President James E. Faust
Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan
Ang inyong kinabukasan ay maaaring walang dulot na katanyagan o tagumpay, ngunit maaari itong maging mas matibay at ganap. Tandaan na ang ginagawa natin sa buhay ay magpapatuloy sa kawalang-hanggan.
Minamahal kong mga kapatid sa priesthood ng Diyos, mabigat na responsibilidad ang magsalita sa inyo ngayong gabing ito. Nanalangin ako para sa inspirasyon at patnubay, at hangad ko ang inyong pag-unawa.
Isa sa malalaking pagkakamali sa buhay ay kapag iniisip ng mga tao na sila'y walang pagkagupo. Napakarami ang nag-iisip na napakalakas nila, sapat para labanan ang anumang tukso. Dinadaya nila ang kanilang sarili sa pag-iisip na, "Hindi ito mangyayari sa akin." Sa mga kataga ni Bertrand Russell, "Tayong lahat ay gaya ng pabo na paggising sa umaga ng Thanksgiving ay umaasa pa ring makapananghalian tulad ng dati. Anumang oras ay maaaring may mangyaring hindi maganda."1Mga kapatid, anumang oras aymaaaringmangyari ito kaninuman. Maraming pangyayari sa ating buhay ang naiimpluwensiyahan ng mga puwersang bahagya lang nating nauunawaan.
May laging ikinukuwento si President Charles W. Penrose noon tungkol sa isang opisyal saTitanicna nagsabing walang dapat ikatakot sa "Diyos, tao o dimonyo," dahil napakatibay ng pagkakagawa ngTitanicna kayang-kaya nitong bumangga sa ibang barko o anupamang pagsalpok, kahit pa sa iceberg.2Katunaya'y kasinghaba ng tatlong laruan ng football angTitanic, 12 palapag ang taas, at yari sa pinakamatigas na bakal. Noong gabing iyon ng Abril 14, 1912, nagbabala ang ibang mga barko na may yelo sa daraanan. Gayunma'y patuloy na nagpatulin ng andar angTitanic, patawid sa malamig na Atlantic Ocean. Huli na nang mamataan ng mga tanod ang iceberg. Di na nakaiwas pa angTitanic, at kumayod ang iceberg sa gilid ng barko, na lumikha ng malalaking butas. Makaraan ang dalawang oras at 40 minuto lumubog ang bagung-bagongTitanicsa ilalim ng karagatan. Mahigit 1,500 katao ang nalunod.
Karaniwa'y ikawalong bahagi ng iceberg ang nakalutang sa ibabaw ng tubig. Buung-buo ang pinakaloob na bahagi ng yelo, at ito ang dahilan kung bakit nananatiling lubog sa tubig ang pitong ikawalong bahagi ng iceberg. Ang pagbangga ngTitanicsa iceberg ay maihahalintulad sa atin. Kadalasa'y maliit na bahagi lang ng panganib ang nakikita natin.
Ang kasaysayan ay puno ng mga halimbawa ng mga taong may talino at kakayahan ngunit, sa sandali ng kahinaan, ay sinasayang ang kanilang kinabukasan. Isang nakalulunos na halimbawa si Haring David. Noong kabataan niya siya ay makisig, matapang, at puno ng pananampalataya. Pinatay niya ang nakakatakot na higanteng si Goliath. Naging hari siya. Taglay niya ang lahat ng maaaring naisin ng isang lalaki. Ngunit nang makita niya si Bath-sheba nagkagusto siya rito kahit ito'y may asawa. Isinabak niya ang asawa nitong si Uria na Hetheo sa unahan ng pinakamainit na digmaan para mapatay. Namatay si Uria sa digmaan, at pinakasalan ni David si Bath-sheba. Bunga ng kasamaang ito, nawala kay David ang kanyang espirituwal na pamana.3Sa kabila ng lahat ng kabutihang nagawa ni David, nawalan ng saysay ang karamihan dito dahil nagpatalo siya sa isang seryosong personal na kamalian.
Minsa'y naringgan ko ang isang lalaking sinabihan ang kanyang mga anak na lalaki, "Mas makakagilid ako sa bangin kaysa sa inyo dahil mas malaki ang karanasan ko sa inyo." Akala niya'y kontrolado niya ang lahat, ngunit ang totoo'y binalewala lang niya ang natutuhan niya. "Ang problema sa sobrang tiwala sa karanasan ay madalas nauuna ang huling pagsubok bago matuto.4Akala ng ilan ay mas kaya nilang mapaglabanan ang tukso sa kanilang edad at karanasan. Mali ito.
