The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Broadcast General Conference Archives
Conferences
Abril 2002
Ulat ng Departamento ng Awdit ng Simbahan

Ulat ng Departamento ng Awdit ng Simbahan

Iniharap ni Wesley L. Jones
Nangangasiwang Direktor, Departamento ng Awdit ng Simbahan

Wesley L. Jones
Para sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Minamahal na mga kapatid: Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay mayroong umiiral, kumikilos ayon sa mataas na pamantayan na isang departamento ng awdit. Ang departamento ng awdit ay hiwalay sa iba pang mga departamento at operasyon ng Simbahan. Regular na nag-uulat ang nangangasiwang direktor ng Departamento ng Awdit ng Simbahan mismo sa Unang Panguluhan. Binubuo ang Departamento ng Awdit ng Simbahan ng mga sertipikadong panloob na awditor sa mga sistema ng impormasyon, at iba pang kwalipikado at may kredensiyal na mga propesyonal.

Sa pag-uutos ng Unang Panguluhan, may karapatan ang Departamento ng Awdit ng Simbahan na mag-awdit ng lahat ng departamento, gawain, at operasyon ng Simbahan sa buong daigdig at magkaroon ng karapatang buklatin ang lahat ng talaan, tala, at ulat sa pananalapi, empleyado, pasilidad, at mga pisikal na ari-arian na kailangan sa pag-awdit ng mga ambag, gugulin, at mga mapagkukunan. Ang pagiging delikado ang pangunahing batayan sa pagpili at paggawa ng mga awdit.

Ang mga pinaggugulan ng mga pondo ng Simbahan para sa taong nagtatapos sa ika-31 ng Disyembre 2001 ay pinahintulutan ng Kapulungan ng Paggugol ng Ikapu. Binubuo ang kapulungan ng Unang Panguluhan, ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ng Presiding Bishopric, tulad ng isinasaad sa paghahayag. Ang paggugol ng sinang-ayunang laang-gugulin ay pinangangasiwaan ng Departamento ng Laang-gugulin at pananalapi sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Komite ng paglalaan at Laang-gugulin. Inaawdit at inuulat ang paggugol ng mga sinang-ayunang laang-gugulin.

Batay sa aming pad-aawdit, sa opinyon ng Departamento ng Awdit ng Simbahan, sa lahat ng aspetong materyal, ang mga ambag na tinanggap at ginugol sa taong nagtatapos sa ika-31 ng Disyembre 2001 ay pinangangasiwaan ayon sa sinang-ayunang gabay sa pagbabadyet at mga itinatag na mga patakaran at paraan ng Simbahan.

Ang mga pinansyal na gawain ng mga organisasyong kaugnay sa Simbahan, na pinatatakbong hiwalay sa Simbahan, ay hindi inawdit ng Departamento ng Awdit ng Simbahan sa taong 2001. Kabilang sa mga organisasyong ito ang Deseret Management Corporation at ang mga sangay nito at ang Brigham Young University at iba pang institusyon para sa mataas na edukasyon. Gayunman, ang mga pinansyal na gawain ng mga organisasyong ito ay inawdit ng hiwalay na kumpanyang nagsasagawa ng pampublikong pag-aawdit. Bukod pa riyan, tiniyak ng Departamento ng Awdit ng Simbahan na ang naaangkop na pag-uulat ng mga resulta ng mga awdit na ito ay isinagawa ng bawat komite sa awdit ng organisasyon.

Buong galang na iniharap,

DEPARTAMENTO NG AWDIT

Wesley L. Jones

Nangangasiwang Direktor

Ika-1 ng Abril 2002

 
© 2008 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy