Pangulong Thomas S. Monson
Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan
Mga kapatid, hiniling ni Pangulong Hinckley na ngayon ay ipakilala ko sa inyo ang mga Pangkalahatang Awtoridad, Awtoridad ng Pook na Pitumpu, pangkalahatang panguluhan ng pantulong na samahan ng Simbahan na nangangailangan ng inyong pagsang-ayon.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Gordon Bitner Hinckley bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Thomas Spencer Monson bilang Unang Tagapagyo sa Unang Panguluhan; at James Esdras Faust bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan. Lahat ng sang-ayon ay mangyaring magtaas ng kamay. Ang mga di sang-ayon, kung mayroon ay magtaas din ng kamay.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Thomas Spencer Monson bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, Boyd Kenneth Packer bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ang mga sumusunod bilang mga miyembro ng korum na ito: Boyd K. Packer, L. Tom Perry, David B. Haight, Neal A. Maxwell, Russell M. Nelson, Dallin H. Oaks, M. Russell Ballard, Joseph B. Wirthlin, Richard G. Scott, Robert D. Hales, Jeffrey R. Holland, at Henry B. Eyring. Lahat ng sang-ayon ay mangyaring magtaas ng kamay. Sinumang hindi sang-ayon.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga tagapayo ng Unang Panguluhan at Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Lahat ng sang-ayon ay mangyaring magtaas ng kamay. Ang hindi sang-ayon, kung mayroon man, magtaas din ng kamay.
Lahat ng nais makiisa sa amin sa pasasalamat kina Elder Adhemar Damiani, Ernani Teixeira, at Robert S. Wood sa kanilang paglilingkod bilang Awtoridad ng Pook na Pitumpu, mangyaring magtaas ng kamay. Salamat.
Iminumungkahing sang-ayunan natin sina Elder Adhemar Damiani, Stephen B. Oveson, David R. Stone, H. Bruce Stucki, Richard H. Winkel, at Robert S. Wood bilang mga miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu. Lahat ng nais makiisa sa amin sa paggawa nito, mangyaring magtaas ng kamay. Sinumang hindi sang-ayon.
Iminumungkahing sang-ayunan natin sina Elder Benjamin De Hoyos, Steven E. Snow, at Pedro Jorge da Cruz Penha bilang mga Awtoridad ng Pook na Pitumpu. Lahat ng sang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Salamat. Sinumang hindi sang-ayon, magtaas din ng kamay.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang iba pang Pangkalahatang Awtoridad, Awtoridad ng Pook na Pitumpu, at mga Panguluhan ng Pangkalahatang Awtoridad, at panguluhan ng mga pantulong na samahan na kasalukuyang nanunungkulan. Lahat ng sang-ayon, mangyaring magtaas ng kamay. Ang hindi sang-ayon ay mangyaring magtaas din ng kamay.
Lumalabas na ang lahat ay nagkakaisa sa pangsang-ayon. Maraming salamat mga kapatid sa inyong pananampalataya at sa inyong mga panalangin.
Hinihiling namin ngayon sa mga bagong tawag na mga miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu na umupo sa harapan.