Naalala kong minsa'y narinig kong nagkuwento si President J. Reuben Clark Jr. tungkol sa pakikipagdeyt ng isa sa kanyang mga anak. Sinabihan niya silang umuwi sa itinakdang oras. "Inis sa ganitong paulit-ulit at madalas na paalala, sinabi ng tinedyer, 'Tay, ano ba, wala ba kayong tiwala sa akin?'
"Nagulat siguro siya sa tugon nang sabihin nitong, 'Tama, [anak] ko, wala akong tiwala sa iyo at maging sa sarili ko.'"5
Para "hindi mangyari sa atin" ang ilang bagay, matuto sana tayo mula sa payo ni President Spencer W. Kimball: "Magkaroon ng disiplina sa sarili upang, habang tumatagal, hindi mo na kailangang magpabagu-bago ng pasiya kung ano ang gagawin kapag nahaharap ka sa tukso maya't maya. Minsan ka lang magpapasiya. Napakalaking pagpapala ang makalaya sa paulit-ulit na hirap na dulot ng tukso. Ito ay pag-aaksaya ng oras at lubhang mapanganib."6
Maaaring mangatwiran ang isang tao sa pag-aakalang, "Hindi makakasama sa akin ang minsanang pagdodroga." Hindi siguro masama ito sa pandinig dapat ninyong malamang napakalakas ng impluwensiya ng droga. Babanggitin ko ang sinabi ng isang gumagamit nito: "Hindi nakokontrol ang droga. Ito ang kokontrol sa iyo. Sa una, karaniwa'y wala kang mararamdaman. At susunggaban ka nito sa pagkakataong iyon."7
"Isang sigarilyo langmasubukan lang ang pakiramdam." Ngunit mag-ingat sa panganib na naghihintay dito. Ang nikotina ay nakakalulong.8Apat na sigarilyo lang ay sapat na para . . . maging sugapa sa sigarilyo ang isang tao.9
"Isang bote lang ng beer." Hindi natin alam kung di nga tayo magiging lasenggero, ngunit karaniwa'y nasusundan ang isang bote ng isa pa. Mas makabubuting huwag na itong simulan. Sa gayo'y masisiguro mong hindi ka mapapasubo.
"Isang tiket lang sa loterya." Mas tuso ito kaysa ibang mga bisyo. Maaaring isipin ninyong hindi bisyo ang sugal dahil hindi ito ipinapasok sa katawan, ngunit tulad ng isinulat ng isang tao kamakailan, "Sobra pa sa pera ang itinataya ng mga sugalero. Nakataya rin ang buhay nila at ng kanilang pamilya."10
"Isang silip lang sa pornograpiya sa Internet, o mabilis na sulyap sa malaswang larawan sa magasin." Hindi ito masama sa pandinig, ngunit mas mahirap iwaksi ang nakikita natin kaysa sa ipinapasok natin sa ating mga katawan. Maraming tigasing kriminal ang umamin na nagsimula sila sa krimen sa pagtingin sa malalaswang larawan.
Maaaring sabihin ng ilan na walang masama sa paminsan-minsang di-angkop na paglilibang. Gayunman, kadalasa'y pinamamanhid tayo nito sa karahasan, di-wastong sekswal na ugnayan, kahalayan, pagbanggit sa pangalan ng Panginoon sa walang kabuluhan, at iba pang kaugnay na mga kasamaan.
Marami akong nabanggit tungkol sa mga bagay naayawninyong mangyari sa inyo. Ngayon nama'y pag-usapan natin ang ilan sa mabubuting bagay nanaisninyong mangyari sa inyo. Kung handa kayong gawin ang lahat para magtagumpay, mabubuting bagay, maging mga dakilang bagay, angmaaaringmangyari sa inyo, maging higit pa sa mga pinapangarap at inaasahan ninyo! Kadalasa'y ni hindi man lang natin mabanaagan ang potensyal nating lumigaya at magtagumpay sa buhay na ito at sa kawalang-hanggan dahil, tulad ng sinabi ni Apostol Pablo, "Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin."11Ngunit mapagliliwanag ng impluwensiya ng Espiritu Santo ang ating pananaw at lilinaw ito na parang salamin. Pinangakuan tayo ng ating Tagapagligtas na ang Mang-aaliw, na siyang Espiritu Santo, ay "magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat,"12at "papatnubayan niya kayo sa boong katotohanan."13
Kilalanin natin na ang ating likas na mga kaloob at kakayahan ay limitado, ngunit kapag pinunan ito ng inspirasyon at patnubay ng Espiritu Santo, nag-iibayo ang ating potensyal. Kailangan ninyo ng tulong mula sa kapangyarihang higit sa taglay ninyo upang makagawa ng isang bagay na pakikinabangan nang husto. Kayong mga kabataang lalaki ay maaaring magkaroon ng mga oportunidad at tumanggap ng mga biyayang wala sa inyong hinagap at hindi inaasahan. Ang inyong kinabukasan ay maaaring walang dulot na katanyagan o tagumpay, ngunit maaari itong maging mas matibay at ganap. Tandaan na ang ginagawa natin sa buhay ay magpapatuloy sa kawalang-hanggan.
