The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Broadcast General Conference Archives
Conferences
Abril 2002
Ang Pagkakataong Maglingkod

Ang Pagkakataong Maglingkod

Elder Gerald N. Lund
Ng Pitumpu

Nalaman ko kung gaano Niya tayo kamahal, at kung gaano kaperpekto ang pagmamahal Niya para sa atin.

Elder Gerald N. Lund

Matapos ang 34 na taon sa Church Educational System, nagpasiya kaming mag-asawa na magretiro, tatlong taon na ang nakararaan, at magsimulang gumawa ng ibang bagay sa buhay. Noon kami nag-umpisang magplano. Lumipat kami ng tirahan para mapalapit sa aming mga anak at apo. Sinimulan ko ang sa palagay ko'y kahanga-hangang mga proyekto. Sa tingin ko'y napakagagaling ng ilan. At naganap ang isang pangyayaring nagpapabago sa buhay ng tao.

Nagkaroon kami ng pribilehiyo noon na tumira sa tapat ng bahay nina Elder F. Enzio Busche, na ngayo'y emeritus Seventy, at ng kanyang asawa. Isang araw ay si Elder Busche ang nagturo sa aming korum ng mga high priest, at binanggit niya ang isang talata sa aklat ni Alma kung saan hinangad ni Alma na maging kaboses ang isang anghel. Tapos ay kaagad pinagsisihan ni Alma ang damdaming iyon, at sa talata apat ay gumawa ng kakaibang pahayag. Sinabi niyang dapat tayong mag-ingat sa hangarin natin, dahil ipinagkakaloob sa atin ng Panginoon ang naisin ng ating puso. At kasunod nito'y ang kagila-gilalas na pahayag: "Maging ang mga ito man ay sa kaligtasan o sa pagkawasak." Ipagkakaloob sa atin ng Diyos, ayon sa ating kagustuhan, ang mga bagay na nais natin (tingnan sa Alma 29:1–5).

Umuwi ako nang araw na iyon—hindi dahil sa nadama kong may mali sa mga naisin ko—kundi dahil natanto ko sa sandaling iyon na ang mga naising iyon ayakin.Nang araw na iyon sinimulan kong sikaping ipaalam sa Panginoon na ang nais kong gawin ay ang sundin angKanyangnais. Kahit noon pa, akala ko'y ginagawa ko ito, pero nalaman kong madaling sabihin ito at mahirap gawin. Gaya ng sinabi ni Elder Maxwell kahapon, tanging kapag ipinaubaya natin ang ating puso sa Diyos Niya masisimulang pabilisin ang proseso ng pagdadalisay at pagperpekto (tingnan sa Hel. 3:35). Natuklasan namin sa loob ng tatlong taong lumipas mula noon na binago ng Panginoon ang aming gawain sa buhay nang di namin inaasahan, at ang tawag na ito ang pinakahuli.

Noon lang isang araw, matapos kaming tawaging mag-asawa ni President Hinckley, binasa ko ang aklat ng Deuteronomio at nakita ko ang isang talata sa ika-12 kabanata na naging makahulugan sa akin. Ito'y tila isang utos. Sabi ng Panginoon, "Kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay" (Deut. 12:18). Kami'y nagpapasalamat sa pribilehiyong ito na magalak sa Panginoon sa bagong oportunidad na ito.

Simula nang tahakin namin ang mga landas na iyon, nalaman namin kung gaano kaawain ang Diyos, kung gaano Niya tayo kamahal, at kung gaano kaperpekto ang pagmamahal Niya para sa atin. Noong 16 anyos ako at wala pang gaanong alam, naantig ng Espiritu ang aking puso at natanto ko ang kahalagahan ng babaing iyong pakakasalan. Simula noon nanalangin ako sa Panginoon na hanapan ako ng babaing magiging kasama ko sa kawalang hanggan. Sinagot ang mga dalanging iyon, at lahat ng tinatamasa namin sa pamilya namin ngayon kasama ang aming mga anak at apo ay dahil sa aking asawa.

Nalaman kong si Jesus ang ating Cristo, na ang awa Niya at ng Ama ay walang katapusan at di-nagmamaliw, kahit minsa'y di tayo nararapat. Noon pa ma'y mahal ko na ang Propetang Joseph Smith, at nagkaroon ako ng pribilehiyong gumugol ng mga 10 taon ng masusing pag-aaral ukol sa kanyang buhay, mga panulat, turo, at sa mga nakakilala at nagmahal sa kanya. Nalaman kong kakaiba siya sa lahat ng mga propeta, na siya ang nararapat magsagawa ng Pagpapanumbalik sa dakila at huling dispensasyong ito. At nalaman ko na ang ipinanumbalik niyang mga susi ay patuloy hanggang ngayon at nasasa ating buhay na propeta, na si Gordon B. Hinckley.

Muli, nagagalak kami sa oportunidad na ito na maglingkod. Lubos kaming napakumbaba at labis naming ikinararangal, at iniiwan ko ang patotoong iyan sa inyo sa pangalan ni Jesucristo, amen.

 
© 2008 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy