Elder Joseph B. Wirthlin
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
Yaong sa pamamagitan ng pananampalataya ay iniiwan ang kanilang mga lambat at sumusunod sa Tagapagligtas ay makararanas ng galak na higit pa sa kakayahan nilang makaunawa.
Sila ay mga mamamalakaya bago nila narinig ang panawagan. Sa pagpupukol ng kanilang mga lambat sa dagat ng Galilea, sina Pedro at Andres ay napatigil nang si Jesus ng Nazaret ay lumapit, tumitig sa kanilang mga mata, at nagsalita ng payak na mga kataga. "Magsisunod sa akin." Sumulat si Mateo na ang dalawang mamamalakaya "pagdaka'y iniwan ang [kanilang] mga lambat, at nagsisunod sa kaniya."
Pagkatapos lumapit ang Anak ng Tao sa dalawang iba pang mamamalakaya na nasa isang daong kasama ang kanilang ama, na kinukumpuni ang kanilang mga lambat. Tumawag sa kanila si Jesus, "At pagdaka't iniwan [ni Santiago at Juan] ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod [sa Panginoon.]"1
Minsan ba nag-isip kayo kung paano mabuhay sa pahanon ng Tagapagligtas? Kung naroon kayo, tumalima kaya kayo sa Kanyang panawagan na: "Magsisunod sa akin!"
Marahil, ang isang tanong na higit na naaayon sa reyalidad ay, "Kung mananawagan ang Tagapagligtas sa inyo ngayon, magiging handa rin ba kayong iwan ang inyong mga lambat at sumunod sa Kanya?" Naniniwala akong marami ang susunod.
Ngunit para sa ilan, ito ay maaaring hindi isang madaling pasiya. Napagtanto ng ilan na ang mga lambat, dahil sa likas nitong katangian, ay hindi madaling iwan kung minsan.
Ang mga lambat ay may iba't-ibang laki at hugis. Ang mga lambat na iniwan nina Pedro, Andres, Santiago, at Juan ay mga bagay na nahahawakanmga kasangkapan na katulong sa kanilang hanap-buhay.
Naiisip natin kung minsan na ang apat na kalalakihang ito ay mga simpleng mamamalakayang hindi gaanong nagsakripisyo nang kanilang iwan ang kanilang mga lambat upang sumunod sa Tagapagligtas. Kabaligtaran ito, gaya ng pagpansin ni Elder James E. Talmage saJesus the Christ, sina Pedro, Andres, Santiago, at Juan ay magkakasosyo sa isang maunlad na negosyo. Sila "ang nagmamay-ari ng kanilang daong at nagbigay ng trabaho sa ibang kalalakihan." Ayon kay Elder Talmage, si Simeon Pedro, "ay may kaya sa mga materyal na bagay; at nang minsan ay magsalita siyang kanyang iniwan ang lahat upang sumunod kay Jesus, hindi itinanggi ng Panginoon na ang sakripisyo ni Pedro sa mga pag-aaring materyal ay . . . napakalaki."2
Kinalaunan, ang lambat ng kayamanan ang sumilo sa isang mayamang kabataang lalaki na nagsabing sinunod niya ang lahat ng kautusan mula sa kanyang pagkabata. Nang tanungin niya ang Tagapagligtas kung ano pa ang dapat niyang gawin upang makamtan ang buhay na walang hanggan, sinabi ng Maestro, "Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin." Nang marinig ito ang kabataang lalaki, "ay yumaon siyang namamanglaw; sapagka't siya'y isang may maraming pagaari."3
Ang mga lambat, sa pangkalahatan, ay binibigyang kahulugan bilang mga gamit para hulihin ang isang bagay. Sa isang makitid, ngunit higit na mahalagang pagkakaunawa, maaari nating bigyang kahulugan ang lambat bilang isang bagay na nang-aakit o pumipigil sa atin sa pagsunod sa panawagan ni Jesucristo, ang Anak ng Diyos na buhay.
