President Thomas S. Monson
Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan
Ipakita sa inyong buhay ang apat na subok nang partikular na mga kabutihan: pagiging mapagpasalamat: kasabikang matuto; katapatan sa disiplina; at kahandaang magtrabaho.
Ang ganda ng narinig natin sa panguluhan ng Young Women, di ba? Sang-ayon ako at nawa'y sundin ninyo ang lahat ng narinig ninyo ngayon, mula sa magigiting na kababaihang ito. Tunay silang mga lingkod ng ating Ama sa Langit at naihatid nila ang Kanyang banal na salita.
"Ang kaligayahan," sa pagsulat ni Propetang Joseph Smith, "ang hangarin at layunin ng ating buhay; at siyang magiging katapusan, kung tatahakin natin ang landas na patungo dito; at ang landas na ito ay kabutihan, pagkamatwid, katapatan, kabanalan, at pagsunod sa lahat ng mga kautusan ng Diyos."1
Ngunit paano matatagpuan ng tao ang landas na iyon at, di lang 'yan, paano mananatili ang tao sa landas na patungo sa pagiging perpekto?
Sa klasikong aklat ni Lewis Carroll naAlice's Adventures in Wonderland, ay nakarating si Alice sa sangandaan, na may dalawang landas sa unahan, bawat isa'y may patutunguhan ngunit sa magkaibang direksiyon. Nakasalubong niya ang Cheshire Cat, at tinanong niya, "Aling landas ang aking pipiliin?"
Sagot ng pusa: "Depende sa kung saan mo gustong pumunta. Kung di mo alam kung saan mo gustong pumunta, hindi mahalaga kung aling landas ang pipiliin mo!"2
Di tulad ni Alice, alam ng bawat isa sa inyo kung saan n'yo gustong pumunta.Mahalagangmalaman ang landas na tatahakin mo, dahil ang landas na tinatahak mo sa buhay na ito ang aakay sa landas na tatahakin mo sa kabila.
Isang maindayog na tugtugin, na tanyag noon, ang may nakapupukaw na linya, "Kung sa pangarap iyo'y matutupad, patuloy kang mangarap nang problema'y lumipad." Isa pang pormula sa kabiguan ang mula sa isang awit nito lang, "H'wag mag-alala; magsaya ka!"
Ang tema natin ngayong gabi: "Tumayo Kayo sa mga Banal na Lugar," ay mas napapanahon. Natutuwa din ako sa sumunod na mga salita: "Tumayo kayo sa mga banal na lugar,at huwag matinag."3
Si President George Albert Smith, pangwalong pangulo ng Simbahan, ay nanghimok, "Tahakin natin ang lansangang patungo sa kaligayahan at sa kahariang selestiyal, hindi lang paminsan-minsan, kundi sa bawat araw, at bawat oras, dahil kung mananatili tayo sa panig ng Panginoon, kung mananatili tayo sa impluwensiya ng ating Ama sa Langit, hindi tayo matutukso ng kalaban. Ngunit kung pupunta tayo sa teritoryo ng diyablo . . . magiging malungkot tayo, at madaragdagan ang kalungkutang iyon sa paglipas ng mga taon maliban kung pagsisihan natin ang ating mga kasalanan at bumaling sa Panginoon."4
Sa pagsasalita sa mga kabataang lalaki sa Aaronic Priesthood, palagi kong binabanggit ang payo ng isang ama sa mahal niyang anak: "Kung matagpuan mo ang sarili mo sa lugar na di mo dapat kalagyanumalis ka!" Totoo rin ito sa inyong mga kabataang babae na narito ngayon sa Conference Center at sa inyo na nakatipon sa mga bahay-pulungan sa buong mundo.
Pakiramdam ko kapag nagsalita tayo nang pangkalahatan, bihira tayong magtagumpay; pero kapag tutukoy tayo ng bagay sa pagsasalita, halos di tayo mabibigo. Kung gayon, hinihimok ko kayong ipakita sa inyong buhay ang apat na subok nang, partikular na mga kabutihan. Ito ay:
1. Pagiging mapagpasalamat,
2. Kasabikang matuto,
3. Katapatan sa disiplina, at
4. Kahandaang magtrabaho.
Una, angpagiging mapagpasalamat. Sa aklat ni Lucas, kabanata 17, mababasa natin ang kuwento ng sampung ketongin. Ang Tagapagligtas, habang papuntang Jerusalem, ay dumaan sa Galilea at Samaria at pumasok sa isang nayon kung saan sinalubong Siya sa labas ng sampung ketongin na napilitan, dahil sa kanilang kalagayan, na humiwalay sa iba. Nakatayo sila sa "malayo" at sumigaw ng, "Jesus, Guro, maawa ka sa amin."
Ang Tagapaglitas, na puno ng awa at pag-ibig sa kanila, ay nagsabi, "Magsihayo kayo at kayo'y pakita sa mga saserdote," at habang papunta natuklasan nilang magaling na sila. Sinasabi sa atin ng banal na kasulatan, "At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig. At siya'y nagpatirapa sa paanan [ng Guro], na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano."
Sumagot ang Tagapagligtas, "Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam? Walang nagsibalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa. At sinabi niya sa kaniya, Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya."5
Dahil sa banal na tulong, ang mga ketongin ay naligtas sa malupit at nalalapit na kamatayan at nabigyan pa ng pagkakataong mabuhay. Ang pasasalamat na ipinakita ng isa ay naging marapat sa biyaya ng Guro, ang kawalan ng utang-na-loob ng siyam ay ikinalungkot Niya.
Tulad ng ketong noon ang mga salot sa ngayon. Nagtatagal ang mga ito; nagpapahina; sumisira. Makikita ang mga ito kahit saan. Walang tigil ang paglaganap nito. Kilala ang mga ito bilang pagkamakasarili, kasakiman, kalayawan, kalupitan, at krimen ilan lamang ang mga nabanggit kong ito.
Sa isang kumperensya ng rehiyon, si President Gordon B. Hinckley ay nagsabi: "Nabubuhay tayo sa mundong napakarumi. Nagkalat ito. Nasa lansangan. Nasa telebisyon. Nasa mga aklat at magasin. Parang baha ito, pangit, marumi, at masama, na lumulukob sa daigdig. Dapat nating lupigin ito. . . . Nawawala na ang moral na pamantayan ng mundo. Kapahamakan lang ang dulot nito. Ang landas sa kaligayahan ay nasa pagbabalik sa matatag na pamilya at pagsunod sa mga moral na pamantayan, na subok nang mahalaga sa paglipas ng mga daantaon."6
Sa pagsunod sa payo ni President Hinckley ay magagawa natin itong kahanga-hangang panahon ng pamumuhay dito sa mundo. Walang hangganan ang ating mga oportunidad. Maraming bagay na tamagaya ng mga gurong nagtuturo, kaibigang tumutulong, pagsasama ng mag-asawa na tumatagal, at mga magulang na nagsasakripisyo.
Pasalamatan ang inyong ina, ama, pamilya at mga kaibigan. Pasalamatan ang mga guro ninyo sa Young Women. Mahal nila kayo, ipinagdarasal nila kayo, naglilingkod sila sa inyo. Mahalaga kayo sa paningin nila at ng inyong Ama sa Langit. Dinirinig Niya ang inyong mga panalangin. Ipinadarama Niya sa inyo ang Kanyang kapayapaan at pagmamahal. Manatiling malapit sa Kanya at sa Kanyang Anak, at hindi kayo lalakad nang mag-isa.
Pangalawa, ang kasabikang matuto.
Sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo, "Huwag hamakin ng sinoman ang iyong
kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya."7
Si President Stephen L. Richards, na tagapayo sa Unang Panguluhan noon, ay malalim mag-isip. Sabi niya, "ang pananampalataya at pag-aalinlangan ay hindi iiral sa iisang isipan sa iisang panahon dahil iwawaksi ng mga ito ang isa't isa." Ang payo ko'y hangarin ang pananampalataya at iwaksi ang pag-aalinlangan.
