-
Ang ulat ng kamatayan ni Lehi. Ang mga kapatid ni Nephi ay naghimagsik laban sa kanya. Binalaan ng Panginoon si Nephi na umalis at magtungo sa ilang. Ang kanyang paglalakbay sa ilang, at iba pa.
-
KABANATA 1
Si Lehi ay nagpropesiya ng tungkol sa isang lupain ng kalayaan—Ang kanyang mga binhi ay ikakalat at parurusahan kung itatakwil nila ang Banal ng Israel—Pinayuhan niya ang kanyang mga anak na isuot ang baluti ng kabutihan. Mga 588–570 B.C.
-
KABANATA 2
Dumarating ang pagtubos sa pamamagitan ng Banal na Mesiyas—Ang kalayaan sa pagpili ay mahalaga sa buhay at sa pag-unlad—Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging malaya—Ang tao ay malaya sa pagpili sa kalayaan at buhay na walang hanggan. Mga 588–570 B.C.
-
KABANATA 3
Si Jose sa Egipto ay nakita ang mga Nephita sa pangitain—Siya ay nagpropesiya tungkol kay Joseph Smith, ang tagakita ng huling araw; kay Moises na siyang magpapalaya sa Israel; at ang paglabas ng Aklat ni Mormon. Mga 588–570 B.C.
-
KABANATA 4
Pinayuhan at binasbasan ni Lehi ang kanyang angkan—Siya ay namatay at inilibing—Si Nephi ay nagpapuri sa kabutihan ng Diyos—Ibinigay ni Nephi ang kanyang pagtitiwala sa Panginoon magpakailanman. Mga 588–570 B.C.
-
KABANATA 5
Inihiwalay ng mga Nephita ang kanilang sarili mula sa mga Lamanita, sinunod ang mga batas ni Moises, at nagtayo ng templo—Dahil sa kanilang kawalang-paniniwala, ang mga Lamanita ay nahiwalay mula sa harapan ng Panginoon, ay isinumpa, at naging pahirap sa mga Nephita. Mga 588–559 B.C.
-
KABANATA 6
Muling iniulat ni Jacob ang kasaysayan ng mga Judio: Ang pagkabihag at pagbabalik mula sa Babilonia; ang ministeryo at pagkakapako sa krus ng Banal ng Israel; ang matatanggap na tulong mula sa mga Gentil; at panunumbalik sa huling araw ng mga Judio kapag naniwala sila sa Mesiyas. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 7
Si Isaias ay nagsalita nang mala-mesiyas—Ang Mesiyas ay magtataglay ng dila ng nangaturuan—Ipinain niya ang kanyang likod sa mga mananakit—Hindi siya maaaring lituhin—Ihambing sa Isaias 50. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 8
Sa mga huling araw, aaliwin ang Sion at titipunin ang Israel ng Panginoon—Ang mga natubos ay magsisibalik sa Sion sa gitna ng kagalakan—Ihambing sa Isaias 51, at 52:1–2. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 9
Ang mga Judio ay titipunin sa lahat ng kanilang lupang pangako—Tutubusin ng pagbabayad-sala ang tao mula sa Pagkahulog—Ang katawan ng mga patay ay babangon mula sa libingan, at ang kanilang mga espiritu mula sa impiyerno at paraiso—Sila ay hahatulan—Ang pagbabayad-sala ay nagliligtas mula sa kamatayan, impiyerno, sa diyablo, at walang hanggang pagdurusa—Ang mabubuti ay maliligtas sa kaharian ng Diyos—Mga parusa sa mga kasalanan ay itinakda—Ang Banal ng Israel ang tanod ng pasukan. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 10
Ipapako ng mga Judio ang kanilang Diyos—Sila ay ikakalat hanggang sa magsimula silang maniwala sa kanya—Ang Amerika ay magiging lupain ng kalayaan na kung saan ay walang haring mamamahala—Makipagkasundo sa Diyos at magtamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng kanyang biyaya. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 11
Nakita ni Jacob ang kanyang Manunubos—Ang mga batas ni Moises ay sumasagisag kay Cristo at nagpapatunay na paparito siya. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 12
Nakita ni Isaias ang templo ng huling araw, pagtitipon ng Israel, at paghuhukom at kapayapaang pang-milenyo—Ang mga palalo at masama ay ibababa sa Ikalawang Pagparito—Ihambing sa Isaias 2. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 13
Ang Juda at Jerusalem ay parurusahan dahil sa kanilang pagsuway—Makikiusap ang Panginoon at hahatulan ang kanyang mga tao—Ang mga anak na babae ng Sion ay isusumpa at parurusahan dahil sa kanilang kamunduhan—Ihambing sa Isaias 3. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 14
Ang Sion at ang kanyang mga anak na babae ay tutubusin at lilinisin sa araw ng milenyo—Ihambing sa Isaias 4. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 15
Ang ubasan ng Panginoon (Israel) ay magiging mapanglaw, at ikakalat ang kanyang mga tao—Isusumpa sila sa kanilang lubusang pagtalikod sa katotohanan at katayuang pagkakakalat—Ang Panginoon ay magtataas ng sagisag at titipunin ang Israel—Ihambing sa Isaias 5. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 16
Nakita ni Isaias ang Panginoon—Ang mga kasalanan ni Isaias ay pinatawad—Tinawag siya na magpropesiya—Iprinopesiya niya ang gagawing pagtanggi ng mga Judio sa mga aral ni Cristo—Magbabalik ang labi—Ihambing sa Isaias 6. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 17
Ang Ephraim at Siria ay nakidigma laban sa Juda—Isisilang si Cristo ng isang birhen—Ihambing sa Isaias 7. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 18
