Elder Neal A. Maxwell
Ng Korum ng Labindalawang Apostol
Nakalilito ang mga bagay na mangyayari pa, ngunit, gaya ni Nephi, malalaman pa rin natin na mahal tayo ng Diyos, isang . . . katotohanang magtataguyod sa atin sa kabila ng lahat!
Sa maraming krisis at kasamaan sa mundo ngayon, ang tunay na mga disipulo ay patuloy na sasampalataya sa naghahayag at nagmamahal na Diyos at sa Kanyang planong tubusin ang Kanyang mga anak, na siyang
dahilan ng
lahat ng ginagawa ng Diyos! (Tingnan sa Moises 1:39.) Bukod dito, ang pagkatao ng Diyos, tulad ng inihayag sa atin, ay nagsasabing Siya ay may "kakayahang" gawin ang napakalawak Niyang gawain. (2 Nephi 27:2021; Pagsasalin ni Joseph Smith, Isaias 29:2223.)
Patuloy ding sasampalataya ang tunay na mga disipulo sa Kanyang nagbabayad-salang Anak na si Jesucristo, at, sa "[pagba]balik-loob sa Panginoon" (3 Ne. 1:22), ay patuloy na daranas ng masaya at "malaking pagbabago" (tingnan sa Mosias 5:2; Alma 5:1214).
Ang totoo, mga kapatid, si Jesus ay nanalo na sa malaking digmaan: "Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: ngunit laksan ninyo ang loob; Aking dinaig ang sanglibutan" (Juan 16:33; idinagdag ang pagbibigay-diin). Ang Pagbabayad-sala ay naisakatuparan, na naghahatid ng panglahatang pagkabuhay na mag-uli sa bilyun-bilyon, na ibabangon ang lahat mula sa libingankahit papaano o kailan man tayo mamatay! Kung gayon, sa liwanag ng gabi, kahit kita natin ang mga bituing matagal nang naroon, hindi imortal ang mga ito. Salamat at tayo'y imortal!
Gayundin, "ang mga tunay na naniniwala" (4 Nephi 1:36) ay sasampalataya pa rin sa Pagpapanumbalik sa mga huling araw na taglay ang mga pagdalaw na naggawad ng kapangyarihan, sa mga propeta at apostol, at sa "malinaw at mahalagang" mga banal na kasulatan. (1 Nephi 13:29.) Akma nga ang mga unang alituntunin ng ebanghelyo sa mga huling araw.
Ang totoo, sa paglitaw ng ipinanumbalik na Simbahan "mula sa kadiliman," ang tila mahihigpit na hamon ay talagang ihahayag pang lalo ang kaibahan ng Simbahan (D at T 1:30). Gayunman, ang pag-aayon ng ating mga kilos sa ating mga paniniwala ang magpapaalaala sa atin sa mga tungkulin ng disipulo.
Ang ipinanumbalik na ebanghelyo ay nagpapasigla, malawak, at malalimmahirap unawain. Nagdudulot ito ng lakas, sa plano man ng Diyos para sa sansinukob o sa pagbibigay-diin sa personal na kalinisang-puri o katapatan sa kabiyak. Tanging mapagpakumbabang mga disipulo lang ang kakayanin ang gayong teolohiya!
Sa tibay at katiyakan ng mga banal na kasulatan, tayo man ay maaaring "umasa sa Diyos . . . at kanya [tayong] aaluin sa [ating] mga paghihirap" (Jacob 3:12; idinagdag ang pagbibigay-diin).
Tayo man ay maaaring "tulungan sa ilalim ng mga pagsubok at suliranin ng lahat ng uri . . . oo, . . . [tayo'y kanyang] ililigtas" (tingnan sa Alma 36:3, 27; idinagdag ang pagbibigay-diin).
Dahil sinabi ng Panginoon: "Ako'y mapapasagitna ninyo" (D at T 49:27). "Akin kayong aakayin" (D at T 78:18).
Bukod dito, bibigyan tayo ng Diyos ng napakahalagang katiyakan sa pamamagitan ng Espiritu Santo (tingnan sa Juan 14:26; D at T 36:2). Sa tahimik man o magulong sandali, ang pinakamainam na pinagmumulan ng alo ay ang Mangaaliw.