Ang mga lambat, sa ganitong pagkakaunawa, ay maaaring ang ating mga trabaho, mga libangan, mga katuwaan, at higit sa lahat ng bagay, ang ating mga tukso at mga kasalanan. Sa madaling salita, ang isang lambat ay anumang bagay na humihila sa atin palayo sa ating Ama sa Langit o sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan.
Hayaan ninyong magbigay ako ng isang makabagong halimbawa. Ang kompyuter ay maaaring maging isang kapapakinabang at kailangang-kailangang gamit. Ngunit, kung hahayaan natin itong kainin ang ating oras sa mga walang kuwenta, walang kapakinabangan, at kung minsan ay mga mapanirang gawain, ito ay nagiging isang nakasasalabid na lambat.
Marami sa atin ang mahilig manood ng mga laban sa palakasan, ngunit kung naaalala natin ang estadistika ng ating mga paboritong manlalaro at kasabay nito ay nakakalimutan ang mga kaarawan o mga anibersaryo, napapabayaan ang ating mga pamilya, o maaaring nababale-wala ang mga pagkakataong makagawa ng paglilingkod na gaya ng kay Cristo, samakatwid ang palakasan ay maaari ding maging isang nakasasalabid na lambat.
Mula panahon ni Adan, ang sangkatauhan, sa pamamagitan ng pawis ng kanyang mukha, ay kumikita ng makakain sa araw-araw. Ngunit kung nagiging labis tayong abala sa trabaho hanggang sa mapapabayaan na natin ang ating espirituwalidad, ang trabaho ay maaari ding maging isang nakasasalabid na lambat.
Ang ilan ay nasilo sa lambat ng labis na pagkakautang. Ang lambat ng tubo ng utang ay mabilis na gumagapos sa kanila at kinakailangan nilang ipagbili ang kanilang panahon at lakas upang matugunan ang paghahabol ng mga nagpautang. Kanilang isinusuko ang kanilang kalayaan at nagiging mga alipin ng sa-rili nilang kalayawan.
Imposibleng maitala ang maraming lambat na maaaring makasilo sa atin at pumigil sa atin na sumunod sa Tagapagligtas. Ngunit kung taos puso tayo sa ating paghahangad na sumunod sa Kanya, kailangang kaagad nating iwan ang nakasasalabid na mga lambat ng sanglibutan at sumunod sa Kanya.
Wala akong alam na iba pang panahon sa kasaysayan ng daigdig na punung-puno ng iba't ibang nakasasalabid na mga lambat. Ang ating buhay ay kaagad na napupuno ng mga tipanan, pakikipagpulong, at mga gawain. Napakadaling masilo ng napakaraming lambat at kung minsan, ang mungkahi na kumawala tayo sa mga ito ay maaaring nakababahala o nakakatakot pa para sa atin.
Kung minsan, naiisip natin na habang lalo tayong nagiging abala, lalo tayong nagiging mahalagana tila ba ang "pagiging abala" ang sukatan ng ating halaga. Mga kapatid, maaari nating igugol ang buong buhay sa pagmamadaling magawa ang mga nakatalang walang katapusang mga bagay na sa huli ay wala ring halaga.
Na marami tayong nagagawa ay maaaring hindi gaanong mahalaga. Na ating ituon ang lakas ng ating mga isip, ating mga puso, at ating mga kaluluwa sa yaong mga bagay na may kahalagahan sa kawalang hangganito ang kailangang-kailangan.
Habang napapaligiran tayo ng kaingayan at kaabalahan ng buhay, nakaririnig tayo ng mga sigaw na "halika dito" at "pumunta ka doon." Sa gitna ng ingay at mapanuksong mga tinig na nakikipag-agawan sa ating panahon at interes, may nag-iisang tao na nakatayo sa mga baybayin ng Dagat ng Galilea na banayad na nananawagan sa atin: "Magsisunod sa Akin."
