The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Broadcast General Conference Archives
Conferences
April 2003
Ulat ng Church Auditing Department

Ulat ng Church Auditing Department

INILAHAD NI WESLEY L. JONES
Managing Director, Church Auditing Department

INILAHAD NI WESLEY L. JONES

Para sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Minamahal na mga Kapatid: Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay mayroong departamento ng awdit, na hiwalay na gumaganap sa gawain nito mula sa iba pang mga departamento at operasyon ng Simbahan. Ang managing director ng Church Auditing Department ay tuwiran at regular na nag-uulat sa Unang Panguluhan. Ang Church Auditing Department ay binubuo ng mga certified public accountant, mga certified internal auditor, mga certified information systems auditor, at iba pang kwalipikado at lisensyadong mga propesyonal.

Sa utos ng Unang Panguluhan, may karapatan ang Church Auditing Department na i-awdit ang lahat ng departamento at mga operasyon ng Simbahan sa buong daigdig. Ang Church Auditing Department ay may karapatan sa lahat ng talaan, tao, pagaari, at mga sistemang kailangan sa pag-awdit ng mga ambag, gugulin, at mga pinagkukunan ng Simbahan. Propesyonal na mga pamantayan sa pag-aawdit ang pinaiiral sa pagsasagawa ng awdit. Panganib ang pangunahing dahilang gumagabay sa pagpili ng mga iaawdit.

Ang Council on the Disposition of the Tithes ang responsible sa, at para sa taong 2002 ito ang nagbigay pahintulot sa paggugol ng pondo ng Simbahan. Ang konsehong ito’y binubuo ng Unang Panguluhan, ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ng Presiding Bishopric, tulad ng nakasaad sa paghahayag. Sa ilalim ng direksyon ng konsehong ito, ang mga ambag at gugulin ay kontrolado sa pamamagitan ng mga Church’s Budget at Finance Department. Ang pinangasiwaang mga ambag na natanggap at mga laang-guguling nagamit ay inawdit at iniulat.

Batay sa aming mga pag-aawdit, opinyon ng Church Auditing Department na sa lahat ng aspetong materyal, ang mga ambag na tinanggap at pondong ginugol sa pagtatapos ng taon noong ika-31 ng Disyembre 2002, ay pinangasiwaan ayon sa inaprubahang gabay sa badyet at itinatag na mga patakaran at paraan ng Simbahan.

Ang pinansyal na aktibidad ng mga organisasyong may-kaugnayan sa Simbahan, na pinatatakbong hiwalay sa Simbahan, ay hindi inawdit ng Church Auditing Department sa taong 2002. Kabilang sa mga organisasyong ito ang Deseret Management Corporation at mga sangay nito at mga institusyon ng Simbahan sa mataas na edukasyon, kabilang na ang Brigham Young University. Mga independyenteng kompanya ng pampublikong awdit ang nag-awdit sa mga financial statement at kaukulang aktibidad sa pagkontrol sa mga organisasyong ito. Gayunman, tiniyak ng Church Auditing Department na nagsagawa ng angkop na pag-uulat ng resulta ng mga awdit sa mga kompanyang ito sa bawat komite ng awdit ng bawat organisasyon.

Buong paggalang na isinumite, AUDITING DEPARTMENT Wesley L. Jones Managing Director

 
© 2008 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy