "Umaasa kaming matatamo ninyo ang Duty to God Award at magiging simbolo ito ng paghahanda ninyong matanggap ang Melchizedek Priesthood" (Aaronic Priesthood: Pagtupad ng Ating Tungkulin sa Diyos, Deacon—2001], 4).
Sa pagtatamo ninyo ng Duty to God Award, makukumpleto ninyo ang mga adhikain sa mga sumusunod:
Gawin ang mga personal na adhikain sa bawat isa sa apat na kategorya, na nakasentro sa mga tungkulin ng priesthood: espirituwal na pag-unlad; pisikal na pag-unlad; pag-unlad sa edukasyon, sarili, at trabaho; at pag-unlad sa pagkamamamayan at pakikipagkaibigan.
Kung tutuparin ninyo ang mga kinakailangan para sa mga tungkulin ng priesthood at pansariling katangian, maihahanda ninyo ang inyong sarili para sa mga responsibilidad ng Melchizedek Priesthood at mga darating na hamon sa buhay. Ipinangangako ko na ang pagtanggap ninyo ng Duty to God Award ay maglalaan sa inyo ng buhay na patotoo na magtataguyod sa inyo habambuhay.
Kung mayroong Scouting, matutulungan din kayo nito sa pagsisikap na ito. Hinihikayat namin kayong makilahok sa Scouting. Maraming kinakailangan sa Scouting na tutugon sa mga adhikain at kinakailangan upang makatanggap ng mga sertipikong Duty to God.
Ang Scouting ay bahagi ng programa ng mga aktibidad ng Aaronic Priesthood. Ang Duty to God Award ay isang priesthood award, na may mga kinakailangang tutulong sa inyo upang espirituwal na umunlad at tuparin ang inyong mga tungkulin sa priesthood.
Ilan sa malalaking pagpapalang binuo para sa mga programang ito ay na bilang mga kabataan ng Simbahan, magkakaroon kayo ng malinaw na pag-unawa kung sino kayo, mananagot kayo sa inyong mga kilos, pananagutan ninyo ang mga gagawin ninyo sa buhay, at makapagtatakda kayo ng mga adhikain upang matamo ninyo ang nilayon sa inyo dito sa lupa. Ang samo namin ay magsumikap kayong gawin ang lahat sa abot ng inyong makakaya.
Mga kabataang lalaki, lumuhod kayo araw-araw at ipagdasal sa Diyos ang mga hangarin ng inyong puso. Sa Kanya nagmumula ang lahat ng dunong at sasagutin Niya ang inyong mga dalangin. Magpakumbaba at maghandang makinig sa mga bulong ng Espiritu. Magbasa ng mga banal na kasulatan araw-araw. Palakasin ang inyong patotoo. Magbayad ng ikapu at mga handog-ayuno. Tandaan at tuparin ang mga tipang ginawa ninyo nang kayo ay binyagan, at sariwain ito tuwing linggo sa pagtanggap ninyo ng sakramento. Ang pagtupad sa inyong mga tipan sa binyag ngayon ay tutulong sa inyong maghanda para sa mga gagawin ninyong tipan sa templo sa hinaharap.
Ito ang diwa ng inyong tungkulin sa Diyos. Sa pagtupad ng inyong tungkulin sa Diyos, magdadala kayo ng mga pagpapala hindi lamang sa inyong buhay kundi gayundin sa iba.
Ang paglilingkod sa iba ang isa sa mga layunin ng Aaronic Priesthood. Isang kinakailangan para sa Duty to God Award ang magkaroon kayo ng isang proyektong paglilingkod kahit minsan sa isang taon na maglalaan ng pagkakataong makapaglingkod nang husto sa inyong pamilya, sa Simbahan, o sa komunidad. Sa pagtulong at paglilingkod ninyo sa iba, malalaman ninyo na ang banal na kasulatang ito ay napakahalagang bahagi ng ebanghelyo: "Yayamang ito ay ginagawa ninyo sa pinakamaliit sa mga ito, ito ay sa akin ninyo ginagawa" (D at T 42:38).
Umaasa akong ang mga magulang at bishopna mga pangulo ng Aaronic Priesthooday mauunawaan na ang mga kabataang nasa kanilang pananagutan ay inihandang pumarito sa lupa sa oras na ito para sa isang sagrado at maluwalhating layunin. Malaking pagpapala ang maging marapat sa at pagkatapos ay matanggap ang Melchizedek Priesthood. Kayong mga kabataang lalaki ay may marangal na tungkuling maging mabubuti, lumakas, at impluwensiyahan ang iba sa kabutihan. Kayong mga kabataang lalaki ang kinabukasan ng Simbahan.