Ipinayo ng Panginoon, "Maghanap kayo sa mga pinakamabubuting aklat ng mga salita ng karunungan; maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya."8
Mahahanap natin ang katotohanan sa mga banal na kasulatan, sa turo ng mga propeta, sa tagubilin ng ating mga magulang, at sa inspirasyong dumarating sa atin habang nananalangin tayo at humihingi ng tulong sa Diyos.
Kailangan tayong maging tapat sa ating mga minimithi, dahil ang mga minimithi ay tulad ng mga bituin; 'di mo 'to mahahawakan, ngunit sa pagsunod sa mga ito'y mararating mo ang iyong paroroonan.9
Marami sa inyong mga guro ang narito ngayong gabi. Tiwala akong lapat ang bawat guro sa paglalarawan sa kanila: "Lumikha siya sa kanyang silid-aralan ng kapaligirang puno ng mainit na pagtanggap at pagmamahal; kung saan ang pag-unlad at pagkatuto, ang pagkamalikhain ng isipan, at ng espiritu ng kabataan ay nabibigyang katiyakan."10
Pangatlo, talakayin natin angkatapatan sa disiplina.
Binigyan tayo ng ating Ama sa Langit ng kapangyarihang mag-isip at mangatwiran at magpasiya. Dahil may gayong kapangyarihan, kailangan ng disiplina sa sarili.
Responsibilidad ng bawat isa sa atin ang pumili. Marahil naitatanong n'yo, "Talaga bang mahalaga ang mga desisyon?" Sinasabi ko sa inyo na ang mga desisyon ang nagtatakda ng kapalaran. Hindi kayo makagagawa ng walang hanggang desisyon nang hindi ito nagkakaroon ng epekto sa walang hanggan.
Hayaan ninyong magbigay ako ng pormula na maaaring maging sukatan ng mga pagpiling ginagawa ninyo. Madaling tandaan ang: "Hindi ka matatama sa paggawa ng mali; hindi ka mamamali sa paggawa ng tama." Palagi kang binabalaan ng iyong konsiyensiya bilang kaibigan bago ka nito parusahan bilang hukom.
Ang Panginoon, sa paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith na Propeta ay nagpayo, "Ang yaong hindi nakapagpapatibay ay hindi sa Diyos, at ito ay kadiliman. Yaong sa Diyos ay liwanag."11
May ilang hangal na hindi pumapansin sa karunungan ng Diyos at sumusunod sa pang-aakit ng pabagu-bagong uso, ng huwad na kabantugan, at kasiyahan ng panahong ito. Kailangan ng lakas ng loob para isipin ang tama, piliin ang tama, at gawin ang tama, dahil ang gayong landas ay bihirang maging pinakamadaling sundin, kung sakali man.
Ang pakikibaka sa disiplina sa sarili ay maaaring mag-iwan sa inyo ng kaunting pasa at galos ngunit lagi kayong iiwan na mas mabuting tao. Ang disiplina sa sarili ay talagang mahigpit na proseso; nais ng marami sa atin na maging madali at di mahirap ito. Sakaling magkaroon ng kaunting sagabal, ang napakalaking bahagi ng ating pakikibaka sa disiplina sa sarili ay ang determinasyon at lakas ng loob na magsikap muli.
Mahal kong mga kapatid, wala akong alam na mas totoong paglalarawan sa inyo maliban sa ipinahayag ng Unang Panguluhan noong Abril 6, 1942: "Napakaluwalhati at napakalapit sa mga anghel ng kabataan na malinis. Ang kabataang ito'y may kagalakang di maipaliliwanag dito at ligaya maging sa kawalang hanggan."12
Buhay na walang hanggan sa kaharian ng ating Ama ang ating mithi, at tiyak na kakailanganin ang disiplina sa sarili para makamit ito.