Umiyak si Enoc dahil sa kasamaan ng kanyang panahon, at, sa una, "tumangging maaliw" (tingnan sa Moises 7:4, 44). Ngunit dumating ang mga paghahayag, patuloy na ipinakikita si Jesus na tinutubos ang daigdig, ang huling araw na Panunumbalik, at ang Ikalawang Pagparito. Sinabihan si Enoc na "pasiglahin ang [kanyang] puso, at magalak" (Moises 7:44). Mapasisigla tayo ng mga doktrina at paghahayagmaging sa gitna ng "mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan" (Mateo 24:6; Marcos 13:7; tingnan din sa 1 Nephi 12:2; Mormon 8:30; D at T 45:26). Kaya di dapat [mapagod ang ating] isipan (tingnan sa Mga Hebreo 12:3; D at T 84:80).
Di dapat manghina ang ating pagkadisipulo sa oras ng mga pagsubok o init ng araw, ni hindi tayo dapat "[mag]dalamhati" sa mga nakababalisang sakit ng lipunan (Moroni 9:25), kasama na ang "harap-harapang" kamunduhan ng mga tao (tingnan sa Alma 32:38).
Maaari nating urungan ang ilang bagay sa kasalukuyang tagpo ng buhay, ngunit hindi inurungan ni Jesus ang Getsemani ni ang Calvario. Sa halip, Kanyang "tinapos ang [Kanyang] paghahanda para sa mga anak ng tao" (D at T 19:19).
Hinggil sa mga pagsubok, pati na ng ating pananampalataya at tiyaga, walang pagtatangi ritopagkakaiba-iba lang (tingnan sa Mosias 23:21). Nilayon ito upang pag-ibayuhin ang kakayahan nating lumigaya at maglingkod. Subalit hindi lubos na maliligtas ang matatapat sa mga pangyayari sa planetang ito. Kaya nga ang tapang nina Sadrach, Mesach, at Abed-nego sa gitna ng panganib ay dapat pamarisan. Batid nilang ililigtas sila ng Diyos. "Ngunit kung hindi," nangako silang maglilingkod pa rin sa Diyos (tingnan sa Daniel 3:1618). Gayundin, ang pagsunod sa makaluma ngunit kinakailangang una at ikapitong mga utos ay magpapakita ng tapang na ipinamalas ng tatlong kabataang babae noon; tumanggi sila kahit kapalit nito'y kanilang buhay (tingnan sa Abraham 1:11).
Kung gayon, babagabagin tayo sa magkabila, ngunit walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo (tingnan sa II Mga Taga Corinto 4:8; Mga Taga Roma 8:3539); hindi kabilang ang mga makamundong kaligaligan sa pagiging "sabik sa paggawa" (D at T 58:27). Gayunman, gaya ng payo ni Pedro, maaari at dapat nating ipaubaya ang ating mga alalahanin sa Panginoon, dahil nagmamalasakit Siya sa atin! (tingnan sa I Pedro 5:7). A, mga Kapatid, kalayaan ang naghihintay sa matiwalang pagpapasakop [sa Diyos]!
Tungkol sa pagtatama ng ating pagkakamali, walang dapat humadlang sa landas ng pagsisisi. Ito'y dapat pagbayaran, wala kang ligtas at ang pagtanggap sa Pagbabayad-sala ni Cristo ang magsusulong sa atin sa landas na iyon.
Maaaring kailanganin ang mga tulad ni Jethro na magsasabi sa atin ng dapat gawin para umunlad (tingnan sa Exodo 18:1424) o mga sandali ng biglang pagkaunawa, gaya ng orihinal na Labindalawa, na tama sa pagsasabing: "Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan" (Juan 6:68).
Bukod pa rito, maliban kung makapagpasiya tayo, ano ang sasabihin natin sa mga bayani ng Martin Cove at Sweetwater? Na "hanga kami sa inyo, pero mahihirapan kaming tiisin ang sarili naming mga pagsubok"?
