Elder David B. Haight
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
"Ang kailangan natin ay ang pananampalataya ni Brigham Young at ang pananampalataya ni Gordon B. Hinckley at ang pananampalataya ng mga taong ating mga propeta at pinuno."
Sana ay nag-alab din ang inyong mga dibdib tulad nang nadama ko nang itaas ko ang aking kamay upang sang-ayunan si President Hinckley bilang Pangulo ng Simbahan at bilang propeta, tagakita, at tagpagpahayag, at ang iba pang pinuno na ipinakilala sa inyo. Isang napakagandang pagkakataon para sa ating lahat na masang-ayunan ang ating buhay na propeta ngayon sa mundongunit hindi lang ang maupo riyan at basta itaas ang inyong kamay, kundi damhin ito sa inyong puso at kaluluwa na hindi lang ninyo sila sasang-ayunan kundi tatangkilikin din ninyo ang ginagawa niya at pagkatawan sa atin sa daigdig. Nagpapasalamat tayo sa kagila-gilalas at inspiradong pamamaraan niya ng pakikipag-usap sa daigdig, lalung-lalo na sa mga huling araw at linggong ito.
Ilang taon na ang nakalipas, nang si Arturo Toscanini ay isa pang direktor sa musika ng New York Philharmonic Orchestra sa New York City, may programa siya sa radyo sa Sabado nang hapon. At isang araw nakatanggap siya ng lukot at mamula-mulang liham na may maikling nakasulat na:
"Mahal kong G. Toscanini, isa akong malungkot na pastol sa kagubatan ng Wyoming. Mayroon akong dalawang mahalagang pag-aari: isang lumang biyolin at radyong de baterya. Humihina na ang mga baterya at gumagaralgal na ang radyo, at nawawala na sa tono ang biyolin kaya hindi ko na ito matugtog. Maaari bang magpatugtog ka ng notang A sa susunod na Sabado sa programa ninyo?"
Nang sumunod na programa, inihayag ni Toscanini: "Sa bago kong kaibigan sa kabundukan ng Wyoming, narito na lahat at sama-samang tutugtugin ng New York Philharmonic Orchestra ang perpektong A. At tinugtog nila ang perpektong A." pagkatapos nagawang tugtugin ng malungkot at hamak na taong iyon ang A string at pagkatapos ang E string at ang D at G mula sa perpektong A.
Di ba nakatutuwa na makita sa buhay natin at sa buhay ng iba na nakakarinig sa akin ngayonyaong ang mga biyolin at buhay ay nawawala sa tonona nakarating tayo sa pangkalahatang komperensya ng Simbahan at narinig ang mga kagila-gilalas na mensahe na sinabi ngayon? Tayong mga nagkaroon ng pagkakataong magsalita rito ay lubos na nananalangin na nawa'y magkaroon tayo ng sigla at lakas maging ako na papunta na sa aking katandaan, na makapagtotoo sa katotohanan ng gawaing itodahil saksi ako rito.
Nagkaroon ako ng pagkakataontulad ng marami sa inyo at mga umaasam sa inyo namapalaki sa isang pamilya ng Mga Banal sa mga Huling Araw, lumaki sa Simbahan, at magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa daigdig at makihalubilo sa mga tao sa maraming lugar, sa pamahalaan man o sa kalakalan o ano man, at makisalamuha sa mga tao at maibahagi sa kanila ang mga nararamdaman ninyo.
Madalas na sinasabi sa atin ni President Hinckley sa ilan sa ating mga pulong, at palagay ko nasabi na niya ito sa publiko na may larawan ni Brigham Young sa likod ng kanyang upuan. Minsan kapag may araw na nagiging abala at nahihirapan si President Hinckley sa pagpapasiya, umuupo siya sa kanyang silya at tinitingnan ang larawan ni Brigham sa likuran nito at itinatanong nang malakas o sa isip niya ito, "Brother Brigham, ano kaya ang gagawin mo kung ikaw ang nasa lugar ko?" o "anong maipapayo mo sa akin?"