Tayong lahat ay umunlad mula nang dumating tayo sa lupa galing sa piling ng ating Ama sa Langit. Ang unang dekada natin sa buhay na ito ay malaking pagkatuto. Inalagaan tayo at inaruga. Natuto tayong lumakad at magsalita at kontrolin ang mortal na katawang ito. Natuto tayo tungkol sa kalayaanna may bunga ang mga pagpili. Marami sa atin ang nabinyagan sa edad na walo, na sinasabi sa atin ng mga banal na kasulatan na edad ng pananagutan dahil may kakayahan na tayong malaman ang tama at mali, kung sino tayomga anak ng Diyoskung bakit tayo narito sa lupa, at kung ano ang sinisikap nating isakatuparan (tingnan sa D at T 68:25, 27).
Mula nang binyagan tayo hanggang edad 12, tinuruan tayo ng ating mga pamilya, priesthood at auxiliary leader, at guro ng mga alituntunin at pamantayan ng ebanghelyo na naghahanda sa ating taglayin ang priesthood. Ang Aaronic Priesthood ay tinatawag na priesthood ng paghahanda. Ang ikalawang dekadang ito ng ating buhay ay panahon ng paghahanda. Panahon ito para maghanda tayong gumawa ng malalaking desisyon sa hinaharap. Naghahanda tayong tumanggap ng Melchizedek Priesthood, at taglayin sa ating sarili ang ating mga tipan sa templo, at tuparin ang lahat ng responsibilidad natin sa priesthood upang matupad natin ang ating tungkulin sa Diyos.
Ang mga pagpili ninyo ngayon ay tuwirang iimpluwensiya sa dami at mga uri ng mga pagkakataong sasainyo sa hinaharap. Ang araw-araw na desisyon ay makababawas o makadaragdag sa inyong mga pagkakataon. Habang gumagawa kayo ng mga tamang desisyon sa panahong ito ng paghahanda, magiging handa kayong gumawa ng mga tamang desisyon sa hinaharap.
Isipin lang ninyo, sa susunod na dekada ng inyong buhaydekada ng mga edad 20kung anong mga desisyon ang gagawin: pagkamarapat sa templo, pagmimisyon, edukasyon, trabaho, pag-aasawa sa walang hanggan, at pamilya. Ang dekadang ito ng desisyon ay hindi dapat katakutan. Panahon ito para tamasahin ang mga pagpapalang pinaghandaan ninyo. "Kung kayo ay handa kayo ay hindi matatakot" (D at T 38:30).
Isa sa mga pinakadakilang kaloob na ibinigay sa inyo sa binyag ay ang pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo. Sa pamamagitan ng kaloob na Espiritu Santo, magkakaroon kayo ng inspiradong patnubay upang magawa ang mahahalagang desisyong ito.
Sa panahon ng paghahanda ninyo sa buhay napakahalagang magkaroon kayo ng espirituwal at pisikal na pag-unlad, edukasyon, pansariling pag-unlad, paghahanda sa trabaho, pagkamamamayan, at mga kasanayan sa pakikihalubilo. Ang mga katangiang ito ay bahaging lahat ng inyong mga tungkulin sa priesthood at makatutulong sa mga desisyong darating sa mga susunod na dekada ng inyong buhay.
Mahalagang bahagi ng pagtupad ng ating tungkulin sa Diyos sa anumang edad ang maging disipulo ni Jesucristo, na nangangahulugang tinatanggap natin ang Kanyang paanyayang "pumarito ka, sumunod ka sa akin" (Lucas 18:22). Sa pagsunod sa Tagapagligtas kailangan nating malaman kung sino Siyaang Anak ng Diyostaglayin natin ang Kanyang pangalan, alalahanin ang Kanyang mapagtubos na sakripisyo, at sundin ang Kanyang mga kautusan. Ginawa natin ang mga tipang ito sa binyag, at sinasariwa ang mga ito sa pagtanggap ng sakramento.
Natututuhan natin sa panalangin ng Tagapagligtas sa Kanyang Ama sa Langit ang dakilang mga aral ng pagkadisipulo at tungkulin sa Diyos. Sa Kanyang dalangin para sa iba itinuturo Niya, "Niluwalhati kitasa lupa,pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin" (Juan 17:4; idinagdag ang pagkakahilig ng mga titik).
Nang maghirap si Jesucristo sa Halamanan ng Getsemani para sa kasalanan ng sangkatauhan, nanalangin Siya, "Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'yhuwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo" (Mat. 26:39; idinagdag ang pagkakahilig ng mga titik).
Ang pagkadisipulo at tungkulin sa Diyos ay makikita sa buhay ng mga propeta sa buong banal na kasulatan. Ang mga natutuhan natin sa mga propetang ito ay maiaangkop sa ating buhay.
Sabi ng batang si Joseph Smith, "Sumunod ako; at akoy nagbalik sa aking ama sa bukid, at inilahad ko sa kanya ang buong pangyayari" (JSK 1:50; idinagdag ang pagkakahilig ng mga titik).