Mga kapatid, sa utos ng Diyos, "ito ang [ating] mga araw" (Helaman 7:9), yamang "lahat ng bagay ay kinakailangang mangyari sa kanilang panahon" (D at T 64:32). Gayundin, bagama't nabubuhay tayo sa bigong daigdig, hindi tayo isinugo rito para mabigo.
Alalahanin ninyo ang bagong bituing nagbalita ng pagsilang sa Betlehem? Nasa tumpak na pag-ikot ito bago pa lumitaw. Gayundin na inilagay tayo sa mundong ito upang gayahin ng iba ang magaganda nating halimbawa. Ang kaayusan ng Diyos ay di lamang sa sansinukob, kundi sa planetang ito. Di nga ba't ang mga lamina ng Aklat ni Mormon ay hindi ibinaon sa Belgium para lang isilang si Joseph Smith sa malayong Bombay makaraan ang ilang siglo.
Ang paglitaw ng grupo ng "matatalinong" Ama na lumikha sa kahanga-hangang Konstitusyon ng Amerika, na ang mga karapatan at kaligtasan ay para sa "lahat ng tao," ay sinadya rin (tingnan sa D at T 101:7778, 80). Tinawag ng isang manunulat ng kasaysayan ang ating Tagapagtatag na mga Ama na "kakaibang henerasyon ng mga mamamayan sa kasaysayan ng Estados Unidos o marahil sa kahit alinmang bansa" (Arthur M. Schlesinger, The Birth of the Nation [1968], 245). Isa pang manunulat ng kasaysayan ang nagdagdag, "Napakahalaga kung malalaman natin kung ano ang sanhi ng pag-usbong ng talinong ito mula lang sa dalawa't kalahating milyong tao" (Barbara W. Tuchman, The March of Folly, From Troy to Vietnam [1984], 18).
Ngunit puwede na rin sa ilan ang diyos na pabagu-bago o walang kakayahan. Alam nina Laman at Lemuel, halimbawa, ang mahimalang pagkakaligtas noon sa Israel mula sa malalakas na hukbo ng Faraon, ngunit bumulung-bulong pa rin sila at hinamon ng hamak na si Laban. Makitid ang ating isipan at makasarili. Ang Diyos, na pumapatnubay sa galaw ng mga galaksi, bituin, at mga mundo, ay hinihiling na kilalanin din natin ang Kanyang kamay sa ating buhay (tingnan sa D at T 59:21). Di ba tiniyak sa atin na di pababayaan maging ang isang maya, at maging ang mga hibla ng ating buhok! (tingnan sa Mateo 10:29, 30; D at T 84:80.) Alam ng Diyos ang mga detalye! Tulad ng pagkakilala Niya sa lahat ng Kanyang mga likha, alam din Niya at minamahal ang bawat isa sa anumang pulutongtunay, kilala at mahal Niya ang bawat isa at ang buong sangkatauhan! (tingnan sa 1 Nephi 11:17).
Isaalang-alang ang Kanyang magigiliw na pagbati kay Moises"Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin" (Exodo 33:12)at kay "[Joseph]: "Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya!" (Joseph SmithKasaysayan 1:17).
Kaya pala sumasamo si Haring Benjamin sa atin na maniwalang hindi nauunawaan ng tao ang lahat ng bagay na nauunawaan ng Panginoon (tingnan sa Mosias 4:9). Ang pagbabalewala sa mga pahayag hinggil sa malaking kakayahan ng Diyos ay gaya ng walang layon at kontentong paglalaro ng mga pira-pirasong kahoy na may mga titik ng alpabeto, nang di nalalaman na ang mahihirap na tula ni Shakespeare ay nilikha gamit ang alpabeto ring iyon.
Si Amang Abraham ay "hindi nag-alinlangan" sa banal na pangakong magkakaanak, dahil siya'y "lubos [na] nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon" (Mga Taga Roma 4:2021). Nawa'y "ganap [tayong] mapaniwala."
Maganda, kung gayon, ang payong ito ni Anselm: "Maniwala upang makaunawa," sa halip na "umunawa [upang] maniwala." (St. Anselm, isinalin ni Sidney Norton Deane [1903], 7).
