Iniharap ni Ted E. Davis
Tagapangulo, Komite sa Awdit ng Simbahan
Sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Mahal na mga Kapatid: Ang Komite sa Awdit ng Simbahan ay binubuo ng tatlong miyembro na walang kaugnayan sa kaninumang pinuno ng Simbahan, empleyado, departamento, at mga organisasyong kaanib ang Simbahan. Nag-uulat kami mismo sa Unang Panguluhan at may karapatan sa paggamit ng lahat ng ulat at mga empleyado na aming kakailanganin sa pagganap ng aming mga tungkulin.
Ang Simbahan ay mayroong ding departamento sa awdit na hiwalay sa lahat ng iba pang operasyon at departamento ng Simbahan. Ang Departamento sa Awdit ng Simbahan ay hiwalay ay walang kaugnayan sa Komite sa Awdit ng Simbahan. Ang Departamento sa Awdit ng Simbahan ay binubuo ng mga certified public accountant at iba pang kwalipikadong propesyonal na awditor. Inaawdit ng departamento ang iba't ibang ulat ng pananalapi ng Simbahan ayon sa kinikilalang propesyonal na batayan sa awdit. Sinusubaybayan din nito ang mga kontribusyon at paggugol ng mga lokal na yunit ng Simbahan.
Sinuri ng Komite sa Awdit ng Simbahan ang mga patakaran at pamamaraan ng pananalapi na nagtatalaga ng pangangasiwa sa mga kontribusyon at paggugol ng mga pondo ng Simbahan at nangangalaga sa mga pag-aari ng Simbahan. Sinuri rin namin ang sistema sa badyet, pagtutuos at pag-uulat at pag-awdit para sa huling araw ng taon ika-31 ng Disyembre 1998. Ang mga pinaggugulan ng pondo ng Simbahan para sa taong 1998 ay binigyang-karapatan ng Lupon sa Pamamahala ng Ikapu ayon sa nakasulat na mga patakaran. Ang Lupon ay binubuo ng Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at ang Namumunong Obispado, gaya ng ipinag-utos sa paghahayag. Ang pamamahala ng mga sinang-ayunang badyet ay pinangangasiwaan ng Departamento sa Badyet sa ilalim ng pamamahala ng mga Komite sa Paglalaan at Badyet.
Ang mga organisasyong kaanib ang Simbahan, kabilang na ang Deseret Trust Companies at Deseret Management Corporation at ang mga sangay nito, ay nag-uulat sa ibang lupon ng mga direktor, at nag-iingat ng kanilang sariling sistema sa pagtutuos ayon sa tinatanggap na kalakaran sa pangangalakal, at nag-uulat ayon sa tinatanggap na pangkalahatang pamamaraan sa pagtutuos. Ang mga organisasyong ito ay inaawdit ng Departamento sa Awdit ng Simbahan at/o ng ibang kompanya sa pagtutuos. Ang Brigham Young University at ang iba pang institusyon ng mas mataas na edukasyon ay inaawdit din ng hiwalay na kompanya ng pagtutuos.
Batay sa aming pagsusuri ng mga patakaran at pamamaraan sa pananalapi, pagbabadyet at iba pa, at sa aming pagsusuri ng lahat ng ulat sa awdit na ibinigay noong taong 1998 at sa mga sagot dito, sa opinyon ng Komite sa Awdit ng Simbahan, ang mga kontribusyong tinanggap at ginugol sa loob ng taon hanggang sa ika-31 ng Disyembre, 1998, ay pinangasiwaan ayon sa paghahayag at itinakdang patakaran at pamamaraan ng Simbahan.
Magalang na isinumite,
KOMITE SA AWDIT NG SIMBAHAN
Ted E. Davis, Tagapangulo
Donald D. Salmon
Frank M. McCord