Si Isaias, na dakilang propeta ng Lumang Tipan, ay nagpropesiya, "At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, . . . at lahat ng mga bansa ay magsisiparoon doon.1Ganito ang sinabi ni President John Taylor tungkol sa mamamayan ng mga bansang iyon, "Magsisiparito sila, na nagsasabing, wala kaming nalalamang anuman sa mga alituntunin ng inyong relihiyon, ngunit nakikita naming kayo ay matapat na komunidad; nangangasiwa kayo ng katarungan at kabutihan."2
NAIPAKITA "MULA SA KADILIMAN"
Sa pagiging punong-abala ng Salt Lake City sa 2002 Winter Olympic at Paralympic
Games, nakita natin ang katuparan ng ilan sa maraming propesiya. Ang mga bansa
sa mundo at marami sa kanilang mga pinuno ay pumarito. Nakita nila tayong naglingkod
kasama ang ating mga kaibigan at kapitbahay sa ibang mga pananampalataya. Nakita
nila ang liwanag sa ating mga mata at nadama ang higpit ng ating pakikipagkamay.
"Ang bundok ng bahay ng Panginoon,"3na
may nagliliwanag na mga taluktok, ay nasaksihan ng 3.5 bilyong katao sa buong
mundo. Narinig ng mga bansa ang maluwalhating tunog ng Tabernacle Choir. Daan-daang
libo ang dumalo sa buhay na pagtatanghal sa awditoryum na ito na pinamagatangThe
Light of the World: A Celebration of LifeSpirit of Man, Glory to God,
na kinabilangan ng pagpapahayag ng ating paniniwala kay Jesucristo. Mapagpakumbaba
akong nagpapasalamat na sa mga ito at sa iba pang paraan, Ang Simbahan ni Jesucristo
ng mga Banal sa mga Huling Araw ay patuloy na naipakikita "mula sa pagkakatago
at mula sa kadiliman."4
Sa kabuuan ng Olympics, nagkaroon ng maraming pahiwatig ng liwanag, gaya ng ningas ng Olimpyada; ang anak ng liwanag; at ang tema na, "Sindihan ang Apoy na nasa Kalooban"5Marahil ang liwanag na higit na maaalaala ng lahat ay nakita sa mga mata ng mga manlalaro mismo. Ngunit ang pumukaw sa atin nang higit ay hindi ang mga kompetisyon o mga palabas., kundi ang malalim na katotohanan na sinagisag ng mga bagay na itoang pinagmumulan ng liwanag na nasa ating kalooban.
Ngayong umaga'y magsasalita ako sa mga nagtatanong ng, "Ano ang liwanag na nakita ko at nadama? Saan ito nagmula? Paano ko ito mapapanatili sa aking sarili at sa mga mahal ko sa buhay?"
ANG LIWANAG NI CRISTO AT ANG KALOOB NA ESPIRITU SANTO
Bawat isa sa ati
'
y nagdadala ng liwanag sa daigdig, ang Liwanag ni Cristo. "Ako ang tunay
na ilaw na nagbibigay-liwanag sa bawat tao na dumarating sa daigdig,"6wika
ng Tagapagligtas.
"Ang liwanag na nasa lahat ng bagay, na nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay."7
Ang liwanag na ito na "nag-aanyaya at nang-aakit na patuloy na gumawa ng mabuti"8ay "ipinagkakaloob sa bawat tao, upang malaman niya ang mabuti sa masama."9
Sa paggamit ng liwanag ni Cristo upang makilala at piliin kung ano ang mabuti, maaakay tayo sa mas matinding liwanag: ang kaloob na Espiritu Santo. Nagpapatotoo ako na sa pamamagitan ng Pagpapanumbalik ng ebanghelyo at ng banal na priest-hood ng Diyos, ang mga disipulo ni Jesucristo sa mga huling araw na ito ay may kapangyarihang maggawad ng kaloob na Espiritu Santo. Ipinagkakaloob ito sa pagpapatong ng mga kamay ng mga may karapatan sa priesthood, at tinatanggap ito ng mga sumunod sa mga alituntunin ng pananampalataya at pagsisisi at nakatanggap ng ordenansa ng pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Ang Banal na Espiritu ang pangatlong miyembro ng Panguluhang Diyos, isang espiritung katauhan.10Siya ang Mang-aaliw, ang Espiritu ng Diyos, ang Banal na Espiritu ng Pangako. Siya ang nagpapatotoo kay Jesucristo, sa Kanyang gawain, at sa gawain ng mga tagapaglingkod Niya dito sa lupa. Siya'y tila tagalinis na nagdadalisay at nagpapabanal sa atin mula sa kasalanan.11Inaaliw Niya tayo at nagdudulot ng kapayapaan sa ating kaluluwa. Ang karapatang makasama Siya lagi ay isa sa mga pinakadakilang kaloob na ating matatanggap sa mortalidad. Dahil sa liwanag ng panghihikayat Niya at sa bisa ng Kanyang paglilinis ay makababalik tayo sa piling ng Diyos.12
KADILIMAN AT LIWANAG
Noong bata pa tayo, nalaman nating nawawala ang dilim kapag sinindihan ang
ilaw. Minsan, kapag wala ang ating mga magulang sa gabi, sinisindihan natin
ang lahat ng ilaw sa bahay! Naunawaan natin ang batas pisikal na isa ring batas
espirituwal: ang liwanag at dilim ay di maaaring umukupa ng iisang lugar nang
magkasabay.