Isaalang-alang ninyo ang nangyari sa ilang nakalipas na taon. Alam na alam ninyo lahat ng inspirasyon at dedikasyong dumating kay President Hinckley sa pagpapalaganap ng Simbahanang pagtatayo ng mga templo at ang pagpapabago ng lumang Hotel Utah sa kahanga- hangang gusali na ngayon ay ang Joseph Smith Memorial Building na nagtataglay ng kanyang pangalan, at sa naiibang istrukturang ito, ang Conference Center, na kinaroroonan natin ngayonmarahil walang katulad nito sa mundo. At sa ating ilang taon nang nagtatrabahong kasama at katabi at naringgan at nakilala si President Hinckley, isang napakagandang karanasan at biyaya ang napasaatin habang nakikita at nararanasan natin at naging bahagi ng inspiradong pagpapalawak na iyon na patuloy na sumusulong,
Habang tinitingnan natin si Brigham Young at pinag-iisipan ang inspirasyon at direksyon na dumating sa kahanga-hangang taong iyon, maaalala natin kung paano niya nakayang punan ang pamumuno bunga ng pagkamatay ng Propetang Joseph Smith, kung paano niya tinanggap ang responsibilidad at nabigyang inspirasyon na patnubayan at pangasiwaaan ang pagsasara ng Nauvoo at ang planong maglakbay pakanluran. Naaalala natin ang patuloy na paggawa nang panahong iyon sa Nauvoo Temple at ang pamamaraang itinatag upang maisulong ang gawain sa Nauvoo, habang ang malalaking pangkat ng mga bagon ay tumatawid pakanluran at patungo sa Salt Lake Valley na siyang naging Sion kung saan sila sumamba at nagturo at nangaral at nagtayo ng mga bahay-pulungan at lahat ng kakailanganin para sa sibilisasyong ito at para sa ating kultura, upang dumami at umunlad dito.
Isipin ninyo ang inspirasyong dumating kay propetang Brigham Young na naghikayat sa mga tao na hindi lang magtayo ng malaking lungsod sa Salt Lake, kundi galugarin pa ang mga panirahanang ito. May kakaibang kakayahan siya na paghanapin ang mga tao ng mga lambak at pook na malayo sa Salt Lake City kung saan makapaninirahan ang mga tagabunsod na magsisidati- ngan sa lambak na ito at makagagawa ng sarili nilang tirahan at magtatayo ng mga lungsod at mga komunidad at mga pagkatao at pag-uugali at makapagpapaunlad ng mga talentong tataglayin nila. Kaya sa halip na magkaroon ng malaking lungsod sa Salt Lake mga 360 komunidad ang naitayo sa Wyoming, Nevada, Arizona, at katimugang Idaho gayundin sa Utah.
Habang lumilipat at itinatayo ng mga tao ang maliliit na komunidad na ito, napaunlad nila ang kanilang mga talento at kakayahan sa paglilingkod sa mga lupon ng paaralan at mga konsehong bayan o naging mga nangungunang tao sa maliit na bayan. Naging mga mamamayan sila ng pook na kanilang tinirahan, at nagsimula silang magtayo ng mga paaralan at magpalawak ng mga komunidad na iyon. Nakita natin ang nangyari sa mga pook na ito na nakinita ni Brigham Young na tinulungan niyang itatag. Isipin na lang ninyo kung paano napaunlad iyonisang halimbawa na rito ang pagpapaunlad ng Las Vegas, Nevada nang sa gayon makakapunta na ang mga tao sa San Bernardino, California. Maaaring sumakay ng barko ang mga tao patungong San Bernardino California, pumunta sa San Bernardino upang masuplayan at matulungan sa mga kagamitang kinakailangan upang makapunta sa lambak na ito, at pagkatapos sa mga kalapit na komunidad, pababa sa Sanpete County o pataas sa Idaho o saanman.
Naging produkto ako niyan dahil nang dumating dito sa Salt Lake City ang mga magulang ko, ipinadala sila sa Tooele upang manirahan. Kalaunan ipinadala sila sa Idaho, kung saan isang lagarian at isang kiskisan ang kailangang itayo. Tumira ang pamilya ng aking ama sa Farmington, Utah, bahagi ng kolonisasyong ito na tinutukoy koang kolonisasyon na nagpalakaas sa mga tao at nagbigay sa kanila ng mga oportunidad. Sa halip na mawala sa malaking lungsod, hinilingan silang lumipat sa mas maliit na komunidad kung saan mahahasa nila ang kanilang kakayahan, may mas maraming paaralan at pangangailangan sa mga guro sa paaralan at pagkakataong mapaunlad ng mga may talento ang kanilang kakayahan. Sa lahat ng ito, hinilingan ang pamilya ko na lisanin ang Farmington at Tooele, upang ipagbili ang kanilang mayayamang lupain, at magtungo sa Katimugang Idaho, na tanging mga palumpong lang ang matatagpuan.
Sa maliit na panirahanang iyon, nagkaibigan ang aking ama at ina. Nasa edad 20 na sila noon at handa nang pakasal? Saan sila ikakasal? Sa Logan Utah Temple. Paano sila pupunta roon? Sasakay ng kalesa. Gaano katagal ang biyahe? Mga anim o pitong araw. May highway ba o maayos na daan? Siyempre wala. Dumaan sila sa mga palumpungan at talahiban at batuhan. Saan sila ikakasal? Saan sila ibubuklod? Sa isang lugar langang templo. Sumakay sila sa kalesa.
Naging bahagi iyan ng pamana ko. Sa gayon lumaki ang mga tao sa maliliit na bayang ito. Pagkatapos nagpasiya ang Simbahan na magbukas ng ilang pribadong paaralan, at nagbukas sila ng mga 30 nito sa malalayong pook. Isa sa maliliit na paaralang ito ay binuksan sa aming lugar, at naging puntahan ito ng marami sa kalapit na bayan upang makakuha ng mas mataas na edukasyon. Pang-hayskul lang ang paaralang iyon ngunit itinuturing na itong akademya.
Tinutukoy ko ang inspirasyong dumating kay propetang Brigham Young maraming taon na ang lumipas sa panirahanang ito, sa pagpapaunlad ng bulubunduking ito na nasa palibot ng Salt Lake City ngayon. At isipin natin kung sino tayo ngayon at paano lumago ito at ang biyaya na maging propeta, tagakita, at tagapagpahayag at pinuno si President Hinckley, at ang makinita ang nangyayari at mangyayari sa atin kung may pananampalataya lamang tayong ipagpatuloy ang nasimulan na. Isipin natin ang kinabukasan ng Simbahan at ang mga ginagawa ngayon.
Madalas na nagsasalita sa atin si President Hinckley tungkol sa pagbubuo pa ng pananampalataya sa ating mga tao. Ang pananampalatayang iyon ay resulta ng pamumuhay natin ng mga alituntunin ng ebanghelyo, mabuting pamumuhay at pagpapalaki nang tama sa ating mga anak tulad nang dapat asahan sa atin, at makita silang may ugali at pagkatao na karapat-dapat na maging halimbawa ng ating pinaniniwalaan at ng inaasam nating maisakatuparan.
Natatandaan ninyong lahat ang lalaki na may anak na himatayin. At nilapitan niya ang Tagapagligtas at tinanong kung babasbasan ng tagapagligtas ang batang lalaki upang itaboy ang masamang espiritu mula sa kanyang anak. At sinabi ng lalaki sa Tagapagligtas, "Hiniling ko sa mga disipulo mo na gawin iyon, ngunit hindi nila makaya." Binasbasan ng Tagapagligtas ang batang iyon. Mabilis na umalis ang masamang espiritu, at lumapit ang mga disipulo ng Tagapagligtas sa kanya at sinabi, "Bakit hindi namin magawa iyon? Bakit hindi namin makaya?' (Tingnan sa Mat. 17:1421). Sinabi rin ng Tagapagligtas na, "Oh kayong kakaunti ang pananampalataya" (Mat. 16:8).
Kung may pananampalataya lamang kayo na kasinglaki ng maliit na butoano nga bang pangalan ng maliit na punong iyan.—"Mustasa" ang sabi ni President Hinckley] Mustasa! Salamat President. (Laging gusto kong katabi ang President upang tulungan ako). Kung magkakaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng butil ng mustasa. Marahil kakaunti lang ang nakakita sa inyo ng buto ng mustasa. Ilang taon pa lang ang nakalipas, nasa sasakyan kami nang sabihin ng aming tsuper na "Ah, may puno ng mustasa doon." At sabi ko,"Tingnan natin." Lumabas kami upang tingnan ang puno ng mustasa, at may maliit na balat ito, at nakuha ang balat na tulad ng balat ng puno ng locust, at nakita ang maliliit na buto, na kasinglaki lang halos ng butil ng paminta.
Basta isipin ninyo ang analohiyang itinuturo ng Tagapagligtas sa mga tao. Kung mayroon lamang kayong pananampalataya na kasing laki ng butil ng mustasana hawak ko ngayon, at halos hindi ko makita itosasabihin ninyo sa bundok, "Lumipat ka mula rito hanggang doon," at lilipat ito, kung mayroon kang ganoong pananampalataya (tingnan sa Mat. 17:20). "O kayong walang pananampalataya," ang sabi niya sa atin.Kaya ang kailangan natin ay ang pananampalataya ni Brigham Young at ang pananampalataya ni Gordon B. Hinckley at ang pananampalataya ng mga taong ating mga propeta at ninuno.
Ang Diyos ay buhay. Alam kong Siya'y tunay, na Siya ang ating Ama, at mahal Niya tayo. Alam ko iyan. At alam kong si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Nadama ko iyan at saksi ako nito. Alam kong si Propetang Joseph Smith at ang lahat ng kasaysayan tungkol sa ginawa niya bilang instrumento sa Pagpapanumbalik ay tunay at ang lahat ng mga propeta kabilang na si President Hinckley ay tinawag ng Diyos. Totoo ang gawain, iniiwan ko sa inyo ang aking pagmamahal at aking patotoo na nag-aalab sa puso ko. Buong buhay akong umaasam na masabi at matulungan ang isang tao na maunawaan na tunay ang gawaing ito, sa pangalan ni Jesucristo, amen.