President James E. Faust
Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan
"Ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa paniniwala at pagtanggap sa Pagbabayad-sala. Ang gayong pagtanggap ay nangangailangan ng patuloy na pagsisikap na lalo itong maunawaan."
Minamahal kong mga kapatid at kaibigan, nais kong mapakumbabang magsalita ngayong umaga tungkol sa pinakadakilang pangyayari sa buong kasaysayan. Ang natatanging pangyayaring iyon ay ang Pagbabayad-sala ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Iyon ang pinakamagandang nangyari, ngunit ito rin ang pinakamahirap unawain. Gusto kong matutuhan ang lahat kung bakit medyo makasarili ang Pagbabayad-sala dahil ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa paniniwala at pagtanggap sa Pagbabayad-sala.
1Ang gayong pagtanggap ay nangangailangan ng patuloy na pagsisikap na lalo itong maunawaan. Pinauunlad ng Pagbabayad-sala ang ating layuning matuto sa buhay upang maging perpekto tayo.
2Lahat tayo ay nagkakasala at kailangang magsisi upang lubos na mabayaran ang ating bahagi sa pagkakautang. Kapag taos-puso tayong nagsisisi, ang kahanga- hangang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ang nagbabayad ng
natitirasa pagkakautang.
3
Nagbigay si Pablo ng simpleng paliwanag tungkol sa Pagbabayad-sala: "Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin."4Si Jesucristo ay hinirang at itinalaga upang maging Manunubos natin bago pa nalikha ang mundo. Dahil sa Kanyang pagiging banal na anak, walang-bahid-dungis Niyang buhay, pagdanak ng Kanyang dugo sa Halamanan ng Getsemani, napakasakit Niyang pagkamatay sa krus, at ang kasunod na Pagkabuhay na Mag-uli mula sa libingan, Siya ang nag-akda ng ating walang-hanggang kaligtasan at ginawang perpekto ang Pagbabayad-sala para sa buong sanlibutan.5
Sa ating pagkaunawa sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo magkakamit tayo ng kaalaman tungkol sa Kanya at sa Kanyang misyon.6Anumang dagdag na kaalaman sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo ay nagpapalapit sa atin sa Kanya. Ang tunay na kahulugan ng Pagbabayad-sala ay "maging isa" sa Kanya. Ang katangian ng Pagbabayad-sala at ang epekto nito ay walang katapusan, di-maarok, at napakalalim kaya ito ay di-abot ng kaalaman at pang-unawa ng mortal na tao. Lubos akong nagpapasalamat sa prinsipyo ng nakapagliligtas na biyaya. Marami ang nag-aakala na sapat nang tanggapin si Jesus bilang Cristo at sila ay naligtas na sa biyaya lamang. Hindi tayo maililigtas sa biyaya lamang, sapagkat ating "nalalaman na tayo'y naligtas sa pamamagitan ng biyaya,sa kabilang lahat ng ating magagawa."7
Ilang taon pa lamang ang nakalilipas, ikinuwento ni President Gordon B. Hinckley ang "parang isang talinghaga" tungkol sa "paaralang iisa ang silid sa kabundukan ng Virginia kung saan napakagulo ng mga lalaki na walang gurong makapigil sa kanila.
"Isang araw isang walang karanasang batang guro ang humiling na makapagturo. Sinabihan siya na bawat guro ay nakatatanggap ng matinding gulpi, ngunit nakipagsapalaran ito. Sa unang araw ng pasukan sinabihan niya ang mga batang lalaki na gumawa ng sarili nilang mga batas at parusa sa paglabag sa mga ito. Nakapaglabas ng 10 batas ang klase, na isinulat sa pisara. Pagkatapos ay tinanong ng guro, 'Ano ang gagawin natin sa sinumang lalabag sa mga batas?'
" 'Hatawin siya sa likod nang sampung beses nang walang suot na amerikana,' ang naging sagot.
"Makalipas ang mahigit isang araw. . .may nagnakaw sa tanghalian ng isang malaking estudyanteng nagngangalang Tom. 'Natagpuan ang nagnakawisang maliit na batang gutom na gutom, mga sampung taong gulang.'
"Nang papalapit na si Little Jim para parusahan, nakiusap siyang huwag ipahubad ang kanyang amerikana. 'Hubarin mo ang amerikana mo,' sabi ng guro. 'Kasama kang gumawa ng mga batas!'
"Hinubad ng bata ang amerikana. Wala siyang polo at nalantad ang kapayatan ng butuhan niyang katawan. Nang mag-atubili sa paghataw ang guro, tumayo si Big Tom at inako ang parusa.