Panghuli, linangin natin angKahandaang Magtrabaho.Si President J. Reuben Clark, na tagapayo noon sa Unang Panguluhan ay nagsabi: "Naniniwala akong narito tayo para magtrabaho, at naniniwala akong di natin ito matatakasan. Palagay ko'y kailangan nating malaman ang kahalagahan ng pagtatrabaho sa lalong madaling panahon. Kailangan tayong magtrabaho para magtagumpay o para sumulong. Walang ibang paraan."13
Ang "Lakas mo ay idagdag, gumawa"14ay hindi lang linya mula sa paboritong himno; ito'y panawagan sa paggawa.
Marahil makatutulong ang isang halimbawa. Ang pagpapaliban ay talagang magnanakaw ng oraslalo na kapag tungkol sa pagtatrabahong mabuti. Ang sabi ko'y kailangan ninyong mag-aral na mabuti habang naghahanda kayo para sa mga pagsusulit sa paaralan, at, siyempre, sa pagsusulit ng buhay.
May kilala akong estudyante sa unibersidad na masyadong abala sa kasiyahan ng buhay estudyante kung kaya ipinaliban ang paghahanda para sa isang eksamin. Nang gabi bago iyon, natanto niyang huli na at di pa siya nakapaghanda. Nangatwiran siyang, Alin ang mas mahalagaang kalusugan ko, na nagsasabing kailangan kong matulog, o ang pagpapakahirap na mag-aral? Siguro naman alam na ninyo ang kinalabasan. Nanalo ang pagtulog, natalo ang pag-aaral, at bumagsak siya sa pagsusulit. Kailangan tayong magtrabaho.
Ito, kung gayon, ang mungkahing pormula:
1. Pagiging mapagpasalamat,
2. Kasabikang matuto,
3. Katapatan sa disiplina, at
4. Kahandaang magtrabaho.
Darating sa buhay ng bawat isa ang sandali ng kabiguan at kailangan ng patnubay mula sa langitkahit na sa di-mabigkas na paghingi ng tulong. Buong puso ko't kaluluwang pinatototohanan sa inyo na mahal kayo ng ating Ama sa Langit, na nagmamalasakit siya sa inyo at di Niya kayo pababayaan.
Hayaan ninyong ilarawan ko ito sa isang personal at mahalaga kong karanasan. Maraming taon akong dinala ng aking tungkulin sa bahagi ng Germany na nasa likod ng tinawag na Iron Curtain. Sa ilalim ng pamamahala ng Komunista, halos nawala ang lahat ng kalayaan ng mga nanirahan sa lugar na iyon ng Germany. Nilimitahan ang mga aktibiti ng ating kabataan; lahat ng kilos ay minamanmanan.
Matapos kong simulan ang aking panunungkulan sa lugar na iyon, dumalo ako sa pinakamasiglang kumperensyang ginanap sa bahaging iyon ng Germany. Kasunod ng may-inspirasyong awitin at ng binigkas na salita, nakadama ako ng impresyon na makipagkita sandali sa mga tinedyer sa labas ng lumang gusali. Kakaunti lang sila ngunit nakinig sila sa bawat salitang binitiwan ko. Uhaw sila sa salita at panghihimok ng isang Apostol ng Panginoon.
Bago dumalo sa kumperensya, at bago umalis sa Estados Unidos, nadama kong dapat akong bumili ng tatlong kahon ng babolgam. Tatlong klase ang binili ko: Doublemint, Spearmint, at Juicy Fruit. At habang papatapos na ang pagtitipon ng mga kabataan, namigay ako ng dala-dalawa sa bawat kabataanisang bagay na di pa nila natitikman. Tinanggap nila ang regalo nang may galak.
Lumipas ang mga taon. Bumalik ako sa Dresdenang lugar na pinagdausan noon ng kumperensya. May mga kapilya na tayo roon ngayon; malaya na ngayon ang mga tao. May templo na sila. Ang Germany ay di na nahahati ng magkaibang kampo sa pulitika. Iisang bansa na ito ngayon. May-edad na ang mga kabataan, at may sarili nang mga anak.