Napakadaling mawala sa balanse ang ating buhay. Naaalaala ko ang ilang mga taon na lubos na mapanghamon para sa akin. Nagkaroon ang aming pamilya ng pitong anak. Naglingkod ako bilang tagapayo sa bishopric at pagkatapos ay nabigyan ng sagradong katungkulan na maging bishop ng aming ward. Nagsumikap akong patakbuhin ang aming negosyo na nangailangan ng mahabang oras bawat araw. Nagbibigay pugay ako sa aking kahanga-hangang kabiyak na palaging nagbibigay sa akin ng pagkakataon na makapaglingkod sa Panginoon.
Sadyang napakaraming dapat gawin sa kakaunting panahon. Sa halip na isakripisyo ang mahahalagang bagay, ipinasiya kong gumising nang maaga, gawin ang aking negosyo, at pagkatapos ay gumugol nang kinakailangang panahon upang maging isang mabuting ama at asawa, at isang matapat na miyembro ng Simbahan. Hindi ito madali. May mga umagang tumutunog ang orasang panggising at bubuksan ko ang isang mata at tititigan ito, na tila hinahamon itong kumiriring nang kumiriring.
Gayunman, mahabagin ang Panginoon at tinulungan akong makasumpong ng lakas at panahon upang gawin ang lahat ng naipangako kong gawin. Bagama't mahirap ito, hindi ko kailanman pinagsisihan ang pagpili na dinggin ang panawagan ng Tagapagligtas at sumunod sa Kanya.
Isipin ang utang natin sa Kanya. Si Jesus ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay: "ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayun ma'y mabubuhay siya."4May mga yaong mayroong malaking kayamanan, gayun man ay ibibigay nila ang lahat madagdagan lamang ng mga taon, mga buwan, o kahit na mga araw ang kanilang buhay na mortal. Ano ang nahahanda nilang ibigay para sa buhay na walang hanggan?
May mga yaong ibibigay ang lahat na mayroon sila upang makaranas ng kapayapaan. "Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha," nagturo ang Tagapagligtas, "at kayo'y aking papagpahingahin."5Ngunit hindi lamang kapayapaan ang ipinangangako ng Tagapagligtas sa mga yaong tumutupad sa Kanyang mga kautusan at nagtitiis hanggang sa wakas, kundi buhay na walang hanggan "Kung aling kaloob ay pinakadakila sa lahat ng kaloob ng Diyos."6
Dahil sa Tagapagligtas, tayo ay mabubuhay magpakailanman. Ang imortalidad ay nangangahulugan na hindi tayo kailanman mamamatay. Ngunit ang buhay na walang hanggan ay nangangahulugan na tayo ay mabubuhay magpakailanman sa dinakilang kalagayan kasama ng mga yaong pinakamamahal natin, na puspos ng matinding pag-ibig, pambihirang galak, at kaluwalhatian.
Walang anumang halaga ng salapi ang maaaring makabili ng ganitong dinakilang kalagayan. Ang buhay na walang hanggan ay isang kaloob mula sa isang mapagmahal na Ama sa Langit na iniaalok nang walang bayad at may kaluwagan sa lahat ng makikinig sa panawagan ng Lalaki ng Galilea.
Sa kasawiang-palad, marami ang nasasalabid sa kanilang mga lambat kaya't di nakapakikinig sa panawagan. Ipinaliwanag ng Tagapagligtas na "Datapuwa't hindi kayo nagsisisampalataya, sapagka't hindi kayo sa aking mga tupa. . . . Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin."7
Paano tayo susunod sa Tagapagligtas? Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paniniwalang ang mapagmahal na Diyos ay nakikipag-talastasan pa rin sa mga tao sa araw na ito.
Sumusunod tayo sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsisisi sa ating mga kasalanan, sa pagdaranas ng pagdadalamhati dahil sa mga ito at sa pagwaksi sa mga ito.
Sumusunod tayo sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng paglusong sa tubig ng pagbibinyag at pagtanggap ng kapatawaran sa ating mga kasalanan, sa pamamagitan ng pagtanggap ng kaloob na Banal na Espiritu at sa pagpapahintulot na tagubilinan, gabayan, at aliwin tayo ng impluwensiya nito.
