Ang Aklat ng Sining ng Ebanghelyo ay inorganisa sa anim na bahagi: Lumang tipan, Bagong Tipan, Aklat ni Mormon, Kasaysayan ng Simbahan, Pamumuhay ayon sa Ebanghelyo, at mga Propeta sa mga Huling Araw. Ang sining sa aklat na ito ay magagamit sa pag-aaral at pagtuturo sa bahay o sa simbahan. Ang mga pamagat, gayundin ang mga reperensya sa banal na kasulatan at iba pang sangguniang makakatulong sa talakayan at pag-aaral tungkol sa mga larawan, ay makukuha sa indeks ng Aklat ng Sining ng Ebanghelyo. Kapag sinaliksik ninyo ang kaakibat na mga banal na kasulatan at sangguniang ito lalalim ang inyong pag-unawa sa mga kaganapan at alituntunin ng ebanghelyo na makikita sa mga larawan.
I-print ang PDF
Panoorin
Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, Promotional Video (3:40)