Mga kapatid, bagama't nabubuhay tayo sa panahon ng kaguluhan, makatatayo tayo sa banal na mga lugar at di matitinag (tingnan sa D at T 45:32). Bagama't nabubuhay tayo sa panahon ng karahasan, magkakaroon tayo ng kapayapaan na di masayod ng pag-iisip (tingnan sa Mga Taga Filipos 4:7.) Nakalilito ang mga bagay na mangyayari pa, ngunit, gaya ni Nephi, malalaman pa rin natin na mahal tayo ng Diyos, isang mahalaga at pangunahing katotohanang makatataguyod at magtataguyod sa atin sa kabila ng lahat! (1 Nephi 11:17).
Paano natin malalaman na kilala at mahal tayo ng Diyos? Sinasabi Niya sa atin sa mga banal na kasulatangayundin, sa tapat na pagbibilang natin ng mga biyaya at sa napakaraming pagkakaloob ng Kanyang habag sa ating buhay. Higit sa lahat, nagsasalita Siya sa atin sa banayad at marahang tinig ng Espiritu! (tingnan sa Alma 34:38; D at T 78:1719).
Ang "malaking pagbabago" na kailangan sa pagiging disipulo ay parang tsubibo, dahil pinakukumbaba tayo ng nagpapasiglang mga paghahayag. Ganyan si Moises na "nalugmok sa lupa" at nagsabing, "Ang tao ay walang kabuluhan, siyang bagay na hindi ko inakala kailanman" (Moises 1:910). Gayunman ay dumating ang muling pagtiyak ng banal na pahayag: "Sapagkat masdan, ito ang aking gawain at aking kaluwalhatianang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao" (Moises 1:39).
Ang "malaking" pagbabago, gayunman, ay mahirap gawin, gawaing mas pinahirap ng pagsunod sa mapanuksong simbuyo ng likas na tao. Madalas mabawasan ang ating potensyal ng pagiging abala sa mga makamundong bagay. Halos hindi tayo handa sa nakapagpapasiglang mga paghahayag. Isipin ninyoisang espiritung bahagi ng bawat isa sa atin ay totoong walang hanggan, at "sa simula ay kasama [natin] ang Diyos!" (tingnan sa D at T 93:29, 33).
Mangyari pa hindi natin lubos na mauunawaan ang lahat ngayon din! Hindi natin malalaman ang kahulugan ng lahat ng bagay ngayon din. Ngunit maaari nating malaman, ngayon din, na kilala at mahal ng Diyos ang bawat isa sa atin!
Ngunit, mga kapatid, ano ang pumipigil sa atin para mas makilala at mahalin Siya? Ang pag-aatubili nating talikuran ang ating mga kasalananna sa halip ay iniisip na sapat nang pagsisihan ang ilan. Gayundin, ang pag-aatubili nating magpasakop sa Kanyang kaloobanna sa halip ay iniisip na kilalanin lang ang Kanyang kaloobanay sapat na! (tingnan sa Mosias 15:7).
Si Propetang Joseph Smith ay nagpahayag na ang Diyos, "bago nalikha [ang daigdig], . . . ay pinag-isipan ang buong kaganapang nauugnay sa mundo . . . batid [ng Diyos] . . . ang tindi ng kasamaang nauugnay sa mag-anak ng tao, ang kanilang mga kahinaan at kalakasan, . . . ang kalagayan ng lahat ng bansa at . . . kanilang kahihinatnan, . . . at nagbigay [Siya] ng sapat na palugit [para] matubos ang [sangkatauhan]" (Teachings of the Prophet Joseph Smith, pinili ni Joseph Fielding Smith [1976], 220).
Bahagi ng "sapat na palugit" ng Diyos ang mga taong di ganap na gaya natin, na tapat na ginagawa ang lahat upang makapaglingkod sa katungkulang itinalaga sa atin, batid na tayo'y yakap "sa bisig ng [Kanyang] pagmamahal" (D at T 6:20).
Sa ngalan ni Jesucristo, amen.