Si Elijah ay "naparoon. . .at ginawaang ayon sa salita ng Panginoon" (I Mga Hari 17:5; idinagdag ang pagkakahilig ng mga titik).
"Gayon ang ginawa ni Noe;ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya" (Gen. 6:22; idinagdag ang pagkakahilig ng mga titik.)
Itinuro ni Josue sa kanyang mga tao, "Sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.. . .At sinabi ng bayan kay Josue,Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran, at ang kaniyang tinig ay aming didinggin" (Jos. 24:15, 24; idinagdag ang pagkakahilig ng mga titik).
Sabi ni Alma, "O, pakatandaan, anak ko, atmatuto ng karunungan sa iyong kabataan; oo,matuto sa iyong kabataan na sumunod sa mga kautusan ng Diyos" (Alma 37:35; idinagdag ang pagkakahilig ng mga titik).
Nagpayo ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol sa bawat maytaglay ng Aaronic Priesthood:
"Nabubuhay kayo sa panahong maraming hamon at pagkakataon. Inatasan kayong gumawa ng kaibhan sa mundo. Bilang anak ng Diyos, na may kapangyarihan ng Aaronic Priesthood, maaari kayong maging magandang puwersa sa kabutihan.
"Maaari kayong maglingkod, mag-ukol ng panahon, talento, at lakas nang walang iniisip na kapalit. Magagampanan ninyo ang mga tungkulin sa priesthood, gaya ng —paghahanda, pagpapasa, at] pagbabasbas ng sakramento, —paglikom ng handog-ayuno, pagtulong sa iba,] at paglilingkod bilang home teacher. Mabibigyang-inspirasyon ninyo ang iba sa inyong halimbawa. Mapalalakas ninyo ang inyong sarili, mapatatatag ang pananampalataya at patotoo, maipamumuhay ang ebanghelyo habang natututuhan at ibinabahagi ito.
"Tungkulin ninyong alamin kung ano ang ipinagagawa sa inyo ng Ama sa Langit at tapos ay gawin ninyo ang lahat upang sundin ang Kanyang kalooban. . . .
"May tiwala ang Panginoon sa inyo at may mahalagang misyong ipagagawa sa inyo. Tutulungan Niya kayo kapag nanalangin kayo sa Kanya. Makinig sa mga panghihikayat ng Espiritu. Sundin ang mga kautusan. Gumawa at tumupad ng mga tipang maghahanda sa inyo para sa templo. Makipagtulungan sa inyong mga magulang at pinuno habang itinatakda ninyo ang inyong mga adhikain at sinisikap na magawa ang mga ito. Makadarama kayo ng malaking kasiyahan sa pagtupad ng inyong tungkulin at paghahanda para sa mga hamon sa hinaharap" (Aaronic PriesthoodPagtupad ng Ating Tungkulin sa Diyos, Priest—2001], 45).
Mga kapatid sa Aaronic Priesthood, itakda ang inyong mga adhikain ngayon at pagsikapang matamo ang inyong Duty to God Award at Eagle Scout Award. Pagpapalain kayo sa mga pagsisikap ninyong ito.
Mahal ko ang mga kabataan ng Simbahan. Malaki ang paggalang at paghanga ko sa mga tamang pagpiling ginagawa ninyo bawat araw. Matibay ang inyong pananampalataya sa magulong panahong ito sa kabila ng maraming hamong dumarating sa inyo. Inihahanda ninyo ang inyong sarili na maging mga ama at priesthood leader sa Simbahan sa hinaharap.
Napakahalagang maunawaan nating lahat na nabubuhay tayo sa huling dispensasyon ng kaganapan ng panahonna naghahanda tayo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at na ang kalaban sa mga huling araw na ito ay makapaghahasik pa ng mas maraming kasamaan sa mundo. Dalangin namin na lahat ng kabataan ng Simbahan ay magkaroon ng lakas na paglabanan ang nag-aapoy na sibat ng kaaway at tayong mga magulang at priesthood leaderoo, tayong mga pastolay makatulong sa ating mga anak na manatiling tapat at nananampalataya sa ebanghelyo ni Jesucristo.
Saksi ako sa katotohanan ng gawaing ito at sa panunumbalik ng priesthood sa mga huling araw. Ipinangangako kong pagpapalain kayo sa inyong katapatan at ipinahahayag tulad ng propetang si Alma, "Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang kayo ay magising ko sa pagpapahalaga ng inyong tungkulin sa Diyos, upang kayo ay makalakad nang walang kasalanan sa kanyang harapan, upang kayo ay lumakad alinsunod sa banal na orden ng Diyos" (Alma 7:22). Dalangin kong nawa'y matupad ng bawat maytaglay ng Aaronic Priesthood ang kanyang tungkulin sa Diyos at makabalik nang may dangal sa Ama sa Langit. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.