Elder John M. Madsen
Ng Pitumpu
Para makilala ang Panginoong Jesucristo, tayo at ang buong sangkatauhan ay kailangang tanggapin Siya. At para tanggapin Siya, kailangan nating tanggapin ang Kanyang mga tagapaglingkod.
Halos 2,000 taon na ang nakararaan, isang mayamang binata ang nagtanong nang napakahalagang bagay sa Tagapagligtas: "Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan?" (Mateo 19:16). Nang "marinig" ang bilin ng Tagapagligtas at ang Kanyang masuyong imbitasyon na "pumarito ka, sumunod ka sa akin" (Mat. 19:21), ay "yumaon siyang namamanglaw: sapagka't siya'y isang may maraming pagaari" (Mat. 19:22).
Nakalulunos na milyun-milyon sa mundo ang nagpapahalaga pa rin at pumipili sa "mga kayamanan ng mundo" kaysa "mga kayamanan ng walang hanggan" (D at T 38:39), na di nalalaman o lubos na nauunawaan na"siya na may buhay na walang hanggan ay mayaman"(D at T 6:7; idinagdag ang pagbibigay-diin), at na angbuhay na walang hanggan ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao(tingnan sa D at T 14:7). Sa madaling salita, ang buhay na walang hanggan ay ang mabuhay magpakailanman bilang mga pamilya sa piling ng Diyos (D at T 132:1920, 24, 55).
Sa dakila Niyang Panalangin para sa mga tao, ibinibigay ng Tagapagligtas sa buong sangkatauhan ang susi sa pagtatamo ng buhay na walang hanggan: "At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo" (Juan 17:3).
Ngunit paano makikilala ng tao ang kaisa-isang Diyos na tunay?
Sagot ng Tagapagligtas: "Ako ang daan, at ang katotohanan,, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko" (Juan 14:6).
Pinatototohanan ko na ang tanging daan para makalapit tayo at ang buong sangkatauhan sa ating Ama sa Langit at makilala Siya, at tuloy magtamo ng buhay na walang hanggan, ay ang lumapit sa Panginoong Jesucristo, at makilala Siya.
Ngunit sinosiJesucristo, na dapat tayong lumapit sa Kanya atmakilalaSiya? Wala akong ibang alam na mas makapangyarihan at magandang buod ng pagkakakilanlan at tungkulin ng Panginoong Jesucristo maliban sa pahayag ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawa na pinamagatang "Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol," kung saan nais kong banggiting:
"[Si Jesucristo] ang Dakilang Jehova ng Lumang Tipan, at ang Mesiyas ng Bago. Sa ilalim ng pamamahala ng Kanyang Ama, Siya ang manlilikha ng daigdig. . . .
". . . Inialay Niya ang Kanyang buhay para sa kasalanan ng lahat ng sangkatauhan. . . .
". . . Siya ang Panganay ng Ama, ang Bugtong na Anak sa laman, ang Manunubos ng daigdig.
"Nagbangon Siya sa libingan upang 'maging pangunahing bunga ng nangatutulog' (I Corinto 15:20). Bilang Nabuhay na Mag-uling Panginoon, . . . naglingkod din Siya sa Kanyang 'ibang mga tupa' (Juan 10:16) sa sinaunang Amerika. . . . "Siya at ang Kanyang Ama ay nagpakita sa batang si Joseph Smith, na nagpasimula sa matagal nang ipinangakong 'kaganapan ng mga panahon' (Efeso 1:10). . . .
". . . Ang Kanyang pagkasaserdote at Kanyang Simbahan ay ipinanumbalik na sa mundo na'itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol, at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato na panulok' (Efeso 2:20).
". . . Darating ang panahon na babalik Siyang muli sa mundo . . . [at] mamamahala bilang Hari ng mga Hari at maghahari bilang Panginoon ng mga Panginoon. . . . Bawat isa sa atin ay tatayo upang hatulan Niya. . . .
". . . Ang Kanyang marapat na inordenan na mga Apostol [ay nagpapatotoo] na si Jesus ang Buhay na Cristo, ang walang kamatayang Anak ng Diyos. Siya ang dakilang Haring Emmanuel. . . . Siya ang liwanag, ang buhay, at pag-asa ng mundo" (Liahona, Abr. 2000, 23).
Napakaganda at talagang mahalagang makilala kung sino ang Panginoong Jesucristo.
Ngunit muli, pinatototohanan ko na ang tanging daan para makalapit tayo at ang buong sangkatauhan sa ating Ama sa Langit at makilala Siya, at tuloy magtamo ng buhay na walang hanggan, ay ang lumapit sa Panginoong Jesucristo, at makilala Siya.
Ano ang ibig sabihin ng makilala ang Panginoong Jesucristo, at paano natin Siya makikilala?
Sagot ng Tagapagligtas: "Makipot ang pintuan, at makitid ang daan na patungo sa kadakilaan at pagpapatuloy ng mga buhay, at kakaunti ang makasusumpong noon, sapagkat hindi ninyo ako tinanggap sa daigdig ni hindi ninyo ako nakikilala. Subalit kung inyo akong tinanggap sa daigdig, sa gayon makikilala ninyo ako" (D at T 132:2224).
Tunay at lubos ba nating nauunawaan ang Kanyang mga salita? "Kung inyo akong tinanggap"ang Dakilang Jehova, ang Mesiyas, ang Lumikha ng daigdig, ang Tagapagligtas at Manunubos ng mundo, ang imortal na Anak ng Diyos"Kung inyo akong tinanggap . . . , sa gayon makikilala ninyo ako"(D at T 132:23; idinagdag ang pagbibigay-diin).
Para makilala ang Panginoong Jesucristo, tayo at ang buong sangkatauhan ay kailangang tanggapin Siya. At para tanggapin Siya, kailangan nating tanggapin ang Kanyang mga tagapaglingkod (tingnan sa Mat. 10:40; D at T 1:38; 68:89; 84:36; 112:20).
Para tanggapin Siya, kailangan nating tanggapin ang kaganapan ng Kanyang ebanghelyo, walang katapusang tipan, pati ang lahat ng katotohanan o batas, tipan, at ordenansang kailangan para makabalik ang sangkatauhan sa piling ng Diyos (tingnan sa D at T 39:11; 45:9; 66:2; 76:4043; 132:12; 133:57).
Para tanggapin Siya, kailangang tanggapin ng matatapat na anak na lalaki ng Diyos ang Kanyang priesthood, at gampanang mabuti ang kanilang mga tungkulin (D at T 84:3335).
Ngunit sa huli, para tanggapin at makilala Siya, tayo at ang buong sangkatauhan, tulad ng payo ni Moroni, ay kailangang "lumapit kay Cristo, at maging ganap sa Kanya" (Moro. 10:32; idinagdag ang pagbibigay-diin). Sa madaling salita, kailangan tayong lumapit kay Cristo at magsikap na "maging" tulad Niya (tingnan sa "Ang Hamon na Magkaroon ng Kahihinatnan," Dallin H. Oaks,Liahona, Ene. 2001).
Wika ng nagbangong Panginoon: "Maging anong uri ng mga tao ba nararapat kayo? Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maging katulad ko" (3 Ne. 27:27). Ang kahulugan ng salitangnararapat, na ginamit sa Kanyang tanong, "Maging anong uri ng mga tao ba nararapat kayo?" ay mahalaga sa pag-unawa sa Kanyang sagot na, "Maging katulad ko." Ibig sabihin ng salitangnararapatay "kailanganin" o "ang matali sa tungkulin o obligasyong moral" (Noah Webster First Editon of an American Dictionary of the English Language, ika-7 edisyon [1993], "nararapat"; tingnan din sa Lucas 24:26), ay nagpapahiwatigat pinatunayan ito ng banal na kasulatan, sinauna man at makabagona ito ay "kailangan," at tayo ay "nakatali," tulad sa tipan, "upang maging," gaya ng Kanyang ipinahayag, "maging katulad ko" (3 Ne. 27:27; tingnan din sa 3 Ne. 12:48; Mat. 5:48; I Juan 3:2; Moro. 7:48).
Dalangin kong dumating ang panahon na "darating na ang kaalaman tungkol sa isang Tagapagligtas ay kakalat sa bawat bansa, lahi, wika, at tao" (Mosias 3:20; tingnan din sa Moises 7:62; Isa. 11:9), at lahat ay matanggap Siya, maging ang Panginoong Jesucristo, at makilala Siya, upang makapunta sila sa ating Ama sa Langit, at makilala Siya, nang sa gayon ay magtamo ng buhay na walang hanggan, sa pangalan ni Jesucristo, amen.