Elder William R. Walker
Ng Pitumpu
Mahal ko Siya. Gusto kong gawin ang lahat upang makapaglingkod ako gaya ng paglilingkod na nais Niyang gawin ko.
Minamahal kong mga kapatid, buong pagpapakumbaba at pasasalamat akong nakatayo sa banal na lugar na ito. Noong bata pa ako at kasalukuyang lumalaki sa Raymond, Alberta, Canada, gustung-gusto ko kapag inaawit namin ang, "Tutungo ako saanman, O Diyos" (tingnan saMga Himno, blg. 171). Ang mga salitang iyon, tuwing aawitin namin sa sakrament miting o Sunday School, ay nagpapaalab sa pangakong nasa aking puso at kaluluwa, na laging nais kong magtungo kung saan ako nais papuntahin ng Panginoon, na sabihin ang nais Niyang sabihin ko"Susundin ang Inyong utos" mahal na Panginoon. Ang pangakong iyo'y tila angkop banggitin muli ngayon.
Salamat sa boto ng pagsang-ayon kahapon, at tulad ninyo'y sinasang-ayunan ko si President Gordon B. Hinckley at ang kanyang mga tagapayo, sina President Monson at President Faust, at President Packer at ang lahat ng Labindalawa bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Nagpapatotoo ako na sila'y tunay na mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.
Mahal ko ang Panginoon. Mahal ko ang Simbahang ito. Mahal ko ang kahanga-hanga at matatapat na Banal sa buong mundo na ginagawa ang lahat upang igalang ang kanilang mga pangako at upang ipamuhay ang kanilang relihiyon. Pinatototohanan ko na buhay ang Diyos at si Jesucristo, na Kanyang Anak, ang ating Tagapagligtas at Manunubos. Mahal ko Siya. Gusto kong gawin ang lahat upang makapaglingkod gaya ng paglilingkod na nais Niyang gawin ko, at sinasabi ko ito at ibinibigay ko ang patotoo ko sa katunayan ng mga bagay na ito sa pangalan ni Jesucristo, amen.