The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Broadcast General Conference Archives
Conferences
Abril 2002
Saligan Nati'y Kaytibay

Saligan Nati'y Kaytibay

Elder Russell M. Nelson
Ng Korum ng Labindalawang Apostol

Ang pundasyon ng pananampalataya ng isang tao, kung matatag na nakaangkla sa walang hanggang katotohanan, ay magpapahintulot sa bawat isa sa atin na umabot paitaas nang may walang hanggang pananaw.

Elder Russell M. Nelson

Mga dalawang dekada na ngayon noong magtatayo pa lang ng templo sa México City, naharap sa malaking hamon ang mga arkitekto. Dahil ang México City ay nasa malawak na lupaing nakaibabaw sa deposito ng tubig, ang pundasyon ng ilang mga gusali nito'y nagagalaw at tumatagilid sa paglipas ng panahon. Ang pagtatayo ng templo doon ay nangailangan ng kakaibang pundasyon. Dalawang daan at dalawampu't isang malalaki at matatag na konkretong haligi1ang ibinaon sa lupa na mahigit 100 talampakan ang lalim. Sa mga ibinaong ito'y iniangkla ang mga bigkis na bakal at ikinabit ito sa isang yunit na maaaring iayos para umakma kung kinakailangan para manatiling patag ang gusali.2Sa di nakikita ngunit tiyak na pundasyong ito, ang templo ngayo'y di-natitinag at pantay.

Kailangan ang matibay na pundasyon sa alinmang gusali, institusyon, o indibidwal para tumagal ito. Sa gayong kaisipan, tingnan natin ang pundasyon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. At tingnan din natin kung paano sinusuportahan ng Simbahan ang ating pundasyon ng pananampalataya bilang indibidwal na miyembro ng Simbahan.

I. PUNDASYON NG ANG SIMBAHAN NI JESUCRISTO NG MGA BANAL SA MGA HULING ARAW

Ang Simbahang ito ' y nakatayo sa kakaibang pundasyon, na matatag na nakabatay sa mga alituntunin ng walang hanggang katotohanan. Mga kapatid, ang banal na layuning kinaaaniban natin ay di nagsimula noong 1820 sa estado ng New York. Di ito nagsimula sa Betlehem. Di ito nagsimula sa Halamanan ng Eden. Ang mga alituntuning sumusuporta sa walang hanggang ebanghelyo ay naroon na bago pa man nilikha ang daigdig.

Ang katotohanang ito'y paulit-ulit na pinagtitibay sa banal na kasulatan. Napag-aralan ko ang banal na kasulatang nauukol sa bahaging iyon ng kawalang-hanggan bago pa hubugin ang mundo. Huwag kayong mag-alala. Di ko babanggitin lahat ng iyon. Ngunit isasama ko ang ilan sa mga iyon sa nakalimbag na teksto ng mensaheng ito. Ang mga di-nakikita at di-nagbabagong katotohanang ito ang bumubuo sa "mga haliging ginawa na noon pa man" na sumusuporta sa pundasyon ng Simbahang ito.

Ang Plano ng Pagtubos at Posibilidad na Magkaroon ng Mana sa Kaharian ng Diyos

Bago pa itinatag ang mundo ay inihanda na ang plano ng kaligtasan.3Kasama dito ang maluwalhating posibilidad na magkaroon ng banal na mana sa Kaharian ng Diyos.4

Ang Pagbabayad-Sala ni Jesucristo

Ang sentro ng planong iyon ay ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Sa mga kapulungan bago pa ang buhay na ito, Siya ay inordenan na noon pa ng Kanyang Ama upang magbayad-sala sa ating mga kasalanan at malagot ang mga gapos ng pisikal at espirituwal na kamatayan.5Sabi ni Jesus, "Ako ang . . . inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig upang tubusin ang aking mga tao. . . . Sa akin ang buong sangkatauhan ay magkakaroon ng buhay, at yaong walang hanggan, maging sila na maniniwala sa aking pangalan."6Sa huli ' y idinagdag ni Pablo na ang Simbahan ay "itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok."7

Oposisyon Mula sa Kalaban

Kahit bago pa hubugin ang daigdig, ang Panginoon ay salungat na kay Satanas.8Laging kinakalaban ni Satanas at ng kanyang mga tagasunod noon pa man ang sagradong gawain ng Tagapagligtas at patuloy na gagawin ang gayon.

