Elder Gene R. Cook
Ng Pitumpu
Mahal na mga kapatid, higit sa lahat ay nais kong patotohanan nang personal sa inyo sa oras na ito ang pag-ibig ng Diyos sa akin at sa buong sangkatauhan. Sino ang sapat na makapagpapahayag ng taos na pasasalamat sa pagkilala sa pag-ibig ng Diyos? Napakapalad kong makapiling kayo nang maraming taon at matagpuan ang dalisay na pag-ibig ni Cristo mula sa inyo. Napakalaki ng utang-na-loob ko sa inyo at sa Diyos.
Kahit mahirap ilarawan ang pag-ibig sa kapwa, madali itong makita sa buhay ng mga maytaglay nito.
Isang lalaking dumaranas ng di-marapat na parusa ng madla, ngunit mapakumbabang tinatanggap ito.
Di ba't ang karaniwang paksa sa mga halimbawang ito ay pag-ibig sa kapwa, pagiging di-makasarili, di paghahangad ng kapalit? Tila nanggagaling at nababalot ang lahat ng ating banal na katangian sa isang ito.5Lahat ng tao ay maaaring magtaglay ng kaloob na magmahal, ngunit ang pag-ibig sa kapwa ay ipinagkakaloob lang sa mgatunayna alagad ni Cristo.6
Ang mismong kapangyarihan ng Diyos ay matatagpuan sa mga katangian ng Kanyang pagkadiyos.7Pinananatili ng mga katangiang ito ang kapangyarihan ng priesthood.8Hangad natin ang mga katangiang ito, lalo na ang pag-ibig sa kapwa, ang dalisay na pag-ibig ni Cristo.9
MGA TAGAWASAK NG PAG-IBIG AT KAPAYAPAAN
Subalit naroon ang demonyo, ang tagawasak ng pag-ibig na ito, at pinapalitan
ito ng galit at poot.10Gayon
ang nadama ng kaibigan kong si William: poot. Tila anuman ang mangyari
'
y kasalanan ng Panginoonsakit, kamatayan, suwail na anak, personal na
kahinaan, dalanging "di nasagot"lahat ng ito
'
y nagpatigas sa kanyang puso. Ang galit niya sa loob, na sasabog anumang sandali,
ay nakatuon sa Diyos, sa kanyang kapwa, at sa sarili. Nagmula sa kanyang puso
ang kawalan ng paniniwala, katigasan ng ulo, kapalaluan, pakikipagtalo, at
kawalan ng pag-asa, pagmamahal, at direksyon. Miserable siya!
Ang mga tagawasak na ito ng kapayapaan11ay bumulag kay William sa damdamin ng Diyos para sa kanya. Di niya makita nimadamaang pagmamahal ng Diyos. Hindi niya makita, lalo na sa mga sandaling iyon ng pagsubok, na sagana pa rin ang pagpapala ng Diyos sa kanya. Sa halip, galit ang ipinalit niya sa pagmamahal. Di ba natin iyon nadarama, kung minsan? Kahit sa mga oras na di tayo dapat mahalin, minahal Niya tayo nang husto. Tunay na Siya ang unang nagmahal sa atin.12
PAGDURUSA NANG MAY LAYUNIN: ANG PAG-IBIG SA KAPWA AY PAMPASIGLA
Ngayon, kabaligtaran ang kaibigan kong tila tulad ni Cristo na si Betty.
Marami siyang dinanas na hirap tulad ni William ngunit, dahilnadamaniya
ang pag-ibig ng Diyos, naghirap siya sa ngalan ng Tagapagligtas,13nakibahagi
sa Kanyang likas na kabanalan,14at
lumakas ang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos, at nagkalakas na malagpasan
anuman ang dumating.
Lumago ang pagmamahal niya sa iba. Para ngangdi pa manay pinatatawad na niya ang iba. Natutuhan niyangipadamasa kanila ang kanyang pagmamahal. Nalaman niyang lumalago ang pagmamahal kapag ibinahagi ito.