Ilan sa inyong mga kabataang lalaki ay maaaring di pa malakas ang patotoo sa banal na pinagmulan ng Simbahang ito na gaya ng taglay ng inyong mga magulang. Maaari ninyong asaming mas makasiguro na tunay ngang nakita ni Joseph Smith sa pangitain ang Diyos Ama at ang Kanyang anak na si Jesucristo, at na ang Aklat ni Mormon ay tunay na isinalin mula sa mga laminang ginto. Maaaring may mga alinlangan pa kayo tungkol sa batas ng ikapu, batas ng kalinisang-puri, o Salita ng Karunungan. Hindi ito kakaiba sa ilang kabataang kasinggulang ninyo. Maaaring di pa lubos na nasubukan ang inyong pananampalataya. Maaaring di pa ninyo naipagtanggol ang inyong mga paniniwala o uri ng pamumuhay. Tinitiyak ko sa inyo na magagandang bagay ang maaaring mangyari sa inyo. Makatatanggap kayo ng walang alinlangang patotoo na ito ang Simbahan ni Jesucristo, at ipinanumbalik sa lupa ang kaganapan ng ebanghelyo sa pamamagitan ni Joseph Smith. Ngunit ang patotoong iyan ay hindi darating hangga't di nasusubukan ang inyong pananampalataya.14
Maraming taon na ang nakararaan nang tawagin ng dalawang General Authority ang isang napakabatang lalaki upang maging bagong stake president. Sa pagtugon niya, sinabi ng bagong stake president na gagampanan niya nang buong katapatan ang kanyang tungkulin at hindi hihilingin sa sinumang miyembro ng kanyang stake na maging mas deboto sa kanya. Pagkatapos ay nagpatotoo siya na buong puso siyang naniniwala sa ebanghelyo at nagpayong ipamuhay ito.
Sa oras ng pananghalian tinanong ng isa sa mga General Authority ang bagong stake president na ito kung lubos niyang nalalaman na ang ebanghelyong ito ay totoo. Sumagot siya na hindi. Sinabi ng mas unang naging Apostol sa kanyang kapwa Apostol, "Alam niya ito tulad ng pagkaalam mo. Ang tanginghindi niya alamay naalam niyaito. Kaunting panahon lang at malalaman din niya ito. . . . Wala kang dapat alalahanin."
Di nagtagal, nagpatotoo ang bagong stake president na makaraan ang isang espirituwal na karanasan, "Napaluha ako sa pasasalamat sa Panginoon dahil sa matibay, ganap, at tiyak na patotoong dumating sa aking buhay sa kabanalan ng gawaing ito."15
Marami sa atin ang di ganap na nakababatid kung ano ang tunay nating nalalaman. Kahit naituro na sa atin ang ebanghelyo, maaaring di natin ganap na batid kung ano ang inilagay ng Panginoon sa ating "kalooban" at isinulat "sa ating mga puso."16Bilang mga kabataang lalaki ng tipan, kayo ay mga tagapagmana ng mga dakilang pangako. May oportunidad kayong maging higit pa sa "tagasibak ng kahoy at tagaigib ng tubig."17
Hindi ko sinasabing lubos na ang pang-unawa ko sa lahat ng alituntunin ng ebanghelyo, ngunit nalaman ko nang may katiyakan ang kabanalan at awtoridad ng Simbahang ito. Unti-unti itong dumating sa akin, taludtod sa taludtod at tuntunin sa tuntunin.Batidko na ngayon naalamko, tulad din naman na maaari ninyongmabatidnaalamninyo. Maaari itong mangyari sa inyo.