Winawaksi ng liwanag ang dilim. Kapag mayroong liwanag, nadadaig ang dilim at nawawala. Higit na mahalaga, hindi madadaig ng dilim ang liwanag hanggat di nababawasan o naaalis ang liwanag. Kapag nariyan ang espirituwal na liwanag ng Banal na Espiritu, ang kadiliman ni Satanas ay umaalis.
Masdan, mga kabataan ng Simbahan, nahaharap tayo sa labanan ng mga puwersa ng liwanag at kadiliman. Kundi tayo panig sa liwanag ni Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, tayo ay isinumpa at mapapahamak sa kadiliman. Ngunit wika ng Tagapagligtas, "Ako ay naparito na isang ilaw sa sanglibutan."13"Ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan."14
Ang Panginoon ang ating liwanag at, sa katunayan, ang ating kaligtasan.15Tulad ng sagradong apoy na pumalibot sa mga bata sa 3 Nephi,16ang Kanyang liwanag ang balabal ng proteksiyon sa pagitan ninyo at ng kadiliman kung namumuhay kayong marapat dito. Kailangan ninyo ang liwanag na iyon. Pag-aralang mabuti ang banal na kasulatan at angPara sa Lakas ng mga Kabataanat makinig sa mga turo ng inyong mga magulang at mga pinuno. Sa gayon, sa pagsunod sa matalinong mga payo, pag-aralan ninyong kamtin ang proteksiyon ng liwanag ng ebanghelyo.
Maaaring magtaka kayo, "Paano ko ito magagawa?" Isa lang ang paraan: kailangan ninyong matutuhang ibigay ang liwanag na iyon sa bawat araw sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesucristo at pagsunod sa Kanyang mga utos.
PAGBIBIGAY NG LIWANAG
Nitong nakaraang taglamig, nagkaroon ako ng dagdag na kaalaman tungkol sa aking
mga baga. Nalaman kong di tayo makapag-iimbak ng oxygen. Hindi natin maiipon
ang hangin na kailanganin nating malanghap, anuman ang gawin natin. Sa bawat
saglit, sa bawat paghinga, ang ating buhay ay ipinagkakaloob sa atin at dapat
mapanibago. Gayundin sa espirituwal na liwanag. Dapat itong mapanibago sa atin
nang palagian. Dapat nating ibigay ito sa bawat araw, sa bawat pag-iisip, sa
bawat mabuting gawa upang maiwaksi natin ang kadiliman at ang kalaban.
Noong bata pa ako, palagi akong nagbibisikleta pauwi mula sa ensayo ng basketbol sa gabi. Magkakabit ako ng maliit na hugis-peras na generator sa gulong ng bisikleta ko. Tapos, habang pumapadyak ako, paiikutin ng gulong ang isang maliit na rotor, na lumilikha ng elektrisidad at nagpapasindi sa sinag ng ilaw na kailangan ko. Iyo'y simple ngunit mabisang mekanismo. Ngunit kailangan kong pumadyak para gumana ito! Madali kong natutuhan na kapag tumigil ako sa pagpadyak sa aking bisikleta, mamamatay ang ilaw. Nalaman ko rin na kapag ako'y "sabik sa paggawa"17o sa pagpadyak, ang ilaw ay lalong magliliwanag at ang kadiliman sa harap ko'y mawawala.
Ang henerasyon ng espirituwal na liwanag ay nagmumula sa araw-araw na espirituwal na pagpadyak. Nagmumula ito sa pananalangin, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, pag-aayuno, at paglilingkodsa pamumuhay ng ebanghelyo at pagsunod sa mga utos. "Siya na sumusunod sa kanyang mga kautusan ay tumatanggap ng katotohanan at liwanag,"18wika ng Panginoon, "at siya na tumatanggap ng liwanag, at nagpapatuloy sa Diyos ay tumatanggap ng marami pang liwanag; at ang liwanag na yaon ay lumiliwanag nang lumiliwanag hanggang sa ganap na araw."19Mga kapatid, ang ganap na araw na iyon ay kapag tumayo tayo sa harapan ng Diyos Ama at ni Jesucristo.