Kasunod ng malaki at nakapagbibigay inspirasyong kumperensya, hinanap ako ng isang ina at ng kanyang anak na babae para makausap. Ang anak, na kaedad ninyo at marunong ng kaunting Ingles, ay nagsabi sa akin, "President Monson, naaalala pa ba ninyo nang magdaos kayo noon ng maikling pagtitipon ng kabataan kasunod ng isang kumperensya ng distrito, kung saan namigay kayo sa bawat bata ng tig-dalawang babolgam?"
Sagot ko'y, "Oo, naaalala ko pa."
Patuloy niya, "Isa po ang nanay ko sa mga binigyan ninyo ng regalong iyon. Sinabi niya sa akin na pinutul-putol pa niya ang isang piraso ng babolgam. Sinabi niya kung gaano katamis at napakahalaga nito sa kanya." At sa nakangiting pagsang-ayon ng kanyang mahal na ina ay iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon. Nang buksan ko ang takip ng kahon, nakita ko roon ang isa pang babolgam, na may balat pa makaraan ang halos dalawampung taon. "Gusto po namin ni inay na ibigay ito sa inyo," aniya.
Dumaloy ang mga luha, kasunod ang mga pagyakap.
Tapos ay kinausap ako ng ina: "Bago kayo nagpunta sa aming kumperensya maraming taon na ngayon ang lumipas, nanalangin ako sa aking Ama sa Langit na malaman na talagang nagmamalasakit Siya sa akin. Itinago ko ang regalong iyon para maalaala at maituro ko sa aking anak na dinirinig ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin."
Hawak ko ngayong gabi sa inyong harapan ang regalong iyonang simbolo ng pananampalataya at katiyakan ng banal na tulong na ibibigay sa inyo ng ating Ama at ng Kanyang Anak na si Jesucristo.
Ngayong gabi ng Paskua, nawa'y ibaling natin ang ating isipan sa Kanya na nagbayad-sala sa ating mga kasalanan, na nagturo sa atin ng landas kung paano mabuhay, paano magdasal, at nagpakita sa Kanya mismong kilos kung paano gawin iyon. Isinilang sa isang kuwadra, inaruga sa sabsaban, ang Anak na ito ng Diyosmaging si Jesucristo na Panginoonay tumatawag sa bawat isa sa atin na sundin Siya. "Ligayang aking matalos: 'Buhay ang aking Manunubos!'"15Sa pangalan ni Jesucristo, amen.
MGA TALA
1. Teachings of the Prophet Joseph Smith,inedit ni Joseph
Fielding Smith (1970), 25556.
2. Hinalaw mula sa Lewis Carroll,Alice's Adventures in Wonderland(1992), 76.
3. D at T 87:8; idinagdag ang pagbibigay-diin.
4. Sa Conference Report, Abr. 1944, 3132.
5. Lucas 17:1119.
6. Berlin Germany Regional Conference, Hunyo 16, 1996.
7. I Kay Timoteo 4:12.
8. D at T 88:118.
9. Tingnan sa Carl Schurz, 1859, sa tinipon ni John Bartlett,Familiar Quotations, ika-15 edisyon. (1980), p. 602.
10. Mula sa Grand Street Boys Club and Foundation, na sinipi saNew York Times.
11. D at T 50:2324.
12. Sa James R. Clark Jr., tinipon,Messages of the First Presidency of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints,6 na tomo (196575), 6:150.
13 J. Reuben Clark, Jr.,WorkWork Always!BYU Speeches of the Year (ika-25 ng Mayo 1960), 4.
14. Will L. Thompson, "Lakas Mo ay Idagdag,"Mga Himno, blg. 154.
15. Samuel Medley, "Buhay ang Aking Manunubos,"Mga Himno, blg. 78.