Sa huli, natuto siyang higit na mahalin ang sarili, maging mas mabait, mahinahon, at matiisin. Tumigil siya sa pagsisikap na mapuri at nagsimulang mahalin ang sarili tulad ng pagmamahal ng Diyos sa kanya. Ang larawan niya'y naging ayon sa nais ng Diyos.
PAGKILALA, PAGTANGGAP, AT PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL NG DIYOS
Paano nga natin mas "[mada]damitan ang [ating] sarili ng bigkis ng pag-ibig sa kapwa-tao. . .ng pagiging ganap at ng kapayapaan"?15Narito ang tatlong mungkahi.
1.Kilalanin ang Kanyang Pagmamahal. "Manalangin . . . nang buong lakas ng puso"16para sa kaloob na ito. Gawin ito nang mapagpakumbaba, na may bagbag na puso at mapupuspos kayo ng pag-asa at pagmamahal mula sa Espiritu Santo Mismo. Ihahayag Niya sa inyo si Cristo.17
Bahagi ng pag-ibig sa kapwa ang makilala ang kalooban ng Diyos at madama ang Kanyang pagmamahal sa lahat ng nakapaligid sa atin. Kung minsan, di madaling madama ang pagmamahal sa atin ng Panginoon sa lahat ng dinaranas natin, dahil Siya ay perpekto ngunitdi-nagpapakilalangnagkaloob. Buong buhay kayong maghahangad na kilalanin ang Kanyang impluwensiya at ang mga kaloob sa inyo dahil sa Kanyang tapat, disente, at mapagpakumbabang paraan ng pagbibigay ng gayon kagandang mga kaloob.
Pag-isipan natin sandali ang sumusunod na mga dakilang kaloob: ang mga kaluwalhatian ng buong paglikha,18ang daigdig, ang kalangitan; ang inyong damdamin ng pag-ibig at galak; ang Kanyang awa, pagpapatawad, at di-mabilang na sagot sa dalangin; ang mga mahal sa buhay; at ang pinakadakilang kaloob sa lahatang Kanyang Anak na nagbayad-sala, ang perpektong pag-ibig sa kapwa, maging ang Diyos ng pag-ibig.19
2.Tanggapin ang Kanyang pagmamahal nang buong pagpapakumbaba.Pasalamatan ang kaloob, lalo na, ang Nagkaloob.20Ang tunay na pasasalamat ay ang kakayahang makita, madama, at matanggap ang pagmamahal nang may pagpapakumbaba.21Ang pasasalamat ay isang uri ng pagbabalik ng pag-ibig sa Diyos. Kilalanin ang Kanyang kalooban, sabihin ito sa Kanya, sabihing mahal ninyo Siya.22Kapag tunay ninyong nakilala ang Panginoon, matatagpuan ninyo ang isang matalik at sagradong relasyong nakasalig sa pagtitiwala. Malalaman ninyong nauunawaan Niya ang inyong pagdurusa23at lagi kayong mamahalin nang buong pagkahabag.