Paano tayo susunod sa Tagapagligtas? Sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya. Siya at ang ating Ama sa Langit ay nagbigay sa atin ng mga kautusanhindi upang parusahan o pahirapan tayokundi tulungan tayo na makatamo ng buong galak, sa buhay na ito at sa mga kawalang hanggang darating, magpakailanman.
Kabaligtaran nito, kung tayo ay nananatili sa ating mga kasalanan, sa ating mga layaw, at kung minsan sa inaakala nating mga pananagutan; tumututol sa impluwensiya ng Banal na Espiritu; at isinasaisang tabi ang mga salita ng propeta, tumatayo tayo sa baybayin ngsarilinating Galilea, na nasasabiran nang mahigpit ng mga lambat. Masusumpungan natin ang mga sariling hindi maiwan ang mga ito at sumunod sa buhay na Cristo.
Ngunit ang Pastol ay nananawagan sa bawat isa sa atin sa araw na ito. Makikilala ba natin ang tinig ng Anak ng Diyos? Susunod ba tayo sa Kanya?
Maaari bang magbigay ako ng babala? May mga yaong nag-aakala na kapag tayo ay sumunod sa Tagapagligtas, ang ating mga buhay ay makalalaya sa mga alalahanin, sakit, at takot. Hindi ito ganito! Ang Tagapagligtas mismo ay tinaguriang tao ng kapanglawan.8Ang sinaunang mga disipulo na sumunod kay Jesucristo ay nakaranas ng matitinding pag-uusig at mga pagsubok. Hindi naiba si Joseph Smith. O ang naunang mga Banal dito sa huling dispensasyon. At hindi rin naiiba sa ngayon.
Nagkaroon ako ng natatanging pagkakataon na makausap ang isang babae na nakinig sa panawagan ng Tagapagligtas noong siya ay 18 taong gulang. Ang kanyang ama, na isang mataas na opisyal sa ibang simbahan, ay nagalit sa kanya at pinagbawalan siyang mabinyagan. Ipinabatid ng kanyang ama sa kanya na kapag siya ay naging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, siya ay itatakwil ng kanyang pamilya.
Bagamat napakalaki ng kanyang sakripisyo, ang babaeng ito ay nakinig sa panawagan ng Tagapagligtas at lumusong sa tubig ng pagbibinyag.
Hindi matanggap ng kanyang ama ang kanyang pasiya, gayunman, at tinangka siyang pilitin na lisanin ang bago niyang pananampalataya. Ang kanyang ama at ang asawa nito ay nilait siya dahil sa kanyang pasiya na maging miyembro ng Sim- bahan at ipinag-utos na kanyang talikuran at layuan ang kanyang bagong relihiyon.
Sa kabila ng pagkapoot, kapaitan, at panghahamak, nanatiling malakas ang kanyang pananampalataya. Kanyang tiniis ang mga abusong berbal at emosyonal dahil batid niya na kanyang dininig ang panawagan ng Tagapagligtas at na susunod siya sa Kanya anupaman ang kalalabasan.
Kinalaunan, ang kabataang babaeng ito ay nakakita ng isang ligtas na matutuluyan, isang kanlungan sa piling ng isang mabait na miyembro, na malayo sa mga pagbabanta at pag-aalipusta ng kanyang ama.
Nakatagpo siya ng isang matapat na kabataang lalaki at silang dalawa ay nakasal sa templo, at tinanggap ang natatanging mga pagpapala na kaakibat ng kasal sa templo.
Ngayon, kabilang siya sa napakaraming nagsakripisyo nang labis upang sumunod sa panawagan ng Panginoon.
Oo, hindi ko sinasabing magiging madali ang daan. Ngunit ibinabahagi ko sa inyo ang aking patotoo na ang mga yaong sa pamamagitan ng pananampalataya ay iniiwan ang kanilang mga lambat at sumusunod sa Tagapagligtas ay makararanas ng galak na higit pa sa kakayahan nilang makaunawa.
Habang aking nakikilala ang kahanga-hangang mga miyembro ng Simbahang itomatanda o batalumalakas ang aking loob at napupuspos ako ng pasasalamat para sa katapatan ng mga yaong nakinig sa panawagan ng Panginoon at sumunod sa Kanya.
