The Christus statueThe Church of Jesus Christ of Latter-day Saints Search | Feedback | Site Map | Help | Country Sites |
Home Broadcast General Conference Archives
Conferences
Abril 2004
Dakilang Karunungan at Pag-ibig

Dakilang Karunungan at Pag-ibig

ELDER DAVID B. HAIGHT
Ng Korum ng Labindalawang Apostol

Ang ebanghelyo ay totoo. Alam ko ito; saksi ako nito.

ELDER DAVID B. HAIGHTNakatayo ako rito na may mapakumbabang puso—isang pusong puspos ng pag-ibig sa gawaing ito, sa inyong narito at yaong nakikinig. Sa huli nating kumperensya anim na buwan na ang nakalilipas nang tumayo ako rito sa tabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley, hinikayat niya akong kumaway sa inyo, at buong lakas ko iyong ginawa. Akala ng ilang tao ay nagpapaalam na ako. Ngunit naparito ako ngayon upang ipahiwatig at sabihin sa inyo na nagbalik ako. At wala akong katulong na itaas ang braso ko. Nauunawaan ko ang kapangyarihan ng panalangin at ng pananampalataya at katapatan, at alam kong mahahalagang saksi ang nagmula sa langit.

At nakatayo ako rito ngayon para lang magpatotoo at bumati sa inyo. Umaasa ako na sa susunod na kumperensya ay lubos na akong magaling at makaya ko nang gawin ang ipinagagawa sa akin.

Ang Diyos ay buhay. Siya ang ating Ama—ang ating Ama sa Langit.

Isinulat ni Eliza R. Snow, na lumikha ng ilang bantog nating musika, lalo na ang himno sa sakrament, ang mga salitang ito:

Dakilang karunungan at pag-ibig,
Sa kalangita’y naghari.

Pag-isipan ninyo ito sandali. Dahil naroon tayo.

Dakilang karunungan at pag-ibig,
Sa kalangita’y naghari.
At ‘sinugo ang Tagapagligtas
Upang magdusa’t masawi!
(“Dakilang Karunungan at Pag-ibig,” Mga Himno, blg. 116)

Pinili nating maparito. Kaya narito tayo’t nagtitipon sa malaking awditoryum na ito, kung saan makapag-uusap tayo at makasasaksi at makapagpapatotoo. Tinitiyak ko sa inyo na sa mga gabing wala akong tulog kung minsan, kapag pinipilit nating lutasin ang lahat ng problema natin at gumagawa ng mga pagbabagong dapat gawin sa mga bagay- bagay, sumasaakin ang makalangit na mga kaisipang iyon na nagpapasigla sa atin. Mahal tayo ng ating Diyos Ama sa Langit, tulad ng pagmamahal na dapat nating iukol sa Kanya. Pinili Niyang pababain sa lupa ang Kanyang Anak at ipahatid ang ebanghelyo ni Jesucristo, na ang pangalan ng Simbahan ay isinunod sa Kanya at siya nating pinatototohanan. Karangalan kong tumayo at patotohanan ngayon ang saligan ng Simbahang ito at ang ating pagmamahal kay Pangulong Hinckley, na namumuno sa atin ngayon.

Ang ebanghelyo ay totoo. Alam ko ito; saksi ako nito. Sa ngalan ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, amen.

 
© 2008 Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.   Rights and use information.  Privacy policy