Elder Robert R. Steuer
Ng Pitumpu
Dahil madaling turuan, nakakamtan natin ang buong impluwensya at pagpapala ng Pagbabayad-sala sa ating buhay.
Ang mga tunay na disipulo ng Guro ay madaling turuan. Sa iilang salita binigyan tayo ni Abraham ng maraming kaalaman kung bakit siya lubos na nabiyayaan. Namuhay siya na "naghahangad na tumanggap ng mga tagubilin, at sundin ang mga utos ng Diyos."1Ang "paghahangad na tumanggap ng mga tagubilin" ay higit pa sa kahandaang makinig. Kapag ang paghahangad nating makatanggap ng tagubilin ay mas malakas kaysa sa ginhawang dulot ng hindi natin pagbabago, nagiging madali tayong turuan.
Itinuro ni President Brigham Young na ang ating "una at pangunahing tungkulin [ay] ang hanapin ang Panginoon hanggang sa mabuksan natin ang landas ng komunikasyon mula sa Diyos tungo sa sarili nating kaluluwa."2Di nagtagal pagkamatay niya, nagpakita ang Propetang Joseph Smith kay Brigham Young sa panaginip at tinagubilinan siya: "Sabihin mo sa mga tao na maging mapagpakumbaba at matapat, at tiyaking nasa kanila ang espiritu ng Panginoon at sila ay aakayin nito sa tama. Maging maingat at huwag itaboy ang marahan at banayad na tinig; ituturo nito sa kanila ang kanilang gagawin at patutunguhan; ibibigay nito ang mga bunga ng Kaharian"3
Paano tatanggapin ang kapangyarihan ng banal na tagubiling ito sa ating buhay? Una, kailangang magsimula tayo sa kahandaang matagubilinan. Bagamat marami ang likas na nagugutom at nauuhaw sa kabutihan, may ilang napipilitan lang na magpakumbaba.4Ang ilan sa atin, sa halip na sundin ang mga tagubilin o baguhin ang sarili, ay gustong baguhin na lang ang mga patakaran. Talagang gusto ni Naaman na gumaling ang kanyang ketong, ngunit nagalit siya nang sinabihan ng sugo ng propeta na maghugas lang nang pitong beses sa Ilog ng Jordan. Maliit na bagay iyon ngunit para sa kanya, hindi praktikal dahil sa kanyang palagay mas malinis ang mga ilog sa lugar niya kaysa sa Jordan. Ngunit gumaling ang kanyang ketong nang nakinig siya sa kanyang mga alipin, nagbago ang isip at sumunod "ayon sa sinasabi ng tao ng Diyos."5Ipinakita sa kanya sa madulang pamamaraan na may propeta at Diyos sa Israel. Dapat din nating malaman na may umiiral na batas6ang Diyos at nakahihigit ang kanyang talino kaysa sa atin. Matapos makita ang ringal at husay ng Diyos, napansin din ni Moises na, "Ang tao ay walang kabuluhan, siyang bagay na hindi ko inakala kailanman."7
Pangalawa, kailangang ilagay natin ang ating sarili sa tamang kaisipan at damdamin. Dumarating ito sa mapanalanging pag-iisip at pakikibaka ng espiritu.8Ang paghihirap na ito'y tunay. Kabilang dito ang matinding paghahangad, pakikinig at pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Kapag napakumbaba at inalisan ng kapalaluan, napalalambot ang ating puso at makatutuon na tayo sa payo at tagubiling mula sa langit. Ang ama ni Lamoni, ang makapangyarihang hari ng mga Lamanita, ay nagbago rin ng pokus, at nagpatirapa siya sa lupa para ipakita ang kanyang masidhing hangaring makilala ang Diyos. Sabi niya: "Tatalikuran ko ang lahat ng aking kasalanan upang makilala kayo, at upang magbangon ako mula sa pagkamatay, at maligtas sa huling araw."9
Pangatlo, dapat maging masunurin tayo sa tagubiling tinatanggap natin. Sabi ni Alma, "[Subukin ang] ang aking mga salita, at [gumamit] ng kahit bahagyang pananampalataya."10Simple lang ang sabi ni Nephi, "Hahayo ako at gagawin"11Napakagandang pagpapakita ng pagpapasakop at pagsunod nang tanggapin niya ang payo ng kanyang ama na kunin ang mga laminang tanso at nang sabihan kung saan mangangaso at noong ginagawa niya ang barko.12Sa bawat kalagayan ay kumilos siya nang may tiwala, at nagpatuloy "[kahit] sa simula ay hindi pa nalalaman ang mga bagay"13na dapat niyang gawin o kaya'y kalalabasan nito. Ngunit dahil tayo ay malayang makapipili, minsan ang buhay ay mahirap na paglalakbay ng pag-aangkop ng ating puso at isipan sa mga katotohanan ng Diyos. Gayunman, gaya ng sabi ni Pangulong Thomas S. Monson, "Inaasahan ng Panginoon ang ating iniisip, ang ating ikinikilos, ang ating mga paggawa."14
Ang kadaliang maturuan ay proseso ng taludtod sa taludtod na pag-aaral. Dito'y isinasagawa natin ang iniisip at nadarama. At malaki ang gantimpala sa pagsampalataya habang binubuksan natin ang landas ng pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Sabi ng Panginoon, "Pinagpala ang mga yaong nakikinig sa aking mga tuntunin, at [ipinahihiram] ang tainga sa aking mga payo, sapagkat matututo sila ng karunungan."15At sabi pa Niya, "Bawat isa na nakikinig sa tinig ng Espiritu ay lumalapit sa Diyos, maging ang Ama."16
Ilang taon na ang nakararaan naalala kong tinanong ko ang aking biyenang lalaki, na matagal nang bishop, tungkol sa maliit na kard na lagi niyang dala sa bulsa ng polo niya. Aniya paminsan-minsa'y nakadarama siya ng mga impresyon o paramdam. Kinukuha niya ang kard na iyon at isinusulat doon ang damdaming dumarating sa kanya. At sinisikap niyang tugunan iyon kaagad hangga't maaari. Nakatutuwang isipin na laging nariyan ang marahan at banayad na tinig para sa atin, tinuturuan tayo kung ano ang gagawin at saan pupunta.
Bilang bunga ng pagiging madaling turuan nagkakaroon tayo ng mas malakas na patotoo sa pagmamalasakit sa atin ng Ama sa Langit. Nagkakaroon tayo ng seguridad at katiyakan na ang tinatahak natin sa buhay ay alinsunod sa Kanyang kalooban.17May mga dahilan pa tayo para maging mabuti, magkaroon ng magandang-asal at magbago ng ating pag-uugali. Dahil madaling turuan, nakakamtan natin ang buong impluwensya at pagpapala ng pagbabayad-sala. Nagiging sensitibo tayo sa mga bulong ng Espiritu Santo kung kaya ang mabubuting alituntuning itinuturo ng ating mga propeta at mga katotohanan mula sa lupa ay magkikintal kay Cristo sa ating buhay.18Tayo'y magiging mga tunay Niyang disipulo.
Sa pagmamahal nang buong puso sa mga katotohanang ito tayo magkakaroon ng malapit na kaugnayan sa Pinagmumulan ng katotohanan mismo, "Sapagkat ang katalinuhan ay kumukunyapit sa katalinuhan; katotohanan ay yumayakap sa katotohanan [at] karangalan ay nagmamahal sa karangalan. . . ."19Kaya matutuklasan nating ang mga bagay na pinahahalagahan at pinasasalamatan nating mabuti ay ang natutuhan natin mismomulasa Panginoon.
Pinatototohanan ko na dahil sa Propetang Joseph Smith ay nakatanggap tayo ng di mabilang na mga paghahayag ng katotohanan, na patotoo sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo. Dahil madali tayong turuan kaya mas malinaw nating makikita, mapakikinggan at masusunod ang mga pahayag na patuloy hanggang sa ngayon sa pamamagitan ng ating mga buhay na apostol, propeta, tagakita at tagapaghayag. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.
MGA TALA
1. Abr. 1:2.
2. Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Brigham Young(1997),
47.
3. Sinipi sa Brigham Young, saMga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Brigham Young, 47.
4. Tingnan sa Mat. 5:6 at Alma 32:13.
5. Tingnan sa II Mga Hari 5:114.
6. Tingnan sa D at T 93:30.
7. Moises 1:10.
8. Tingnan sa Alma 17:5.
9. Tingnan sa Alma 22:1718.
10. Alma 32:27.
11. 1 Ne. 3:7.
12. Tingnan sa 1 Ne. 3:4; 16:2332; 17:811.
13. 1 Ne. 4:6.
14. "Sa Pagsaklolo,"Liahona,Hulyo 2001, 58.
15. 2 Ne. 28:30.
16. D at T 84:47.
17. Tingnan sa Joseph Smith, tinipon,Lectures on Faith(1985), 38.
18. Tingnan sa Moises 7:62.
19. D at T 88:40.