" 'Sige, may batas tayo na puwedeng akuhin ng iba ang parusa. Payag ba kayong lahat?' tanong ng guro.
"Matapos ang limang hataw sa likod ni Tom, nabali ang pamalo. Naghihikbian ang buong klase. 'Dinaluhan ni Little Jim si Tom at niyakap ito nang mahigpit sa leeg. "Tom, patawarin mo ako sa pagnanakaw ko ng tanghalian mo, pero gutom na gutom ako talaga. Tom, mamahalin kita hanggang kamatayan sa pag-ako mo sa aking parusa! Oo, mamahalin kita magpakailanman!' "8Binanggit ni President Hinckley ang sinabi si Isaias:
"Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan;. . .
". . .Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo."9
Walang sinumang nakababatid sa bigat na pinasan ng Tagapagligtas, ngunit sa tulong ng kapangyarihan ng Espiritu Santo malalaman natin ang dakilang regalong inihandog Niya sa atin.10Sa mga salita sa ating himnong pangsakramento:
Hindi natin matatanto,
Kanyang pagdurusa,
Ngunit tiwalang hanap N'ya'y
Ating kaligtasan.
11
Labis ang sakit na Kanyang pinagdusahan, "di-mailarawang kirot," at "sobrang pagpapahirap"12para sa ating kapakanan. Ang Kanyang pagdurusa sa Halamanan ng Getsemani, kung saan inako Niya ang lahat ng kasalanan ng lahat ng tao, na naging dahilan upang Siya ay "manginig dahil sa sakit, at labasan ng dugo sa bawat pinakamaliit na butas ng balat, at magdusa kapwa sa katawan at sa espiritu."13"At nang siya'y nanlulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas,"14na sinasabing, "Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban."15Ipinagkanulo Siya ni Judas Iscariote at ikinaila ni Pedro. Kinutya Siya ng mga pangulong saserdote at mga pinuno; Siya ay hinubaran, sinaktan, niluraan, at hinampas sa bulwagan ng hukuman.16
Dinala Siya sa Golgota, kung saan ipinako ang Kanyang mga kamay at paa. Ilang oras Niyang tiniis ang mabayubay sa krus na kahoy na sinulatan ni Pilato ng: "JESUS NA TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO."17Sumapit ang dilim, at "nang malapit na ang oras ng ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi, Eli, Eli, lama sabachthani? samakatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?"18Walang nakatulong sa Kanya; Kanyang "tinapakan ang pisaan ng ubas nang mag-isa.19Pagkatapos ay "muling sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga."20At "pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig."21"Nayanig ang lupa" at "ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios."22Sa mga salita sa himno, "H'wag hayaang malimutan ang pagdurusa Ninyo."23Iniisip ko kung ilang patak ng dugo ang dumanak para sa akin.
Ang Kanyang ginawa ay Diyos lamang ang makagagawa. Bilang Bugtong na Anak ng Diyos sa laman, nagmana si Jesus ng mga banal na katangian. Siya lamang ang tanging ipinanganak sa lupa na makagagawa ng pinakamahalaga at makalangit na gawain. Bilang tanging walang-bahid-dungis na Tao na nabuhay sa mundo, hindi Siya saklaw ng kamatayang espirituwal. Dahil sa Kanyang pagkadiyos, taglay din Niya ang kapangyarihan laban sa kamatayang pisikal. Gayon Niya ginawa para sa atin ang hindi natin magagawa para sa ating sarili. Pinagtagumpayan Niya ang kamatayang pisikal. Dahil din sa Kanya ay napasaatin ang pinakadakila at matiwasay na aliw na handog ng Espiritu Santo.24
Ang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ay maraming nagagawa. Nililinis ng Pagbabayad-sala ang ating kasalanan kung tayo ay magsisisi. Pagsisisi ang batayan ng pagkaawa.25Pagkatapos nating gawin ang lahat upang mabayaran ang kahuli-hulihang pagkakautang at iwasto ang ating mga kamalian, nagkakabisa ang biyaya ng Tagapagligtas sa ating buhay sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala na nagpapadalisay sa atin at ginagawa tayong ganap.26Napagtagumpayan ang kamatayan sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo at nagbigay-katiyakan ito sa atin na may buhay pagkatapos ng kamatayan. Sinabi Niya: "Ako ang pagkabuhay na —mag-uli], at ang kabuhayan: ang sumampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya."27Ang Pagkabuhay na Mag-uli ay walang kundisyon at para sa lahat na nabuhay at mabubuhay pa.28Ito ay libreng regalo. Inilarawan itong mabuti ni President John Taylor nang sabihin niya: "Ang mga libingan ay mabubuksan at maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at sila ay magsisilabas, ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na —mag-uli], at ang mga nagsigawa ng masama ay sa pagkabuhay na —mag-uli] sa paghatol."29
Sa pagtukoy sa ating mga gawain sa lupa at sa Pagbabayad-sala, kapaki-pakinabang ang sinabing ito ni President J. Reuben Clark Jr.:
"Nadarama kong —ang Tagapagligtas] ay maggagawad ng pinakamababang parusang makatarungan para sa ating mga paglabag. Naniniwala akong hahatulan Niya tayo nang buong pagmamahal at pagpapala at awa at kabutihan at pag-unawa. . .
