President James E. Faust
Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan
Mga kapatid, hiniling sa akin ni President Hinckley na ipakilala ko sa inyo ngayon ang mga General Authority, Area Authority Seventy, at mga pangkalahatang panguluhan ng pantulong na samahan para sa inyong pagsang-ayon.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin si President Gordon Bitner Hinckley bilang propeta, tagakita, at tagapagpahayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Thomas Spencer Monson bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at James Esdras Faust bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan. Lahat ng sang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Lahat ng di sang-ayon, kung mayroon man, mangyaring magtaas ng kamay.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin si Thomas Spencer Monson bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol; Boyd Kenneth Packer bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol; at ang mga sumusunod bilang mga miyembro ng korum na iyon: Boyd K. Packer, L. Tom Perry, David B. Haight, Neal A. Maxwell, Russel M. Nelson, Dallin H. Oaks, M. Russell Ballard, Joseph B. Wirthlin, Richard G. Scott, Robert D. Hales, Jeffrey R. Holland, at Henry B. Eyring. Lahat ng di sang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Sinumang di sang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Kung may di sang-ayon. Mangyaring magtaas din ng kamay.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin ang mga tagapayo ng Unang Panguluhan at ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Lahat ng sang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Ang di sang-ayon, kung mayroon man, ay magtaas din ng kamay.
Imunumungkahing halinhinan sina Elder L. Aldin Porter at Marlin K. Jensen bilang mga miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu. Iminumungkahi rin na halinhinan sina Elder L. Aldin Porter, Vaughn J. Featherstone, Rex D. Pinegar, John K. Carmack, at Lionel Kendrick bilang mga miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu at italaga sila bilang miyembro na emiritus ng Unang Korum ng Pitumpu. Lahat ng nais na samahan kami sa paggawa nito, mangyaring magtaas ng kamay.
Sa pasasalamat sa kanilang paglilingkod bilang mga miyembro ng pangalawang Korum ng Pitumpu, marangal na hinahalinhan sina Elder Richard B. Wirthlin, Richard E. Cook, Wayne M. Hancock, at Ray H. Wood at ang mga sumusunod na Area Authority Seventy: Norman C. Boehm, Jess L. Christensen, Dale L. Dransfield, David W. Eka, James E. Griffin, Esteban Guevara, Ronald J. Hammond, Thomas A. Holt, Ernst Husz, Julio H. Jaramillo, Lloyd W. Jones, Seiji Katanuma, J. Grey Larkin, Haruyoshi Nakamura, Karl E. Nelson, Jesús Nieves, Rodrigo Obeso, James S. Olson, Glen A. Overton, William W. Parmley, Steven H. Pond, Michael T. Robinson, Jorge W. Ventura, at Craig T. Vincent. Ang mga nais magpahayag ng kanilang pasasalamat ay mangyaring magtaas ng kamay.
Iminumungkahing halinhinan at pasalamatan sina Elder Marlin K. Jensen, Neil L. Andersen, at John H. Groberg bilang pangkalahatang panguluhan ng Sunday School; at sina Elder Robert K. Dellenbach, F. Melvin Hammond, at John M. Madsen bilang pangkalahatang panguluhan ng Young Men. Lahat ng sang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin sina Elder Charles Didier at Cecil O. Samuelson bilang mga miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu. Lahat ng sang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Kung may hindi sang-ayon, magtaas din ng kamay.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin sina Carlos J. Garcia, R. Randall Huff, at John W. Yardley bilang mga Area Authority Seventy. Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita ito. Kung may hindi sang-ayon, magtaas din ng kamay.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin sina Elder Cecil O. Samuelson, John H. Groberg, at Richard J. Maynes bilang pangkalahatang panguluhan ng Sunday School at sina Elder F. Melvin Hammond, Glenn L. Pace, at Spencer J. Condie bilang pangkalahatang panguluhan ng Young Men. Lahat ng sumasang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Sinumang di sumasang-ayon, magtaas din ng kamay.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin ang iba pang mga General Authority, Area Authority Seventy, at mga pangkalahatang panguluhan ng mga pantulong na samahan na kasalukuyang nanunungkulan. Lahat ng sumasang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Sinumang hindi sang-ayon, mangyaring magtaas din ng kamay.
Lumalabas na ang lahat ay nagkaisa sa pagsang-ayon.
Salamat mga kapatid sa inyong mga pananampalataya at panalangin.