Pangulong Thomas S. Monson
Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan
Mga kapatid, hiniling ni Pangulong Hinckley na ipakilala ko sa inyo ang mga General Authority, Area Authority Seventy, at general auxiliary presidency ng Simbahan para sa inyong boto ng pagsang-ayon.
Iminumungkahing sang-ayunan natin sina Gordon Bitner Hinckley bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Thomas Spencer Monson bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at James Esdras Faust bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan. Ang mga sang-ayon ipakita lang. Ang di sang-ayon ipakita lang.
Iminumungkahing sang-ayunan natin sina Thomas Spencer Monson bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol; Boyd Kenneth Packer bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol; at ang sumusunod na mga miyembro ng korum na iyon: Boyd K. Packer, L. Tom Perry, David B. Haight, Neal A. Maxwell, Russell M. Nelson, Dallin H. Oaks, M. Russell Ballard, Joseph B. Wirthlin, Richard G. Scott, Robert D. Hales, Jeffrey R. Holland, at Henry B. Eyring. Ang mga sang-ayon ipakita lang. Ang di sang-ayon.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at ang Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. Lahat ng sang-ayon ipakita lang. Kung may di sang-ayon, gayon din ang gawin.
Iminumungkahing i-release natin si Elder Ben B. Banks bilang miyembro ng Panguluhan ng mga Korum ng Pitumpu at bilang miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu at gawin siyang emeritus na General Authority. Lahat ng nais makiisa sa amin na gawin ito, mangyaring ipakita lang. Salamat.
May pasasalamat sa kanilang paglilingkod bilang mga miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu, iginagawad natin ang marangal na pag-release kina Elder Richard D. Allred, Athos M. Amorim, L. Edward Brown, Earl M. Monson, at Jerald L. Taylor at sa sumusunod na mga Area Authority Seventy: Paulo C. Amorim, Carl W. Bacon, Bruce B. Bingham, O. Brent Black, Antonio Cappi, Victor D. Cave, Craig C. Christensen, James M. Dunn, David W. Ferrel, Daryl H. Garn, D. Rex Gerratt, Mario E. Guzmán, Spencer V. Jones, Hitoshi Kashikura, Chong-Youl Kim, Richard K. Klein, John Maxwell, Wolfgang H. Paul, Keith L. Smith, Juan Uceda, Claudio D. Zivic. Ang mga nais makiisa sa pagpapaabot ng pasasalamat, ipahiwatig lang sa pagtataas ng kamay. Naglingkod sila nang mahusay.
Iminumungkahing i-release natin nang may boto ng pasasalamat si Elder Richard J. Maynes bilang pangalawang tagapayo sa pangkalahatang panguluhan ng Sunday School. Lahat ng sang-ayon ipakita lang.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Elder Dieter F. Uchtdorf bilang miyembro ng Panguluhan ng mga Korum ng Pitumpu. Lahat ng sang-ayon, ipakita lang. Ang di sang-ayon gayon din ang gawin.
Iminumungkahing sang-ayunan natin sina Elder Craig C. Christensen, James M. Dunn, Daryl H. Garn, D. Rex Gerrant, at Spencer V. Jones bilang mga bagong miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu. Lahat ng sang-ayon, ipakita lang. Ang di sang-ayon.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Elder Val R. Christensen bilang Pangalawang Tagapayo sa pangkalahatang panguluhan ng Sunday School. Lahat ng sang-ayon, ipakita lang. Ang di sang-ayon.
Iminumungkahing i-release natin nang may boto ng pasasalamat at tunay na pagtangkilik sina Sister Margaret D. Nadauld, Carol B. Thomas, at Sharon G. Larsen bilang Pangkalahatang Panguluhan ng Young Women. Inire-release din natin ang lahat ng miyembro ng pangkalahatang lupon ng Young Women. Lahat ng sang-ayon, ipakita lang.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Sister Susan Winder Tanner bilang bagong pangkalahatang pangulo ng Young Women, kasama sina Sister Julie Bangerter Beck bilang unang tagapayo at Sister Elaine Schwartz Dalton bilang pangalawang tagapayo. Ang mga sang-ayon, ipakita lang. Ang di sang-ayon.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang iba pang kasalukuyang bumubuo ng mga General Authority, Area Authority Seventy, at mga panguluhan ng General Auxiliary. Ang mga sang-ayon, ipakita lang. Di sang-ayon, kung mayroon, gayon din ang gawin.
Pangulong Hinckley, nakita natin na nagkaisa ang lahat sa pagsang-ayon.
Salamat, mga kapatid, sa inyong pananampalataya at mga dalangin. Salamat sa lahat ng nai-release sa kanilang walang-sawang paglilingkod at pag-aalay sa kanilang Ama sa Langit, at binabati ang mga bagong tinawag. Hihilingin natin ngayon sa mga bagong tinawag na miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu at pangkalahatang panguluhan ng Young Women na umupo na sa kanilang lugar dito sa itaas. Salamat.