"At sa kabilang dako, naniniwala akong pagdating sa paggagantimpala sa ating mabubuting nagawa, igagawad niya ang pinakamataas niyang maibibigay, na isinasaalang-alang ang kasalanang ating nagawa."30
Tulad ng isinulat ni Isaias, kung magbabalik-loob tayo sa Panginoon, "siya ay magpapatawad ng sagana."31
Inuutusan tayong isa-isang alalahanin ang mga pangyayari sa Pagpapako sa Krus, at Pagbabayad-sala sa pamamagitan ng pakikibahagi sa sakramento linggu-linggo. Sa diwa ng panalangin sa sakramento, nakikibahagi tayo sa tinapay at tubig sa paggunita ng katawan at dugong isinakripisyo para sa atin, at dapat natin Siyang alalahanin at sundin ang Kanyang mga kautusan nang sa tuwina ay mapasaatin ang Kanyang Espiritu.
Dinala ng ating Manunubos sa kanyang sarili ang lahat ng kasalanan, kirot, karamdaman, at sakit, ng lahat ng nabuhay at mabubuhay pa.32Walang sinumang dumanas nang higit pa sa Kanyang ginawa. Batid Niya ang mga pagsubok natin sa buhay dahil dinanas niya ang mga ito. Katulad ito ng pagtatangka nating akyatin ang Bundok ng Everest pero ilang piye lang ang nakaya nating akyatin. Ngunit naakyat na Niya ang buong 29,000 piye hanggang ituktok ng bundok. Nagdusa Siya nang higit kaysa sinumang tao.
Hindi lamang ang nagkasala ang nakikinabang sa Pagbabayad-sala kundi pati na rin ang pinagkasalahanang ibig sabihin ay, ang mga biktima. Sa pagpapatawad sa "mga nagkasala sa atin," (JST, Mat. 6:13) ang Pagbabayad-sala ay nagbibigay ng kapayapaan at aliw sa mga inosenteng biktima ng kasalanan ng iba. Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang pangunahing magpapagaling sa kaluluwa. Ito ay totoo kahit na ito ay dahil sa kirot na dulot ng personal na trahedya o sa isang teribleng pambansang kalamidad tulad ng naranasan natin kamakailan sa New York at Washington D.C., at malapit sa Pittsburgh.
Isang miyembrong babae na nagdaan sa isang masaklap na diborsyo ang sumulat ng kanyang karanasan sa pagkuha ng lakas mula sa Pagbabayad-sala. Sinabi niya: "Ang aming diborsyo. . .ay hindi ako pinalaya sa obligasyong magpatawad. Gusto ko talagang gawin iyon, pero parang pinipilit akong gawin ang isang bagay na hindi ko kayang gawin." Maganda ang payo ng kanyang bishop, "Bigyang-puwang sa iyong puso ang pagpapatawad, at kapag ito ay dumating, gawin ito." Maraming buwan ang nakalipas na patuloy niyang pinilit na gawin ito. Naalala niya: "Sa mga panahong taimtim akong nagdarasal. . .nasumpungan ko ang nagpapasiglang aliw mula sa ating mapagmahal na Ama sa Langit. Nadama kong hindi lang siya nakatayo at pinanlilisikan ako ng mata dahil hindi pa ako makapagpatawad; sa halip ay kasama ko siyang nagdadalamhati habang ako ay nananangis. . .."
"Sa bandang huli, ang nangyari sa puso ko para sa akin ay kamangha-mangha at mahimalang patunay ng Pagbabayad-sala ni Cristo. Lagi kong itinuturing ang Pagbabayad-sala na isang paraan para magkabisa ang pagsisisi sa makasalanan. Hindi ko naisip na maaari din itong maging paraan para ang pinagkasalahan ay makatanggap sa kanyang puso ng matamis na kapayapaan ng pagpapatawad."33
Ang mga nasaktan ay dapat gawin ang kanilang makakaya sa kanilang mga pagsubok, at ang Tagapagligtas ay "tutulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan."34Tutulungan niya tayong dalhin ang ating mga pasanin. Ang ilang sakit ay sadyang napakakirot at malalim na hindi basta gagaling nang walang tulong mula sa isang higit na makapangyarihan at pag-asa sa perpektong katarungan at pagpapanumbalik sa susunod na buhay. Dahil dinanas na ng Tagapagligtas ang lahat ng bagay na maaari nating madama o maranasan,35matutulungan Niyang gawing mas malakas ang mahina. Personal Niyang dinanas ang lahat ng ito. Nauunawaan Niya ang ating nadarama at tutulungan tayo maging sa pinakamahirap nating sandali.
Inaasam natin ang kahuli-hulihang pagpapala ng Pagbabayad-salaang makaisa Niya, makapiling Niya, ang matawag sa ating pangalan habang malugod Niya tayong tinatanggap sa Kanyang tahanan nang may ngiti, dalawang kamay tayong yayakapin nang buong pagmamahal.36Magiging napakamaluwalhating karanasan ito kung madarama nating karapat-dapat tayong makapiling Siya! Ang libreng handog ng Kanyang dakilang pagbabayad-sala para sa atin ang tanging paraan upang tayo ay mapadakila nang sapat para tumayo sa Kanyang harapan at makita Siya nang harapan. Ang nakapupuspos na mensahe ng Pagbabayad-sala ay ang perpektong pagmamahal ng Tagapagligtas para sa bawat isa sa atin. Isa itong pagmamahal na puno ng awa, tiyaga, biyaya, katarungan, mahabang pagtitiis, at, higit sa lahat, pagpapatawad.
Ang masamang impluwensiya ni Satanas ay sisira sa anumang pag-asa nating madaig ang ating mga kamalian. Ipadarama niya sa atin na naliligaw tayo at wala nang pag-asa. Ang totoo, tinutulungan tayo ni Cristo upang umangat. Sa pamamagitan ng ating pagsisisi at ang handog na Pagbabayad-sala, makapaghahanda tayong maging karapat-dapat na tumayo sa Kanyang harapan. Pinatototohanan ko ito sa pangalan ni Jesucristo, amen.
MGA TALA
1. Tingnan sa Mosias 4:67.
2. Tingnan sa Moroni 10:32.
3. Tingnan sa 2 Ne. 25:23.
4. 1 Mga Taga Corinto 15:22.
5. Tingnan sa Bible Dictionary, "Atonement," 617.
6. Tingnan sa Jacob 4:12.
7. 2 Ne. 25:23; idinagdag ang pagbibigay-diin.
8. "Pres. Hinckley: Christmas a Result of Redeeming Christ,"Church News,ika-10 ng Dis. 1994, 4.
9. Isa. 53:45.
10. I Mga Taga Corinto 12:3.
11. "May Luntiang Burol,"Mga Himno, blg. 117.
12. John Taylor,TheMediation and Atonement(1882), 150.
13. D at T 19:18.
14. Lucas 22:44.
15. Mat. 26:42.
16. Tingnan sa Mat. 26:4775; 27:2831.
17. Juan 19:19.
18: Mat. 27:46.
19. Tingnan sa D at T 133:50.
20. Mat. 27:50.
21. Juan 19:34.
22. Mat. 27:51, 54.
23. "Aba Naming Kahilingan,"Mga Himno,blg. 102.
24. Tingnan sa Juan 15:26.
25. Tingnan sa Alma 42:2225.
26. Tingnan sa 2 Ne. 25:23; Alma 34:1516; 42:2224; Moro. 10:3233.
27. Juan 11:25.
28. Tingnan sa Mga Gawa 24:15.
29. The Gospel Kingdom, tinipon ni G. Homer Durham (1943), 118. Tingnan din sa Juan 5:2829.
30. "As Ye Sow. . .," Brigham Young University Speeches of the Year, (ika-3 ng Mayo 1955), 7.
31. Isa. 55:7.
32. Tingnan sa Alma 7:1112.
33. Walang Lagda,"My Journey to Forgiving,"Ensign, Peb. 1997, 4243.
34. Alma 7:12.
35. Tingnan sa Alma 7:11.
36. Tingnan sa Alma 26:15; Morm. 5:11; 6:17; Moises 7:63.