Tanggapin ito.Damhinito. Di sapat ang basta malaman na mahal kayo ng Diyos. Dapatdamhinang kaloob sa paglipas ng mga araw.24Ito ang magiging banal na inspirasyon sa buong buhay ninyo. Magsisi. Alisin ang anumang kamunduhan sa inyong buhay,25maging ang galit. Tanggapin ang patuloy na kapatawaran ng inyong mga sala26at mapipigil ninyo ang lahat ng silakbo ng damdamin at mapupuspos kayo ng pag-ibig.27
3.Ipakita ang Kanyang Pagmamahal.Ang pagtugon sa atin ng Panginoon ay lagi nang puno ng pag-ibig. Di ba dapat na mabait ang pagtugon natin sa Kanya at maytunayna damdamin ng pagmamahal? Nagbibigay Siya ng biyaya (o kabutihan) sa biyaya, katangian sa katangian. Sa patuloy nating pagsunod, mas maraming biyaya tayong natatanggap sa kabutihang ibinabalik natin sa Kanya.28Handugan Siya ng kapinuhan ng inyong mga katangian, upang kapag nagpakita Siya ay magingtuladNiya kayo.29
Sa simulang punuin ng tao ang kanyang isipan ng pag-ibig, at ipakita ang damdaming iyon sa Diyos, sa tao, o sarili, tiyak na uunlad ang katangiang iyon mula sa Espiritu. Totoo iyan sa lahat ng banal na katangian. Ang ipinakikitang mabuting damdamin ng tao ang nag-uudyok sa paglago ng damdaming iyon mula sa Espiritu. Tanging kung nadarama ninyo ang pagmamahal kayo makapagpapakita ng tunay na pagmamahal sa iba,30kaya tandaan: para mahalin kayo, magmahalnang tunay.31
ANG MGA BUNGA NG KALOOB NA PAG-IBIG SA KAPWA
Mga kapatid, bilang natatanging saksi ni Cristo, muli kong pinatototohanan
sa inyo ang labis na pagmamahal ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ang pagpapakita
ng kaloob na iyon mula sa Diyos ay magdudulot ng isang bago at dalisay na
puso, at laging nag-iibayong pag-ibig at kapayapaan. Habang pinag-iibayo natin
ang pag-iisip at pagkilos tulad Niya, ang mga katangian ng likas na tao ay
maaalis at mahahalinhan ng puso at isipan ni Cristo.32Magiging
gaya Niya tayo at pagkatapos ay tunay natin Siyang tatanggapin.33
Mahal kayo ng propetang ito ng Panginoon, gayundin ng mga Kapatid kong ito. Pagpalain nawa tayo ng Panginoon upang "ang pagmamahal sa [ating] puso ay mapasa-Panginoon magpakailanman."34"[Nang] ang [ating] mga pasanin ay gumaan, sa pamamagitan ng kagalakan sa kanyang Anak"35ang dalangin ko sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, amen.
MGA TALA
1. Moro. 7:47.
2. Tingnan sa 1 Ne. 11:2223; 8:1012.
3. 1 Ne. 15:36.
4. Moro. 8:17.
5. "May isang kabutihan, ugali, o alituntunin, na, kapag pinahalagahan at ipinamuhay ng mga Banal, ay magpapatunay sa kaligtasan ng libu-libong tao. Ang tinutukoy ko ay ang pag-ibig sa kapwa-tao, o pagmamahal, kung saan nagmumula ang pagpapatawad, pagkamatiisin, kabutihan, at pagpapaumanhin" (Brigham Young,Deseret News, 11 Ene. 1860, 353).
6. Tingnan sa Moro. 7:48. May pagkakaiba ba ang pag-ibig sa kapwa at pagmamahal? Maraming beses na hiwalay silang tinukoy ng Panginoon, i.e. D at T 4:5. Ilan ang nagsasabing ang pag-ibig sa kapwa ay pagmamahal na may kahalong sakripisyoisang sinangkapang pag-ibig. Marahil ang pag-ibig sa kapwa ay ukol sa pagmamahal gaya ng ang pananampalataya ay ukol sa paniniwala. Kapwa kumikilos, gumagawa at nagsasakripisyo ang pananampalataya at pag-ibig sa kapwa. Sakop ng pag-ibig sa kapwa ang Kanyang pagmamahal sa atin, ang ating pagmamahal sa Kanya, at ang pagmamahal para sa iba na tulad ng kay Cristo.
7. Tingnan sa D at T 84:1924.
8. Tingnan sa D at T 121:4146.
9. "Ang taong puspos ng pag-ibig ng Diyos, ay hindi nasisiyahan sa pagpapala sa kanyang pamilya lamang, kundi sa buong mundo, at sabik na pagpalain ang buong sangkatauhan" (Joseph Smith,History of the Church4:227).