Ang kaalaman ay bunga ng pananampalataya. Sa ating panahon kailangan nating malaman ang katotohanan ng nakasaad sa mga laminang ginto nang di nakikita ang mga ito. Hindi natin ito makikita at mahahawakan na tulad ng Tatlong Saksi at Walong Saksi. Ilan sa mga talagang nakakita at nakahawak sa mga laminang ginto ay hindi nanatiling tapat sa Simbahan. Dakilang karanasan ang makakita ng anghel, ngunit mas dakilang malaman ang kabanalan ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at patotoo ng Espiritu.18
Maaari din ninyongmalamanangnabatidninyo noon bilang isang magiting na anak ng Diyos bago pa kayo isinilang sa mundo. Maaari itong mangyari sa inyo. Ngunit hindi ito basta-basta mangyayari. Kakailanganin ninyong sumampalataya. Ang tanging paraan upang magtamo ng espirituwal na kaalaman at mapanatili itong nag-aalab ay sa pagiging mapagpakumbaba, madasalin, at masikap sa pagsunod sa lahat ng kautusan.
Sa seremonya sa pagbubukas kamakailan ng katatapos na 2002 Olympic Winter Games sa Salt Lake City, ang Mormon Tabernacle Choir at ang Utah Symphony Orchestra ay nagtanghal ng kahanga-hangang musika na isinulat ni John Williams bilang opisyal na temang musika ng mga palaro. Ito ay pinamagatang "Call of the Champions." Ngayong gabi nais kong manawagan sa mga kampeon. Ang makapukaw-damdaming mga unang kataga sa musikang ito ay:citius(mas mabilis),altius(mas mataas), atfortius(mas malakas), na siyang naging opisyal na sawikain ng Olympic mula pa noong 1924.
Mga kapatid sa priesthood, tayo ay nabubuhay sa kamangha-manghang panahon. Kailanma'y hindi tayo nagkaroon ng mas maraming saksi sa katotohanan ng banal na gawaing ito sa kasaysayan ng Simbahan. Nariyan ang mga naninira at namimintas sa atin, tulad ng dati. Ngunit kailanma'y di umangat nang mas mataas, sumulong nang mas mabilis, o lumakas ang Simbahang ito para maisakatuparan ang misyon nito. Panahon na upang lahat tayo'y umangat at sumulong. Sa gawain ng Panginoon tayo man ay dapat maging mas mabilis, na gumagawa nang mas masigasig; mas umangat, na nagsisikap marating ang matatayog na espirituwal na adhikain; at mas malakas, na umaasa sa lakas ng Diyos. Maaari itong mangyari sa inyo.
Ang tiyak na daan upang matamo ninyo ang galak at mga pagpapala sa buhay ay ang pagsunod sa ating buhay na propetang si President Gordon B. Hinckley. Napakaraming nangyaring magagandang bagay sa atin mula sa mga nakaraan nating propeta, ngunit tinig ni President Hinckley ang kailangan nating pakinggan ngayon, payo niya ang kailangan nating sundin upang mangyari sa atin ang pinakamagagandang bagay. Pinatototohanan ko ito sa pangalan ni Jesucristo, amen.
MGA TALA
1. The Oxford Companion to Philosophy, inedit ni Ted
Honderich (1955), 610.
2. Tingnan sa Joseph Fielding Smith,Church History and Modern Revelation, 2 tomo (1953), 1:25.
3. Tingnan sa D at T 132:39.
4. Di kilala ang may-akda, sinipi sa1,911 Best Things Anybody Ever Said, tinipon ni Robert Byrne, (1988), 386.
5. Sa pagkakasipi ni Harold B. Lee,The Teachings of Harold B. Lee, inedit ni Clyde J. Williams (1996), 629.
6. President Kimball Speaks Out(1981), 94.
7. Guillermo D. Jalil, "Teen Addiction," saStreet-Wise Drug Prevention: A Realistic Approach to Prevent and Intervene in Adolescent Drug Use(1996), Internet, www.nodrugs.com.
8. Tingnan sa U.S. Department of Education, "Growing Up Drug Free: A Parent's Guide to Prevention, Part 2,"KidSourceOnline, www.kidsource.com.
9. Tingnan sa "Tobacco: Quitting for Good," ni Janet Brigham,Ensign, Peb. 2002, 52.
10. Shanna Ghaznavi, "Don't Bet Your Life,"New Era, Peb. 2002, 26.
11. I Mga Taga Cor. 13:12.
12. Juan 14:26.
13. Juan 16:13.
14. Tingnan sa Eter 12:6.
15. Heber J. Grant,Gospel Standards, tinipon ni G. Homer Durham (1941), 19293.
16. Tingnan sa Jer. 31:33.
17. Jos. 9:21.
18. Tingnan sa Juan 20:29.