Pag-Oordena Noon Pa at Paggagawad ng Priesthood

Bago pa itinatag ang daigdig, bawat isa sa ati ' y nabuhay na bilang mga espiritung anak sa piling ng ating Ama sa Langit. Kasama natin ang mga marangal at dakilang kalalakihang inordenan na noon pa upang magtaglay ng priesthood.9Sina Abraham,10Jeremias,11Joseph Smith,12at iba pa13ay tinadhanang maging mga propeta ng Diyos. Nakinita din na mabubuwis ang dugo ng mga propeta para sa banal na layuning ito.14Ang paraan ng paggagawad ng priesthood ay magmumula sa mga ninuno "mula sa simula ng panahon, . . . maging . . . bago pa ang pagkakatatag ng mundo."15

Binigyang Kapangyarihan ang mga Kapatid na Babae Upang Luwalhatiin ang Diyos

Ang mga babae ay tumanggap ng espesyal na mga regalo. Sila, sang-ayon sa Panginoon, ay binigyang kapangyarihan "upang magpakarami at kalatan ang lupa, alinsunod sa aking kautusan, at upang tuparin ang pangakong ibinigay ng aking Ama bago pa ang pagkakatatag ng daigdig, . . . para sa kanilang kadakilaan sa walang hanggang mga daigdig, upang sila ay magsilang ng mga kaluluwa ng tao; . . . dito ang gawain ng aking Ama ay nagpatuloy, upang siya ay luwalhatiin."16Isipin ninyo: Kapag isinilang at inaruga ng ina ang isang anak, di lamang siya tumutulong para matupad ng mundo ang layunin ng pagkakalikha nito,17kundi niluluwalhati niya ang Diyos!

Mga Anak ng Tipan

Ang mga anak ng tipan ay hinirang sa buhay bago ang buhay na ito. Itinuro ni Pablo na "[pinili tayo ng Panginoon] sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan."18

Mga Pagpapala Nakasalalay sa Pagsunod sa Batas

At itinatag ang mga kondisyon na nagpahintulot sa ating tumanggap ng mga pagpapala mula sa Diyos—batay sa pagsunod sa batas kung saan ito ay nakasalalay.19

Sagradong mga Bagay Ihahayag sa mga Huling Araw

Isa pang haligi ang nakapatungkol sa paghahayag na inilaan para sa mga huling araw. Matagal nang pinlano ng Panginoon na ihayag "ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan."20Kabilang sa mga ito ang paghahayag na nakatala sa Aklat ni Mormon.21Kabilang din dito ang mga ordenansa at tipan ng banal na templo.22Sa Propetang Joseph ay ipinahayag ng Panginoon na "minarapat ko na ihayag sa aking simbahan ang mga bagay na pinanatiling nakatago bago pa ang pagkakatatag ng daigdig, mga bagay na nauukol sa dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon."23

Pagtubos ng mga Patay

Inihayag ng Panginoon na "ang ordenansa ng pagbibinyag para sa mga patay . . . ay itinatag bago pa sa pagkakatatag ng daigdig."24Sa gayo ' y nagkaroon ng kaligtasan ang mga "patay na mamamatay na walang kaalaman sa ebanghelyo."25Nagkaroon ng bigkis o pagkakaisa ang mga henerasyon, upang mangyari ang buo, husto, at ganap na pagsasanib, at sama-samang pag-uugnay ng mga dispensasyon, at mga susi, at mga kapangyarihan, at mga kaluwalhatian.26

Mga kapatid, ang mga di-nakikita ngunit tiyak na mga haligi ay nasa lugar bago pa naitatag ang daigdig. Sinusuportahan ng mga ito ang walang hanggang ebanghelyo—na ipinanumbalik ngayon sa kaganapan nito.27Sa gayong pundasyon, ang Simbahang ito'y di matitinag sa kinatatayuan nito,28kahit sa Milenyo.29

