Bonnie D. Parkin
Isandaan at animnapu't isang taon na ang nakalilipas, sa burol na nakatunghay sa lungsod ng Nauvoo, Illinois, inilatag ng mga Banal sa mga Huling Araw ang batong panulok para sa bahay ng Panginoon. Paglipas ng mahigit isang taon, itinatag ng Panginoon, sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, ang Relief Society para sa kababaihanna kinailangan, sabi ng Propeta, para makumpleto ang organisasyon ng Simbahan. Ang samahan ay naging kasangkapan sa pagtatayo at pagkumpleto ng maluwalhati at mahimalang templong ito. Ang ating espirituwal na pamana bilang mga nakikipagtipang mga anak ng Diyos sa samahang ito na inspirado ng langit, ay nagsimula rito sa Lungsod na Maganda. Ang templo sa Nauvoo ay simbolo ng ating nagawa at magagawa, at ng inihahanda ng ating Ama sa Langit para sa Kanyang matatapat na anak na babae.
Kathleen H. Hughes
Ang unang pulong ng Relief Society ay dinaluhan ng 20 kababaihan lang. May mga edad 17 hanggang 19, may bagong binyag, may nagpapalaki ng mga anak, at ang ilan ay walang-asawa. Ganito rin sa Relief Society ngayon! Mabilis na lumaki ang organisasyon, ibinibilang ang mga babae sa lahat ng uri ng pinagmulan at sitwasyon; bawat kapatid ay kailangangaya ngayon. Dumanas ng hirap ang mga kapatid na iyon: namatayan ng mga anak, kulang ang pagkain, itinatakwil ng mga miyembro ng pamilya, inuusig, kulang sa pananampalataya. Ngunit dahil sa mga tipan sa Panginoon, pinakinggan, inalagaan, tinuruan at ginabayan nila ang isa't isa. Nagbahaginan sila ng pagkain, damit at damdamin. Gaya ng ipinagunita ng pagbabasbas sa batang si Nancy Tracy: "Kilala mo ang tinig ng mabuting pastol . . . at nang dumating Siya para tipunin ang Kanyang mga tupa, nakilala mo ang mensahe Niya at tinanggap ito nang may galak at kasiyahan."1 Ang katapatan at pagbabalik-loob ng mga kapatid na ito sa ebanghelyo ay naipakita sa pagmamahal nila sa kapwa, pagkahabag, at nagkakaisang kapatiran ng kababaihan.
Anne C. Pingree
Ang mga kapatid natin noon sa Relief Society ay kagaya rin natin! Nakadama din ang mga bata o matanda, nandayuhan o bagong binyag ng pag-iisa, di-kabilang, at kawalang kakayahan na humarap sa mga hamon na dapat nilang danasin. Ngunit sila'y puno ng pananampalatayang sumulong, nagkaisa sa paggawa ng kanilang bahagi sa pagtatayo ng bahay ng Panginoon. Bawat isa'y nagbigay ng regalo: kapirasong tela, nanahi ng mga damit, nagpakain ng mga manggagawa, nagbigay ng espesyal na pag-aari ng kanilang pamilya, nagkaloob ng matutuluyan, nangalaga sa maysakit at matatanda, at tumahi ng tabing ng templo. Ang kaunting pera, na pambili ng pagkain o damit, ay naibili ng mga pako para sa pagtatayo ng templo at salamin para sa mga bintana nito. Sabi ng isang kapatid tungkol sa kanyang sakripisyo: "Sa simula ay mabuti ang layon ko na makapunta sa tanggapan ng Templo para ibigay ang kontribusyon ko. Biglang dumating ang tukso . . . na ang salaping [ito] ay maipambabayad sa mga kailangan ko. Nilabanan ko ito. Sabi ko, 'Kahit kaunting tinapay na lang ang matira sa araw-araw sa buong linggo, ibabayad ko pa rin ang perang ito sa kabang-yaman.'"2 Nakita ng mga kapatid noon sa Relief Society na pribilehiyo ang "ihulog ang lepta [nila] upang tulungan ang mga kapatid sa pagtatayo ng Bahay ng Panginoon."3 Kusa nilang sinabi, "Panginoon, narito ako, isugo ako!"
Bonnie D. Parkin
Sa simula pa, layon na ng Relief Society ang magligtas ng mga kaluluwa, hanapin ang maralita at nangangailangan, bigyang-ginhawa ang nabibigatan, palakasin ang isa't isa. Habang tumutulong noon ang mga babaing iyon sa pagtatayo ng templo at natanggap ang sarili nilang endowment, nakatagpo sila ng kapayapaan at lakas ng loob na kailangan sa haharaping mahirap na paglalakbay. Ngayo'y kailangan din natin ito sa paglalakbay. Sa Nauvoo kinailangan ng Panginoon ang bawat babaeanuman ang edad, pinag-aralan, kinikita, wika, karanasanpara tumulong sa pagtatayo ng Kanyang kaharian.
Walang ipinagkaiba ngayon! Kailangan tayong lahat sa Relief Society. Hiniling ng ating buhay na propeta na sumulong tayo at gawin ang pagliligtas ng mga kaluluwa. Taimtim tayong nakipagtipan na gagawin iyon. Ang utos noon ng Propetang Joseph Smith na "bigyang-ginhawa ang mga maralita," "magligtas ng mga kaluluwa,"4 ay angkop sa atin. Kailangan din nating akbayan ang isang tao, pagaanin ang dalahin, ibahagi ang ating mga patotoo at pananampalataya kay Jesucristo. Gusto ko ang puna noon ni Zina Young, tungkol sa kapatiran sa Relief Society: "Isang pagpapala ang sama-samang magtipon. . . . Narito ang Espiritu ng Diyos at kapag nag-uusap-usap tayo, tila langis ito na pasalin-salin sa mga sisidlan."5
Mga kapatid, dito nagsimula ang ating pamana ng pananampalataya. Kapag nakikita natin ang bahay na ito ng Panginoon na muling itinayo, tandaang inatasan tayo ni Jesucristo, sa mga huling araw, na tumulong sa pagtatayo ng Kanyang kaharian. Dapat tayong tumingin sa Kanya, igalang ang Kanyang priesthood, at ipamuhay ang ating mga tipan. Anuman ang kalagayan at saanman tayo nakatira, magagawaat kailangannating manindigan bilang anak ng Diyos at matatag na ipahayag, "Panginoon, narito ako, isugo ako."
MGA TALA
1. Mga Alaala at Talaarawan ni Nancy Naomi Alexander Tracy,
Family and Church History Department Archives, The Church of Jesus Christ of
Latter-day Saints, 7475.
2. Louisa Barnes Pratt, "Journal of Louisa Barnes Pratt,"
Heart Throbs of the West, tinipon ni Kate B. Carter, 12 tomo (193951),
8:233.
3. Elizabeth Ann Whitney, binanggit nina Jill Mulvay Derr at
iba pa sa Women of Covenant: The Story of Relief Society (1992), 51.
4. History of the Church, 5:25.
5. Mga tala sa Senior and Junior Cooperative Retrenchment Association,
ika-3 ng Okt., 1874, Family and Church History Department Archives, The Church
of Jesus Christ of Latter-day Saints.