Halimbawa, isang manggagawa sa pagawaan ng bakal ang sumunod kay Cristo. Araw-araw, sa loob ng mahigit tatlong dekada, kanyang binasa ang kanyang banal na kasulatan sa oras ng pananghalian habang tinutuya siya ng kanyang mga katrabaho. Ang isang pitumpong taong gulang na balo na nasa wheelchairna pinasisigla ang lahat ng dumalaw sa kanya at hindi nakalilimot na sabihin sa kanila kung gaano siya kapaladay sumusunod sa Tagapagligtas. Ang bata na naghahangad sa pamamagitan ng panalangin na makipagtalastasan sa Maestro ng sansinukob, ay sumusunod sa Tagapagligtas. Ang isang mayamang miyembro na naghahandog nang sagana sa Simbahan at sa kanyang kapwa tao, ay sumusunod sa Tagapagligtas.
Kung si Jesus ang Cristo ay tumayo sa mga baybayin ng Galilea 2,000 taon na ang nakararaan, gayon din namang nakatayo Siya ngayon at nagpapalabas ng ganoon ding panawagan na kanyang ibinigay sa mga yaong matapat na mamamalakaya at ngayon ay sa lahat ng makikinig sa Kanyang tinig, "Magsisunod sa akin!"
May mga lambat tayong dapat bantayan at mga lambat na dapat kumpunihin. Ngunit kung ang Maestro ng karagatan, lupa, at langit ay mananawagan sa atin, "Magsisunod sa akin," dapat nating iwan ang nakasasalabid at makamundong mga lambat at sundan ang kanyang mga yapak.
Aking mga kapatid, nagagalak kong ipinahahayag na ang ebanghelyo ay minsan pang ipinanumbalik! Nabuksan ang langit sa Propetang Joseph Smith at kanyang nakita at nakausap ang Diyos, ang Ama, at ang Kanyang Anak, si Jesucristo. Sa ilalim ng pamamatnubay at pagtuturo mula sa mga makalangit na katauhan, ang walang hanggang mga katotohanan ay minsan pang pinanumbalik para sa tao!
Sa ating panahon, isa pang dakilang propeta ang nabubuhay na sa araw-araw ay nagdaragdag ng kanyang patotoo sa mga banal na katotohanang ito. Si Pangulong Gordon B. Hinckley ay tumatayo sa kanyang sagradong katungkulan bilang tagapagsalita ng walang hanggang Diyos. Sa kanyang tabi ay nakatayo ang kanyang marangal na mga tagapayo at ang Korum ng Labindalawang Apostol at ibang Pangkalahatang Awtoridad, na ang bawat isa ay idinadagdag ang kanyang tinig upang ipahayag ang maluwalhati at nakagagalak na balita: ang walang hanggang ebanghelyo ay minsan pang ipinanumbalik para sa tao!
Si Jesus ang Cristo ay "ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: [sinoman] ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan [Niya]."9Bilang isang natatanging saksi para sa Kanya, nagbibigay patotoo ako sa inyo sa araw na ito na darating ang panahon na ang bawat lalaki, babae, at bata ay titingin sa mapagmahal na mga mata ng Panginoon. Sa araw na iyon, mababatid natin nang may katiyakan ang halaga ng ating pasiya na pagdaka'y sumunod sa Kanya.
Na ang bawat isa sa atin ay makinig nawa sa panawagan ng Maestro na pagdaka'y iwan ang ating mga nakasasalabid na lambat at may kagalakang sumunod sa Kanya ang siya kong masidhi na panalangin sa pangalan ni Jesucristo, amen.
MGA TALA
1. Tingnan sa Mateo 4:1822.
2. (1916), 218.
3. Mateo 19:2122.
4. Juan 11:25.
5. Mateo 11:28.
6. D at T 14:7.
7. Juan 10:2627.
8. Tingnan sa Isa. 53:3; Mosias 14:3.
9. Juan 14:6.