II. PUNDASYON NG BAWAT MIYEMBRO NG SIMBAHAN

Kung paanong mayroong pundasyon ang mga gusali at institusyon, gayundin na may pundasyon tayong mga indibidwal na sumusuporta sa ating pananampalataya. Ang ilan ay mahina; ang ilan ay malakas. Maaari tayong mag-alinlangan "katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad,"30o makatatayo tayo sa matatag na pundasyon at iaangkla ang ating sarili sa mga bigkis ng espirituwal na bakal, na nakatanim at nakabaon sa di-nagbabagong mga haligi ng ebanghelyo.31

Hiniling ni President Gordon B. Hinckley na ang mga bagong binyag ay suportahan sa Simbahan ng isang kaibigan, ng tawag na maglingkod, at mapangalagaan ng mabuting salita ng Diyos.32Madalas nating awitin ang, "Saligang kaytibay, mga Banal ng Diyos, Bunga ng inyong pananalig nang lubos!"33Kapag tinatanggap natin ang mabuting salita ng Diyos, nagpapakabusog tayo sa kanyang pagmamahal.34

Tandaan: "Sa bato na ating Manunubos, na si Cristo, ang Anak ng Diyos, ninyo kailangang itayo ang inyong saligan; nang sa gayon kapag ipinadala ng diyablo ang kanyang malalakas na hangin, . . . kapag ang lahat ng kanyang ulang yelo at kanyang malakas na bagyo ay humampas sa inyo, hindi ito magkakaroon ng kapangyarihan . . . na hilahin kayo pababa sa look ng kalungkutan at walang katapusang kapighatian, dahil sa bato kung saan kayo nakasandig, na tunay na saligan."35

Kahit ang matitibay na saligan ay di makapipigil sa mga problema ng buhay. Mga suwail na anak ang sanhi ng pamimighati ng mga magulang. Ang ilang sirang pamilya ay di mabuo. Ang pagiging homoseksuwal ay di gaanong nauunawaan. Ang mga mag-asawa, sa anumang dahilan, ay maaaring di magkaanak. Kahit sa ating panahon, "ang may kasalanan at ang masasama [ay] hindi naparurusahan dahil sa kanilang salapi."36Ang ilang bagay ay tila hindi makatarungan.37

Dahil sa matatatag na pundasyon, gayunman, mas nagagawa nating humingi ng tulong sa Panginoon, kahit nahaharap tayo sa mga tanong na di madaling sagutin. Isinulat ng makata:

Kung sino Ka ' y di ko alam,
At ang masasabi ko ' y ito lang:
Pinagliliwanag mo ang Pleiades
Gaya ng pilak na makinang.
Ipinadala mo ang malalakas na hangin
Nang buong lakas at tulin;
Lumikha ka ng pagkakaiba
Sa pagitan ng gabi at umaga;
Pinamukadkad mo ang mga bulaklak
At mga bitui ' y pinagningning;
Itinago ang mamahaling ginto
Doon sa yungib na dako;
Dakila Ka sa lahat ng Iyong nilikha,
Kataas-taasan ng plano Mong dakila,
Ikaw na naglagay sa puso ng Tao
Ng kakayahang hanapin ang Panginoon ko.38

Bagamat di natin alam ang lahat ng bagay,39alam nating buhay ang Diyos at mahal Niya tayo.40Sa pagtayo sa matibay na saligang iyon, makaaabot tayo paitaas at makahahanap ng lakas na tiisin ang mabibigat na pasanin ng buhay.

Halimbawa, iginagalang ko ang natatanging mga kaluluwang humaharap sa mga hamon ng pagiging magulang nang may matatag na pananampalataya sa kanilang Lumikha. Sa isang pamilyang mahal namin ni Sister Nelson ay isinilang ang isang anak na lalaki. Maraming depekto ang bata sa pagsilang pa lang na nakaapekto nang labis sa bawat sistema ng kanyang maliit na katawan. Dalawang operasyon ang kinailangan sa unang linggo ng kanyang buhay. Marami pang operasyon na kailangang gawin. Nang kausapin ko ang mga magulang ng bata, hindi sila nagtanong na, "Bakit nangyari ito sa amin?" Sa halip, sinabi nilang, "Alam naming para sa amin ang batang ito. Ipinagkatiwala ng Diyos ang espesyal na sanggol na ito sa amin. Mamahalin at aarugain namin siya sa abot ng aming makakaya." Salamat sa Panginoon sa gayong mga magulang!