Kung minsan, nagtatanong ang mga tao, "Bakit kailangan kong pumunta sa sakrament miting?" o, "Bakit kailangan kong ipamuhay ang Word of Wisdom, magbayad ng ikapu?" "Bakit hindi ko maaaring ituntong ang isa kong paa sa Babilonia?" Maaari ko bang sabihin sa inyo kung bakit? Dahil kailangan ang dalawang paa sa espirituwal na pagpadyak! Hanggat di ninyo ganap na ipinamumuhay ang ebanghelyonang inyong buong "puso, kakayahan, pag-iisip at lakas"20di kayo makapagbibigay ng sapat na espirituwal na liwanag upang maiwaksi ang kadiliman.
At sa sanlibutang ito, ang kadilima'y di kailanman malayo. Palagi pa itong nasa tabi-tabi lang, naghihintay ng pagkakataon na makapasok. "Kung hindi ka gumawa ng mabuti," wika ng Panginoon, "nahahandusay ang kasalanan sa pintuan."21
Ito'y magaganap gaya ng alinmang pisikal na batas: kung hahayaan nating umandap-andap o humina ang liwanag ng Espiritu dahil sa di pagsunod sa mga kautusan, o di pagtanggap ng sakramento o pananalangin o pag-aaral ng banal na kasulatan, ang kadiliman ng kalaban ay tiyak na papasok. "At yaong masama ay dumating at kinuha ang liwanag at katotohanan, sa pamamagitan ng pagsuway."22
Sa banal na kasulatan ay mababasa nating may ilang mga tao na "nagsisikapa sa dilim na walang liwanag" at "[sumusuray] na parang lango."23Sa pagkakadapa natin, baka masanay tayo sa madilim na kapaligiran at malimutan kung gaano kaluwalhati ang maglakad sa liwanag.
ANG LANDAS TUNGO SA LIWANAG
May daan palabas sa "abu-abo ng kadiliman"24tungo
sa landas na maghahatid sa kaligayahan sa buhay na ito at sa buhay na walang
hanggan sa mundong darating. Sinabi ng Panginoon kay Isaias, "At aking
dadalhin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman; sa mga landas na hindi nila
nalalaman ay papatnubayan ko sila; aking gagawing [liwanag] ang [kadiliman]
sa harap nila."25
Ibinalangkas ni Propeta Nephi ang landas: "Kaya nga, mga minamahal na kapatid, alam ko na kung inyong susundin ang Anak, nang may buong layunin ng puso, nang walang pagkukunwari at walang panlilinlang sa harapan ng Diyos, kundi may tunay na hangarin, nagsisi sa inyong mga kasalanan, nagpatotoo sa Ama na nahahanda kayong taglayin sa inyong sarili ang pangalan ni Cristo, sa pamamagitan ng binyag . . . masdan, pagkatapos ay inyong tatanggapin ang Espiritu Santo; oo, at pagkatapos darating ang binyag ng apoy at ng Espiritu Santo."26
Ang tipan na ginawa natin sa pagbibinyag at sinasariwa sa pagtanggap ng sakramentoang taglayin natin ang pangalan ni Jesucristo, lagi Siyang alalahanin, at sundin ang Kanyang mga utosay kinabibilangan ng pangako na palaging mapapasa atin ang Kanyang Espiritu, na laging mapapasa atin ang liwanag.27Ang mga sagisag ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ay nagpapaalaala sa atin na hindi natin kailangang matisod sa dilim. Maaaring mapasaatin palagi ang Kanyang liwanag.
"LUMIWANAG NA GAYON ANG INYONG ILAW"
Noong lumalaki ako sa Long Island, New York, naunawaan ko kung gaano kahalaga
ang ilaw sa mga naglalakbay sa karimlam ng karagatan. Sadyang mapanganib ang
sirang parola! Sadyang makasisira ang parolang nawalan ng ilaw!
Tayo na nagtataglay ng kaloob na Espiritu Santo ay dapat na maging tapat sa mga panghihikayat nito upang tayo ay maging ilaw sa iba.
"Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao," wika ng Panginoon, "upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit."28
Di natin alam kung sino ang umaaasa sa atin. At, gaya ng sinabi ng Tagapagligtas, "hindi ninyo alam kung sila ay magbabalik at magsisisi, at lalapit sa akin nang may buong layunin ng puso, at pagagalingin ko sila; at kayo ang magiging daan ng pagdadala ng kaligtasan sa kanila."29
ISANG NATATANGING SAKSI NG KANYANG LIWANAG
Ngayon mga kapatid, dito, sa huling pagtutunggali ng liwanag at kadiliman,
ako
'
y nagpapasalamat sa pagkakataon na "makapagtiis ng mga kahirapan, bilang
isang . . . kawal ni Jesucristo."30Kasama
ni Pablo, nagpapahayag ako "Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay
malapit na: iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang
mga sandata ng kaliwanagan."31Ibinibigay
ko ang aking patooo na si Jesucristo "ang ilaw at ang buhay ng daigdig;
oo, isang ilaw na walang hanggan, na hindi maaaring magdilim."32
Siya ang Ilaw ng Betlehem, isinilang ni Maria, na Kanyang motal na ina, at ng Kanyang Ama, ang Makapangyarihang Diyos.
Siya ang Ilaw na bininyagan ni Juan Bautista sa pamamagitan ng paglulubog, na kung kanino ay ipinakita ang Espiritu Santo sa Espiritu na gaya ng isang kalapating bumababa.
Siya ang Ilaw na lubos na kinalugdan ng Kanyang Ama.
Siya ang Ilaw sa uluhan ng sinaunang Simbahan, na may Labindalawang Apostol, mga propeta, at mga pitumpu.
Siya ang Ilaw ng Pagbabayad-sala na isinagawa sa Halamanan ng Getsemani at sa Golgota, na umako sa Kanyang sarili ng mga kasalanan ng sanlibutan, upang maligtas ang buong sangkatauhan.
Siya ang Ilaw ng walang-lamang puntod, ang nabuhay na mag-uling Panginoon na may niluwalhating katawan ng laman at buto, na kumalag sa mga gapos ng kamatayan at nagkamit ng walang hanggang tagumpay laban sa libingan.
Siya ang Ilaw na umakyat sa langit sa harap ng Kanyang mga disipulo, na may pangakong sa gayunding paraan Siya muling paparito.
Siya ang Ilaw na nagpakita kasama ng Kanyang Ama at nagpanumbalik, sa pamamagitan ng Propetang Joseph Smith, sa Simbahan noon na Kanyang itinatag sa panahon ng Kanyang ministeryo sa lupa.
Siya ang Ilaw na umaakay at gumagabay sa Simbahan ngayon sa pamamagitan ng paghayag sa propeta, sa kanyang mga tagapayo, at sa Labindalawang Apostol.
Siya angakingIlaw, akingManunubos, akingTagapagligtasat inyo rin.
Alam kong buhay ang Diyos. Alam kong tinawag Niya tayo "mula sa kadiliman hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan."33Dalangin ko na ang liwanag ng Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo ay patuloy na lumaganap sa sanlibutan upang ang lahat ay magkaroon ng pagkakataon na makinig at pumili, at na ang Kanyang Simbahan ay "lumabas mula sa ilang ng kadiliman, at magliwanag na maganda gaya ng buwan, maliwanag gaya ng araw," upang ang Kanyang "kaluwalhatian ay punuin ang mundo."34
Sa pangalan ni Jesucristo, amen.
MGA TALA
1. Isa. 2:2.
2. John Taylor,Deseret News: Semi-Weekly, 27 Ene. 1880, 1.
3. Mikas 4:1.
4. D at T 1:30.
5. Salt Lake Olympic Committee.
6. D at T 93:2.
7. D at T 88:1213.
8. Moro. 7:13.
9. Moro. 7:16.
10. Tingnan sa A of F 1:1, D at T 130:22.
11. Tingnan sa Bible Dictionary, "Holy Ghost," 704.
12. Tingnan sa Juan 14:1618, 2627.
13. Juan 12:46.
14. Juan 8:12.
15. Tingnan sa Mga Awit 27:1.
16. Tingnan sa 3 Ne. 17:24.
17. D at T 58:27.
18. D at T 93:28.
19. D at T 50:24.
20. D at T 4:2.
21. Gen 4:7.
22. D at T 93:39.
23. Job 12:25.
24. 1 Ne. 12:17.
25. Isa. 42:16.
26. 2 Ne. 31:13.
27. Tingnan sa D at T 20:37, 77, 79.
28. Mat. 5:1516.
29. 3 Ne. 18:32.
30. 2 Tim. 2:3.
31. Rom. 13:12.
32. Mos. 16:9.
33. 1 Ped. 2:9.
34. D at T 109:7374.