10. Kapag dumating sa buhay ang tunay na dusa, naroon lagi ang demonyo para pagalitin ang puso ng mga tao, habang ang Panginoon ay patuloy na pinagmumulan ng pagmamahal. Sa gayunding pagdurusa "marami ang naging matitigas . . . at marami ang napalambot dahil sa kanilang paghihirap" (Alma 62:41). Napakagandang halimbawa ng pagtugon sa dalamhati.
11. Ilang tagawasak ng pag-ibig at kapayapaan ng tao ay kinabibilangan ng ngunit di limitado sa: takot, paghahanap ng katumpakan, inggit, di pagpapasakop, alinlangan, galit, selos, di-makatwirang pagsupil, kawalan ng paniniwala, kawalan ng pasensiya, paghatol, panghihikayat ng sama ng loob, kapalaluan, pakikipagtalo, pagbulung-bulong, paghahangad ng papuri, pakikipagpaligsahan, pagsisinungaling. Lahat ng ito'y likas sa tao, at hindi sa alagad ni Cristo.
12. Tingnan sa 1 Jn. 4:19.
13. Tingnan sa D at T 138:13. Batid ng kaibigan ko na makakatulong sa kanya ang pagdurusa para mapatunayan ang kanyang sarili (tingnan sa Abr. 3:2425; D&C 98:1314); matutong pumili ng mabuti sa masama (tingnan sa 2 Ne. 2:18); dapat malaman na kasunod ng pagsubok ang mga pagpapala (tingnan sa D at T 58:24); matutong sumunod, magpasensiya, at manampalataya (tingnan sa D at T 105:6; Mosias 23:21; Roma 5:35); kamtin ang kapatawaran ng kasalanan (tingnan sa Hel. 15:3; D at T 132:50, 60; 95:1).
14. Tingnan sa 2 Ped. 1:18.
15. D at T 88:125.
16. Moro. 7:48.
17. Tingnan sa Moro. 8:2526; Roma 5:5; 2 Ne. 26:13.
18. Tingnan sa Moises 6:63; Alma 30:44.
19. Tingnan sa 1 Jn. 4:8.
20. Tingnan sa D at T 88:33.
21. Tingnan sa Alma 5:26.
22. Tingnan sa Alma 26:16; Moro. 10:3.
23. Tingnan sa D at T 133:5253.
24. Tingnan sa Alma 34:38.
25. Tingnan sa 1 Jn. 2:1517.
26. Tingnan sa Mosias 4:12.
27. Tingnan sa Alma 38:12.
28. Tingnan sa D at T 93:1213, 20.
29. Tingnan sa 1 Jn. 3:13.
30. Tingnan sa Juan 13:34; D at T 112:11.
31. "Iwasan ang kapalaluan at huwag hangaring higitan ang iba, kundi kumilos para sa ikabubuti ng bawat isa" (Joseph Smith,Teachings of the Prophet Joseph Smith, pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 155).
32. Tingnan sa I Cor. 2:16; II Cor. 10:5.
33. "Ang taong pinakakatulad ni Cristo ang tunay na pinakadakila. Ang taimtim mong pagkakilala kay Cristo ang magpapasiya kung ano ka, kung ano ang ikikilos mo. . . . Sa pagpili sa Kanya bilang ating huwaran, lumilikha tayo sa ating sarili ng hangaring maging katulad Niya, na makasama Siya" (David O. McKay sa Conference Report, Abr. 1951, 93, 98). Kung iisipin lang ninyo Siya nang matagal, magsisimula kayong kumilos nang gaya Niya. Kung kikilos kayong gaya Niya nang matagal, tunay kayong matutulad sa Kanya.
34. Alma 37:36.
35. Alma 33:23.