Kailan lang ay namatay ang asawa ng isa naming kaibigan, bigla lang at walang babala. Narito ang mga salitang isinulat ng kapatid ng nabalong babae: "Sa pagsasaliksik sa mga taon at araw na lumipas, nanggilalas siya nang makita ang partikular na mga kasanayan at karanasang ibinigay sa kanya ng mapagmahal na Ama, mga bagay na tila di-mahalaga noon ngunit talagang naghanda sa kanya para makayanan niyang mabuti ang matinding kawalang ito. Sa halip na makadama ng pag-iisa at pagkapoot, nadama niyang inalo at inaruga siya. . . . Sabi niya sa akin, 'Sa nakikita kong pag-iingat ng Ama sa Langit sa paghahanda at pagpaplano para sa aking kasalukuyang kalagayan, paano ako matatakot sa aking hinaharap? Tiyak na inilalagay Niya sa dapat kalagyan sa ngayon ang lahat ng kakailanganin ko sa pagharap sa mga bagay na di tiyak sa hinaharap.'"41

Natanggap ko mula sa isang misyonero ang isang di-malilimot na liham. Sa sulat niya: "Di ko pa rin alam kung bakit ako [nagkasakit] ng [kanser], lalo na't naglilingkod pa ako sa Panginoon sa misyon, ngunit masasabi ko nang buong katapatan at kataimtiman na walang hanggan ang pasasalamat ko sa ating maawaing Ama sa Langit sa pagbibigay sa akin ng karanasang iyon. . . . Walang araw na lumipas," patuloy niya, "na di ko inisip ang mga araw ko sa paghiga sa ospital na nahihirapan sa chemotherapy o dumaranas ng sakit bunga ng isa pang operasyon. . . . Di lilipas ang araw nang di ko iniisip ang mga araw na ginugol ko sa pag-aaral ng banal na kasulatan, lalo na ng Aklat ni Mormon, at nagugunita ang umaapaw na kapanatagan at kapayaan na aking nadama. Madalas kong isipin ang mga gabing mahihiga ako sa kama at ibubuhos ang aking kaluluwa sa aking Ama sa Langit at pasasalamatan Siya sa pagliligtas sa aking buhay." Tapos ay ibinahagi ng Elder ang kagila-gilalas na balitang ito: "Bumalik ako sa doktor nitong linggong ito, at . . . wala siyang makitang ebidensiya ng anumang sakit sa aking katawan."42Mahal ko ang gayong matatapat na misyonero!

Gaano katibay ang ating saligan? Ang pundasyon ng Simbahang ito'y nilikha matagal nang panahon bago pa nilikha ang mundong ito. Ito'y matatag. Ito'y tunay. Ito'y walang hanggan. Ang pundasyon ng pananampalataya ng isang tao, kung matatag na nakaangkla sa walang hanggang katotohanan, ay magpapahintulot sa bawat isa sa atin na umabot paitaas nang may walang hanggang pananaw.43Ang pananampalatayang iyon ang magbibigay sa atin ng pag-asa kapag wala nang pag-asa. Dudulutan tayo nito ng galak ngayon at sa buhay na walang hanggan sa kabila. Ito ang patotoo ko sa pangalan ni Jesucristo, amen.