Si Cristo ay magiging isang batong katitisuran at isang malaking batong pambuwal—Hanapin ang Panginoon, hindi ang mga manghuhula—Bumaling sa batas at sa patotoo para sa patnubay—Ihambing sa Isaias 8. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 19
Si Isaias ay nangusap nang mala-mesiyas—Ang mga tao na nasa kadiliman ay makakikita ng dakilang liwanag—Sa atin ay isisilang ang isang bata—Siya ang magiging Prinsipe ng Kapayapaan at mamamahala sa trono ni David—Ihambing sa Isaias 9. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 20
Ang pagkawasak ng Asiria ay isang halimbawa ng magiging pagkalipol ng masasama sa Ikalawang Pagparito—Kakaunting tao ang maiiwan matapos ang muling pagparito ng Panginoon—Sa araw na yaon ay magbabalik ang mga labi ni Jacob—Ihambing sa Isaias 10. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 21
Maghahatol ang sanga ni Jesse (Cristo) sa katarungan—Ang kaalaman sa Diyos ay babalot sa mundo sa Milenyo—Magtataas ng isang sagisag ang Panginoon at titipunin ang Israel—Ihambing sa Isaias 11. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 22
Sa araw ng milenyo pupurihin ng lahat ng tao ang Panginoon—Maninirahan siyang kasama nila—Ihambing sa Isaias 12. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 23
Ang pagkawasak ng Babilonia ay isang halimbawa ng magiging pagkawasak sa Ikalawang Pagparito—Ito ay magiging araw ng kapootan at paghihiganti—Ang Babilonia (daigdig) ay lubusang babagsak—Ihambing sa Isaias 13. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 24
Titipunin ang Israel at magtatamasa ng kapahingahan sa milenyo—Si Lucifer ay itinakwil mula sa langit dahil sa paghihimagsik—Magagapi ng Israel ang Babilonia (ang daigdig)—Ihambing sa Isaias 14. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 25
Si Nephi ay nagagalak sa kalinawan—Ang mga propesiya ni Isaias ay mauunawaan sa mga huling araw—Ang mga Judio ay magbabalik mula sa Babilonia, ipapako sa krus ang Mesiyas, at ikakalat, at pahihirapan—Ibabalik sila kapag naniwala na sila sa Mesiyas—Una siyang paparito anim na raang taon matapos lisanin ni Lehi ang Jerusalem—Sinunod ng mga Nephita ang mga batas ni Moises at naniwala kay Cristo, na siyang Banal ng Israel. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 26
Si Cristo ay mangangaral sa mga Nephita—Nakita ni Nephi sa pangitain ang pagkalipol ng kanyang mga tao—Magsasalita sila mula sa alabok—Ang mga Gentil ay magtatayo ng mga huwad na simbahan at lihim na pagsasabwatan—Pinagbabawalan ng Panginoon ang mga tao na magsagawa ng mga huwad na pagkasaserdote. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 27
Mababalutan ang mundo ng kadiliman at lubusang pagtalikod sa katotohanan sa mga huling araw—Ang Aklat ni Mormon ay lalabas—Tatlong saksi ang magpapatotoo sa aklat—Sasabihin ng taong marunong na hindi niya mababasa ang aklat na mahigpit na isinara—Gagawa ang Panginoon ng isang kagila-gilalas at kamangha-manghang gawain—Ihambing sa Isaias 29. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 28
Magtatayo ng maraming huwad na simbahan sa mga huling araw—Sila ay magtuturo ng mga mali, palalo, at mga hangal na doktrina—Lalaganap ang lubusang pagtalikod sa katotohanan dahil sa mga huwad na guro—Sinalanta ng diyablo ang mga puso ng tao—Magtuturo siya ng lahat ng uri ng mga maling doktrina. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 29
Maraming Gentil ang tatanggi sa Aklat ni Mormon—Kanilang sasabihin, Hindi na namin kailangan pa ng karagdagang Biblia—Ang Panginoon ay nangungusap sa maraming bansa—Kanyang hahatulan ang sanlibutan mula sa mga aklat na isusulat. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 30
Ang nagbalik-loob na mga Gentil ay mabibilang sa mga pinagtipanang tao—Marami sa mga Lamanita at Judio ang maniniwala sa salita at magiging kaaya-aya—Ibabalik ang Israel at lilipulin ang masasama. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 31
Sinabi ni Nephi kung bakit si Cristo ay bininyagan—Dapat sumunod ang tao kay Cristo, magpabinyag, tumanggap ng Espiritu Santo, at magtiis hanggang wakas upang maligtas—Pagsisisi at binyag ang pasukan sa makipot at makitid na landas—Buhay na walang hanggan ang mapapasalahat sa lahat ng yaong susunod sa mga kautusan pagkatapos ng binyag. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 32
Ang mga anghel ay nangungusap sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo—Ang mga tao ay kinakailangang manalangin at magtamo ng kaalaman para sa kanilang sarili mula sa Espiritu Santo. Mga 559–545 B.C.
-
KABANATA 33
Ang mga salita ni Nephi ay totoo—Ang mga ito ay nagpapatotoo kay Cristo—Yaong naniniwala kay Cristo ay maniniwala sa mga salita ni Nephi, na siyang tatayo bilang saksi sa harapan ng hukumang-luklukan. Mga 559–545 B.C.