Elder Earl C. Tingey
Ng Panguluhan ng Pitumpu
Itinatag ng Panginoon ang batas ng ikapu bilang batas ng buwis ng Kanyang Simbahan. . . . Ito rin ay isang batas ng pagpapakita natin ng ating katapatan sa Panginoon.
Noong nakaraang Pasko, tumanggap ako ng regalo mula sa aking ina. Maraming taon niyang maingat na inalagaan ang isang maliit na aklat na una kong natanggap mula sa aking mga magulang noong 1944, nang ako ay 10 taong gulang.
Narito ang aklat na iyon. Ito ay isang journal kung saan tinuruan akong itala linggu-linggo ang kita at gastusin ko.
Halimbawa, isinulat ko sa linggo ng 29 Hulyo 1944 na sinimulan ko ang linggo na may hawak na $24.05 at kumita ako ng $7.00 sa pagtatrabaho sa bukirin ng aming pamilya. Para sa mga gastusin, gumastos ako ng 5 sentimo sa kendi, at $3.45 para sa isang bagay na binili ko, 20 sentimo sa sine, at $2.37 para sa damit ko. Namuhunan din ako ng $20.00 para sa war savings bond at nagbayad ng 70 sentimo sa ikapu. Natapos ang linggo na may natira akong $4.28.
Naaalala kong tinanong ko ang aking ama kung puwede niyang dagdagan ang suweldo kong 25 sentimo isang oras. Pero nang maalala kong 20 sentimo ang bayad sa sine at 5 sentimo ang halaga ng kendi, natanto kong sobra yata ang ibinayad sa akin.
Habang binabasa ko ang journal na ito na mahigit 50 taon na, napuna kong linggu-linggo noong mga taong 1944 at 1945, nagbayad ako ng ikapu na 10 porsiyento ng kita ko para sa linggong iyon. Noong Disyembre 1944 itinala kong nakabayad ako ng $12.35 sa ikapu sa taong iyonisang buong ikapu.
Doon ko natutuhan kung saan at papaano magbayad ng ikapu.
Itinuro naming mag-asawa sa aming mga anak ang kahalagahan ng pagtatabi ng ikapu linggu-linggo kapag natanggap nila ang kanilang baon o kumita ng pera sa pag-aalaga ng bata o iba pang trabaho. Inilalagay nila ang ikapu sa isang maliit na kahon. Tuwing Linggo ng ayuno, ibinibigay nila ang ikapu sa bishop. Nalaman din nila ang halaga ng pera sa pamamagitan ng pag-iimpok ng malaking bahagi ng natira nilang kita para sa pagmimisyon at pag-aaral.
Ginagawa rin ito ngayon ng aming mga apo.
Ituro natin ang alituntuning ito sa ating mga anak at tiyaking nakikita nila tayong magbayad ng ikapu. Sinabi ni President Joseph F. Smith, "Ang ating mga anak, sa sandaling sapat na ang edad nila para kumita, ay dapat turuang magbayad ng ikapu, upang ang kanilang pangalan ay maisulat sa aklat ng batas ng Panginoon."1
Noong Primary pa ako, natutuhan namin ang maikling tulang ito:
Ano ang ikapu?
Sasabihin ko sa inyo.
Sampung sentimo sa piso
At sampera sa sampung sentimo.
Ang doktrina ng pagbabayad ng ikapu ay nakahalo sa buong banal na kasulatan.
Nagbayad ng ikapu si Abraham kay Melquisedec.2Tinuruan
ang mga anak ni Israel na dalhin ang kanilang ikapu sa Panginoon.3Marahil
ang pinakamadalas banggiting banal na kasulatan sa paksang ikapu sa Lumang Tipan
ay matatagpuan sa Malakias:
"Nanakawan baga ng tao ang Dios? Gayon ma
'
y ninanakaw[an] ninyo ako. Ngunit inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan?
Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.
"Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon
ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi
ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa
langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid
na kalalagyan."4
Ang halaga ng ikapung ibinabayad natin ang pinakaperpekto at pinakamakatwirang
kasunduang alam ko. Ikasampung bahagi ito na lahat ng ating kita. Lahat, mula
sa pinakamahirap hanggang sa pinakamayaman, ay nagbabayad ng gayong porsiyento.
Itinuro ni Cristo ang alituntuning iyon sa kuwento tungkol sa leptang ibinayad
ng babaing ba[l]o:
"At umupo [si Jesus] sa tapat ng kabang-yaman, at minasdan kung paanong
inihuhulog ng karamihan ang salapi sa kabang-yaman: at maraming mayayaman ang
nangaghulog ng marami.
"At lumapit ang isang babaing ba[l]o, at siya
'
y naghulog ng dalawang lepta, na ang halaga
'
y halos isang beles.
"At pinalapit niya sa kanya ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila,
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang ba[l]ong babaing ito, ay naghulog
ng higit kay sa lahat ng nangaghulog sa kabang-yaman:
"Sapagka
'
t silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila
'
y labis; datapuwa
'
t siya sa kanyang kasalatan ay inihulog, ang buong nasa kaniya, sa makatuwid
baga
'
y ang buong kaniyang ikabubuhay."5
Ang lepta ay napakaliit na barya. Ito ang pinakamaliit na baryang tanso na
ginagamit ng mga Judio. Ikaanimnapu
'
t-apat-na porsiyento ito ng denaryong pilak ng Roma.
Sa dispensasyong ito, itinatag ng Panginoon ang batas ng ikapu bilang batas
ng buwis ng Kanyang Simbahan. Kung wala ito, hindi natin maisasakatuparan ang
mga walang-hanggang layunin ng Panginoon. Ito rin ay isang batas ng pagpapakita
natin ng ating katapatan sa Panginoon at pagpapatunay ng ating sarili na karapat-dapat
tayo sa mga pribilehiyo, ordenansa, at pagpapala.
Kamakailan ay nasa Independence, Missouri, ako, at nadama ko ang pangangailangang
maglakbay nang isang oras pahilaga patungong Far West. Nanirahan ang mga Banal
sa mga Huling Araw sa Far West noong 1836 upang makaligtas sa pag-uusig. Naging
sentro ng pamahalaan ang Far West, na may tinatayang 3,000 hanggang 5,000 mamamayan.
Ilang panahon itong naging punong-himpilan ng Simbahan. Nanirahan doon ang sarili
kong mga ninuno.
Nang dumating ako sa Far West at inilibot ang aking paningin, ang tanging nakita
ko
'
y puro bukirin. Walang lungsod, mga lansangan, o mga gusali. Tanging payapa
at madamong lugar na pagtatayuan ng templo na may apat na batong panulok, na
naliligiran ng maliit na bakod ang naroon.
Noong 1838 itinaboy ang mga Banal mula sa Far West. Dinakip si Joseph Smith
at iba pa at dinala sa kalapit na Liberty Jail. Doo
'
y nanghina sila sa ilalim ng kahila-hilakbot na kalagayang maiisip sa loob ng
anim na buwan. Ang sarili kong mga ninuno ay labis na nagdusa sa Far West at
muntik nang mamatay.
Habang nakatayo ako sa Far West at iniisip kung ano ang dating hitsura nito,
binuklat ko ang aking mga banal na kasulatan at binasa ang bahagi 119 ng Doktrina
at mga Tipan. Ang paghahayag na ito ay ibinigay sa pamamagitan ni Propetang
Joseph Smith sa Far West noong 8 Hulyo 1838, sa gitna ng mga pag-uusig na ito:
"At ito ang magiging pasimula ng pagbibigay ng ikapu ng aking mga tao.
"At pagkatapos nito, yaong mga hiningan ng ikapu ay magbabayad ng ikasampung
bahagi ng lahat ng kanilang tinubo taun-taon; at ito ay mananatiling batas sa
kanila magpakailanman, para sa aking banal na pagkasaserdote, wika ng Panginoon."6
Naisip ko na hindi maaaring tanggapin ng mga miyembro ng Simbahan ang batas
ng ikapu sa napakahirap na panahong iyon. Ngunit tinanggap nila ito, at sinimulang
ipamuhay ng mga miyembro ang bagong batas na ito sa panahong nawala ang kanilang
mga ari-arian, at ang iba
'
y namatay. Nang dalawin ko ang Far West, nagtamo ako ng espirituwal na patotoo
sa batas ng ikapu na mas malakas at mas malalim kaysa nadama ko noon.
Nais kong payuhan ang libu-libong mga miyembrong sumasapi sa Simbahan ngayon
bunga ng masigasig na pagtuturo ng ating mga misyonero. Sumampalataya kayo.
Magbayad ng inyong ikapu. Maaaring kaiba ang batas na ito sa nakasanayan ninyo
bago kayo nabinyagan. Ngunit wala kayong magagawa bilang bagong miyembro upang
mas ganap kayong ihanda sa pagtatamasa ng magagandang biyayang naghihintay sa
inyomaging mga pagpapala ng templokaysa sa pagbabayad ng ikapu.
Ngayon, isang maikling payo para sa mga misyonero. Ituro ang ikapu sa mga nagsisiyasat
sa paraang magtatamo sila ng patotoo sa kalugud-lugod na alituntuning ito ng
ebanghelyo.
Ang ina ni Joseph F. Smith ay kilala bilang "Balo ni Smith." Siya
ang balo ni Hyrum Smith, na namatay na martir kasama ni Propetang Joseph Smith.
Pinagalitan niyang minsan ang klerk ng ikapu na nagsabing dahil mahirap lang
siya, hindi na niya kailangang magbayad ng ikapu. Sinabi niya: "'Ipagkakait
mo ba sa akin ang biyaya? Kung hindi ako magbabayad ng ikapu dapat kong asahang
babawiin sa akin ng Panginoon ang Kanyang mga biyaya. Nagbabayad ako ng ikapu,
hindi lang dahil ito ay batas ng Diyos, kundi dahil umaasa akong mabibiyayaan
ako sa paggawa nito. Sa pagtupad nito at iba pang batas, umaasa akong umunlad,
at makayang itaguyod ang aking pamilya.
'
"7
Umunlad ba siya? Ang kanyang anak at apo ay naging mga pangulo ng Simbahan,
at ang isang inapo niya ngayon ay miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol
at marami sa kanyang mga inapo ang kilalang lider ng Simbahan.
Tungkol sa kanyang ina, sinabing minsan ni Joseph F. Smith na nagbayad siya
"ng mga ikapu ng kanyang tupa at baka, ikasampung libra ng kanyang mantekilya,
ikasampu ng kanyang manok, itlog, baboy, bisiroikasampu ng lahat ng alaga
niyang [hayop]."8
Minsa
'
y itinuro ko ang batas ng ikapu sa pangkat ng mga lider ng Simbahan sa Africa.
Sinabi ng isang kapatid na lalaki, "Elder Tingey, paano ako makakabayad
ng ikapu kung wala akong kinikita?" Nagtanong ako at nalamang pito o walo
ang kanyang mga anak at wala siyang trabaho. Tinanong ko kung paano niya pinakakain
ang kanyang pamilya? Aniya
'
y may maliit siyang taniman at nag-aalaga ng mga gansa. Itinanong ko, "Ano
ang ginagawa ng mga gansang ito?" Sagot niya, "Nangingitlog."
Ang tugon ko, "Paano kung isang umaga ay may makita kang 10 itlog ng gansa
sa pugad nito?" Naliwanagan siya. "Makakakuha ako ng isang itlog at
maibibigay ito sa branch president ko," sagot niya. Naunawaan niya, at
makakabayad siya ng buong ikapu.
Kapag nagbabayad tayo ng ikapu at tinuturuan ang ating mga anak na magbayad
ng ikapu, nagkakaroon tayo ng isang pamilyang matibay na nakasalig sa paggawa
at pagtupad ng mga tipan sa templo. Ang pinakamaluwalhating pagpala sa lahat
na matatanggap natin sa buhay na ito at sa mga kawalang-hanggan ay mga pagpapalang
nagbubuhat sa kaalamang ang ating mga pamilya ay sama-samang nabuklod sa buong
kawalang-hanggan. Ngayon maaaring makita ng ilan na pinagkakaitan nila ang kanilang
sarili ng mga pribilehiyong ito sa di pagbabayad ng ikapu. Sa mga yaong ganito
ang sitwasyon, ipinapayo ko na sumampalataya kayo, subukin ninyo ang Panginoon,at
magbayad ng ikapu.
Isang espesyal na kapayapaang di masasayod ng lahat ng pag-unawa ang darating
sa inyo ng inyong pamilya sa pagbabayad ninyo ng buong ikapu. Makikita ninyo
na lahat ng takot hinggil sa pananalapi at pagtataguyod sa pamilya ay mababawasan.
Malalaman ninyo na mahal kayo ng inyong Ama sa Langit.
Nagpapasalamat ako na tinuruan ako ng aking mga magulang na magbayad ng ikapu.
Mapakumbaba kong pinatototohanan na ang pagbabayad ng ikapu ay tunay na alituntunin
ng ebanghelyo ni Jesucristo. Sa ngalan ni Jesucristo, amen.
MGA TALA
1. Gospel Doctrine,ika-5 edisyon (1939), 231.
2. Tingnan sa Gen. 14:20.
3. Tingnan sa Deut. 12:6.
4. Mal. 3:8, 10.
5. Marcos 12:4144.
6. D at T 119:34.
7. Gospel Doctrine, 229.
8. Gospel Doctrine, 229.