MGA TALA

1. Bawat haligi ay 18 pulgada ang diametro.
2. Tingnan sa John Forres O'Donnal,Pioneer in Guatemala(1997), 288.
3. Tingnan sa 1 Ne. 10:18; Mosias 15:19; Alma 12:25, 30; 18:39; 22:13–14; 42:26; D at T 76:12–13.
4. Sa mga tao ng Lumang Daigdig, sinabi ng Panginoon, "Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan" (Mat. 25:34). Ang mga tao ng sinaunang Amerika ay tinuruan din na "sila na nangagsipaniwala sa Banal ng Israel . . . ay magmamana ng kaharian ng Diyos, na inihanda para sa kanila mula pa sa pagkakatatag ng daigdig" (2 Ne. 9:18; tingnan din sa Eter 4:19).
5. Tingnan sa Juan 17:5, 24; 1 Ped. 1:19–20; Mosias 4:6–7; 18:13; 3 Ne. 26:3–5; D at T 93:7–9; Moises 5:57; PJS Gen. 5:43; 14:30–31.
6. Eter 3:14.
7. Efe. 2:20.
8. Tingnan sa PJS Apoc. 12:6–8.
9. Tingnan sa Alma 13:3, 5, 7; D at T 132:28; 138:55–56; Abr. 3:22–23.
10. Tingnan sa Abr. 3:23.
11. Tingnan sa Jer. 1:4–5.
12. Tingnan sa 2 Ne. 3:5–15; D at T 127:2; 138:53–55.
13. Tingnan sa D at T 138:53.
14. Tingnan sa Lucas 11:49–51.
15. Abr. 1:3.
16. D at T 132:63.
17. Tingnan sa D at T 49:16–17.
18. Efe. 1:4; tingnan din sa t. 5. Itinuro din ni Pablo na ang kapangyarihan ng Diyos "na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, . . . na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan" (2 Tim. 1:9; tingnan din sa D at T 38:1–4; Abr. 3:22–26). Mahalagang tandaan na ang Aklat ni Mormon ay para "ipakita sa mga labi ng sambahayan ni Israel kung anong mga dakilang bagay ang ginawa ng Panginoon para sa kanilang mga ama; at nang kanilang malaman ang mga tipan ng Panginoon" (Aklat ni Mormon, pamagat na pahina).
19. Tingnan sa D at T 130:20–21; 132:5, 11–12.
20. Mat. 13:35.
21. 2 Ne. 27:10.
22. Tingnan sa D at T 124:40–41.
23. D at T 124:41.
24. D at T 124:33.
25. D at T 128:5.
26. Tingnan sa D at T 128:18.
27. Tingnan sa Mga Gawa 3:20–21.
28. Tingnan sa Dan. 2:28, 31–44; D at T 65:2–6; 124:45.
29. Tingnan sa Bruce R. McConkie,The Millennial Messiah(1982), 672.
30. Santiago 1:6.
31. Tingnan sa Efe. 3:17–19; Col. 2:6–7.
32. Tingnan sa "Some Thoughts on Temples, Retention of Converts, and Missionary Service,"Ensign, Nob. 1997, 51; at sa Jacob 6:7; Moro. 6:4.
33. Mga Himno, blg. 47; tingnan din sa 2 Ne. 28:27–30.
34. Tingnan sa Jacob 3:2.
35. Hel. 5:12. Tandaan din na ang matalinong tao ay magtatayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato at hindi sa gumuguhong buhangin (tingnan sa Mat. 7:24–27).
36. Hel. 7:5.
37. Ang pagiging tila "makatarungan" ng mga bagay ay may kaugnayan sa limitasyon ng pananaw ng tao. Itinuro ni Pablo, "Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag" (1 Cor. 15:19).
38. Harry Kemp, "God the Architect," saMasterpieces of Religious Verse,inedit ni James Dalton Morrison, (1948), 46–47.
39. Kung ihahambing sa pagkamaalam ng ating Manlilikha, kakaunti lang ang alam natin sa mga dinosaur o sa detalye ng Paglikha, halimbawa. Ngunit ito ang alam natin: "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, sa araw na iyon kapag ang Panginoon ay pumarito, ihahayag niya ang lahat ng bagay—mga bagay na nakalipas, at mga nakatagong bagay na walang sinuman ang nakaaalam, mga bagay sa lupa, kung paano ito nagawa, at ang layunin at ang pakay nito—mga bagay na labis na mahalaga, mga bagay na nasa itaas, at mga bagay na nasa ilalim, mga bagay na nasa lupa, at sa ibabaw ng lupa, at nasa langit" (D at T 101:32–34; tingnan din sa 121:29:32).
40. Tingnan sa 1 Ne. 11:16–17.
41. Virginia H. Pearce, saWhy I Believe(2002), 245–46.
42. Personal na liham, Enero 15, 2002.
43. Ang ating mortal na buhay ay inihalintulad sa ikalawang yugto ng tatluhang-yugtong drama. Kapag bumaba na ang telon sa ikalawang yugto, ang drama ay hindi pa tapos. Kung wala ang pananaw mula sa yugto isa at tatlo, ang ikalawang yugto ay tila napakaikli, napakahaba, napakahirap, o labis na nakalilito. Kapag alam natin ang lahat ng tatlong yugto, nagiging mas makabuluhan ang ikalawang yugto. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang walang hanggang pananaw.

 
© 2008 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy