KABANATA 4
Pinatay ni Nephi si Laban sa utos ng Panginoon at pagkatapos ay kinuha ang mga laminang tanso sa pamamagitan ng pakana—Pinili ni Zoram na sumama sa mag-anak ni Lehi sa ilang. Mga 600–592 B.C.
1 At ito ay nangyari na, na ako ay nangusap sa aking mga kapatid, sinasabing: Tayo nang umahon muli sa Jerusalem, at tayo ay maging amatapat sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon; sapagkat masdan, siya ay higit na makapangyarihan kaysa lahat ng sangkatauhan, kung gayon bakit hindi siya magiging higit na bmakapangyarihan kaysa kay Laban at sa kanyang limampu, oo, maging sa kanyang sampu-sampung libo?
2 Samakatwid tayo nang umahon; maging amalakas tayong katulad ni bMoises; sapagkat siya ay tunay na nangusap sa tubig ng cDagat na Pula at yaon ay nahati nang dito at doon, at ang ating mga ama ay nakatawid at nakalaya mula sa pagkabihag, sa tuyong lupa, at ang mga hukbo ni Faraon na sumunod sa kanila ay nangalunod sa tubig ng Dagat na Pula.
3 Ngayon masdan, alam ninyo na ito ay totoo; at alam din ninyo na isang aanghel ang nangusap sa inyo; kung gayon, mag-aalinlangan pa ba kayo? Umahon na tayo; ang Panginoon ay kaya tayong iligtas, maging kagaya ng ating mga ama, at patayin si Laban, maging katulad ng mga taga-Egipto.
4 Ngayon, nang sabihin ko ang mga salitang ito, sila ay galit pa rin, at nagpatuloy na bumulung-bulong; gayunman, sumunod sila sa akin hanggang sa kami ay makarating sa labas ng mga pader ng Jerusalem.
5 At noon ay gabi; at pinapagtago ko sila sa labas ng mga pader. At matapos nilang maitago ang sarili, ako, si Nephi, ay gumapang na papasok sa lunsod at nagtungo sa tahanan ni Laban.
6 At ako ay apinatnubayan ng Espiritu, nang sa simula ay hindi pa bnalalaman ang mga bagay na nararapat kong gawin.
7 Gayunman, ako ay yumaon, at habang ako ay papalapit sa tahanan ni Laban ay namasdan ko ang isang tao, at siya ay nakabulagta sa lupa sa harapan ko, sapagkat siya ay lango sa alak.
8 At nang ako ay lumapit sa kanya ay natuklasan ko na siya si Laban.
9 At namasdan ko ang kanyang aespada, at hinugot ko ito sa kaluban niyon; at ang puluhan niyon ay lantay na ginto, at ang pagkakayari niyon ay lubhang napakainam, at nakita ko na ang talim niyon ay yari sa natatanging asero.
10 At ito ay nangyari na, na ako ay apinilit ng Espiritu na dapat kong patayin si Laban; datapwat winika ko sa aking puso: Kailanman ako ay hindi nagpadanak ng dugo ng tao. At ako ay nanliit at ninais na huwag ko siyang patayin.
11 At ang Espiritu ay muling nangusap sa akin: Masdan ibinigay siya ng aPanginoon sa iyong mga kamay. Oo, at alam ko ring hinangad niyang kitlin ang aking buhay; oo, at ayaw niyang makinig sa mga kautusan ng Panginoon; at kanya ring bkinuha ang aming ari-arian.
12 At ito ay nangyari na, na ang Espiritu ay muling nangusap sa akin: Patayin mo siya, sapagkat ibinigay siya ng Panginoon sa iyong mga kamay;
13 Masdan apinapatay ng Panginoon ang bmasasama upang maisagawa ang kanyang mga banal na layunin. cHigit na mabuting masawi ang isang tao kaysa ang isang bansa ay tuluyang manghina at masawi sa kawalang-paniniwala.
14 At ngayon, nang ako, si Nephi, ay marinig ang mga salitang ito, naalaala ko ang mga salita ng Panginoon na winika niya sa akin sa ilang, sinasabing: aHabang ang iyong mga binhi ay sumusunod sa aking mga bkautusan, sila ay cuunlad sa dlupang pangako.
15 Oo, at naisip ko ring hindi nila masusunod ang mga kautusan ng Panginoon alinsunod sa mga batas ni Moises, maliban kung nasa kanila ang mga batas.
16 At alam ko rin na ang mga abatas ay nakaukit sa mga laminang tanso.
17 At muli, alam kong ibinigay ng Panginoon si Laban sa aking mga kamay para sa layuning ito—upang mapasaakin ang mga talaan alinsunod sa kanyang mga kautusan.
18 Samakatwid, sinunod ko ang tinig ng Espiritu, at hinawakan ko si Laban sa buhok, at tinagpas ko ang kanyang ulo ng sarili niyang aespada.
19 At matapos kong tagpasin ang kanyang ulo ng sarili niyang espada, kinuha ko ang mga kasuotan ni Laban at isinuot ko sa aking katawan; oo, maging ang pinakamumunting bagay; at ibinigkis ko ang kanyang baluti sa aking balakang.
20 At matapos kong magawa ito, ako ay nagtungo sa kabang-yaman ni Laban. At nang ako ay patungo sa kabang-yaman ni Laban, masdan, nakita ko ang atagapagsilbi ni Laban na siyang nag-iingat ng mga susi ng kabang-yaman. At inutusan ko siya sa tinig ni Laban, na dapat siyang sumama sa akin sa kabang-yaman.
21 At inakala niyang ako ang panginoon niyang si Laban, sapagkat namasdan niya ang mga kasuotan at gayon din ang espada na nakabigkis sa aking balakang.
22 At siya ay nangusap sa akin hinggil sa mga elder ng mga Judio, sapagkat nalalaman niya na ang kanyang panginoon, si Laban, ay lumabas nang gabing yaon na kasama nila.
23 At nakipag-usap ako sa kanya na para bang si Laban.
24 At sinabi ko rin sa kanya na dapat kong dalhin ang mga inukit na nasa mga alaminang tanso, sa aking mga nakatatandang kapatid na nasa labas ng mga pader.
25 At sinabihan ko rin siya na dapat siyang sumunod sa akin.
26 At siya, sa pag-aakalang ang mga kapatid sa simbahan ang tinutukoy ko, at ako ay tunay na si Laban na aking pinatay, dahil dito, siya ay sumunod sa akin.
27 At nangusap siya sa akin nang maraming ulit hinggil sa mga elder ng mga Judio, habang ako ay patungo sa aking mga kapatid, na nasa labas ng mga pader.
28 At ito ay nangyari na, nang makita ako ni Laman siya ay lubhang natakot, at gayon din sina Lemuel at Sam. At sila ay tumakbong papalayo sa akin; sapagkat inakala nilang ako si Laban, at na ako ay kanyang napatay at naghahangad na kitlin din ang kanilang mga buhay.
29 At ito ay nangyari na, na tinawag ko sila, at narinig nila ako; anupa’t huminto sila sa pagtakbong palayo sa akin.
30 At ito ay nangyari na, nang mamasdan ng tagapagsilbi ni Laban ang aking mga kapatid ay nagsimula siyang manginig, at tatalilis na sana palayo sa akin at babalik sa lunsod ng Jerusalem.
31 At ngayon, ako, si Nephi, na isang lalaking may malaking bulas, at nakatanggap din ng pambihirang alakas mula sa Panginoon, samakatwid sinunggaban ko ang tagapagsilbi ni Laban, at pinigilan siya, upang huwag siyang makatakas.
32 At ito ay nangyari na, na ako ay nangusap sa kanya, na kung pakikinggan niya ang aking mga salita, yamang ang Panginoon ay buhay, at habang ako ay nabubuhay, at kung makikinig siya sa aming mga salita, hahayaan namin siyang mabuhay.
33 At ako ay nangusap sa kanya, maging nang may apanunumpa, na hindi siya dapat matakot; na siya ay magiging isang malayang tao na katulad namin kung siya ay bababa sa amin sa ilang.
34 At nangusap din ako sa kanya, sinasabing: Tunay na ang Panginoon ang anag-utos sa aming gawin ang bagay na ito; at dapat ba kaming hindi maging masikap sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon? Kung gayon, kung bababa ka sa ilang sa aking ama, ikaw ay magkakaroon ng lugar sa amin.
35 At ito ay nangyari na, na si aZoram ay nagkalakas ng loob sa mga salitang aking sinabi. Ngayon, ang pangalan ng tagapagsilbi ay Zoram; at nangako siyang bababa patungo sa ilang sa aming ama. Oo, at nanumpa rin siya sa amin na siya ay mamamalagi sa amin mula sa panahong yaon.
36 Ngayon ninais namin na siya ay mamalagi sa amin sa ganitong dahilan, upang huwag malaman ng mga Judio ang hinggil sa aming pagtakas patungo sa ilang, na baka kami ay kanilang tugisin at patayin kami.
37 At ito ay nangyari na, nang amanumpa si Zoram sa amin, nawala ang aming takot hinggil sa kanya.
38 At ito ay nangyari na, na aming kinuha ang mga laminang tanso at isinama ang tagapagsilbi ni Laban, at lumisan patungo sa ilang, at naglakbay patungo sa tolda ng aming ama.

