IKATLONG NEPHI
Ang Aklat ni Nephi
ANG ANAK NI NEPHI, NA ANAK NI HELAMAN

KABANATA 8

Mga unos, lindol, apoy, buhawi, at pagkakagulo ng kalikasan ay nagpatunay sa pagkakapako kay Cristo—Maraming tao ang nalipol—Kadiliman ang lumukob sa lupain sa loob ng tatlong araw—Ang mga nalabi ay nagdalamhati sa kanilang sinapit. Mga A.D. 33–34.

  At ngayon ito ay nangyari na, na sang-ayon sa aming talaan, at alam namin na ang aming talaan ay totoo, sapagkat masdan, isang matwid na tao ang nag-ingat ng talaan—sapagkat tunay na siya ay gumawa ng maraming ahimala sa bpangalan ni Jesus; at walang sinumang tao ang makagagawa ng himala sa pangalan ni Jesus maliban kung siya ay malinis sa bawat kaliit-liitang kasamaan niya—

  At ngayon ito ay nangyari na, na kung walang nagawang pagkakamali ang taong ito sa pagbilang ng aming panahon, ang aikatatlumpu at tatlong taon ay nakalipas na;

  At ang mga tao ay nagsimulang umasa nang buong taimtim sa mga palatandaang ibinigay ng propetang si Samuel, ang Lamanita, oo, sa panahong magkakaroon ng akadiliman sa loob ng tatlong araw sa ibabaw ng lupain.

  At nagsimulang magkaroon ng malaking pag-aalinlangan at pagtatalo sa mga tao, sa kabila ng maraming apalatandaang naibigay na.

  At ito ay nangyari na, na sa ikatatlumpu at apat na taon, sa unang buwan, sa ikaapat na araw ng buwan, ay nagkaroon ng isang malakas na bagyo, na hindi pa kailanman naranasan sa buong lupain.

  At nagkaroon din ng isang malakas at kakila-kilabot na unos; at nagkaroon ng kakila-kilabot na akulog, kung kaya nga’t bniyanig nito ang buong lupa na parang ito ay mabibiyak.

  At nagkaroon ng lubhang matatalim na kidlat, na hindi pa kailanman nakita sa buong lupain.

  At ang alunsod ng Zarahemla ay nag-apoy.

  At ang lunsod ng Moroni ay lumubog sa kailaliman ng dagat, at ang mga naninirahan doon ay nangalunod.

  10  At ang lupa sa lunsod ng Moronihas ay tumaas, kung kaya’t sa kinalalagyan ng lunsod ay nagkaroon ng isang malaking bundok.

  11  At nagkaroon ng isang malaki at kakila-kilabot na pagkawasak sa lupaing patimog.

  12  Subalit masdan, mayroon pang higit na malaki at kakila-kilabot na pagkawasak sa lupaing pahilaga; sapagkat masdan, ang ibabaw ng buong lupain ay nabago, dahil sa unos at mga buhawi, at mga pagkulog at pagkidlat, at sa labis na lakas ng pagyanig ng buong lupa;

  13  At ang mga alansangang-bayan ay nangawasak, at ang mga pantay na daan ay nasira, at maraming patag na lugar ang naging baku-bako.

  14  At maraming malaki at kilalang lunsod ang alumubog, at marami ang nasunog, at marami ang nayanig hanggang sa ang mga gusali roon ay bumagsak sa lupa, at ang mga naninirahan doon ay nangamatay, at ang mga pook ay naiwang mapanglaw.

  15  At may mga lunsod na natira; subalit ang kapinsalaan niyon ay lubhang malaki, at marami sa mga naroon ang nangamatay.

  16  At may ilang tinangay ng buhawi; at kung saan man sila naparoon ay walang taong nakaaalam, maliban sa alam nila na sila ay tinangay.

  17  At sa gayon ang ibabaw ng buong lupain ay naiba ang hugis, dahil sa mga unos, at sa mga pagkulog, at sa mga pagkidlat, at sa pagyanig ng lupa.

  18  At masdan, ang mga abato ay nahati sa dalawa; ang mga yaon ay nangabiyak sa ibabaw ng buong lupain, kung kaya ang mga yaon ay natagpuang pira-piraso, at mga bitak at mga putok, sa ibabaw ng buong lupain.

  19  At ito ay nangyari na, nang ang mga pagkulog, at ang mga pagkidlat, at ang bagyo, at ang unos, at ang mga pagyanig ng lupa ay tumigil—sapagkat masdan, ang mga ito ay tumagal sa loob ng mga atatlong oras; at ang wika ng ilan ang oras ay higit pa roon; gayunman, lahat ng kasindak-sindak at kakila-kilabot na bagay na ito ay naganap sa loob ng mga tatlong oras—at pagkatapos masdan, nagkaroon ng kadiliman sa ibabaw ng lupain.

  20  At ito ay nangyari na, na nagkaroon ng makapal na kadiliman sa ibabaw ng buong lupain, kung kaya’t ang mga naninirahan doon na hindi napabagsak ay anadama ang bulap ng kadiliman;

  21  At hindi maaaring magkaroon ng liwanag, dahil sa kadiliman, ni mga kandila, ni mga sulo; ni hindi makapagsindi ng apoy sa pamamagitan ng kanilang mga napakainam at lubhang tuyong kahoy, kung kaya’t hindi maaaring magkaroon ng anupamang liwanag.

  22  At walang anupamang liwanag na nakita, ni apoy, ni kislap, ni ang araw, ni ang buwan, ni ang mga bituin, sapagkat lubhang napakakapal ng abu-abo ng kadiliman na nasa ibabaw ng lupain.

  23  At ito ay nangyari na, na tumagal sa loob ng atatlong araw na walang liwanag na nakita; at nagkaroon ng matinding pagdadalamhati at hagulgol at pagtangis sa mga tao nang walang humpay; oo, matindi ang paghihinagpis ng mga tao, dahil sa kadiliman at malaking pagkawasak na sumapit sa kanila.

  24  At sa isang dako sila ay narinig na sumisigaw, sinasabing: O kung kami ay nagsisi bago sumapit itong kasindak-sindak at kakila-kilabot na araw, disin sana ang aming mga kapatid ay naligtas, at sila ay hindi sana nasunog sa yaong dakilang lunsod ng aZarahemla.

  25  At sa iba pang dako sila ay narinig na sumisigaw at nagdadalamhati, sinasabing: O kung kami ay nagsisi bago sumapit itong kasindak-sindak at kakila-kilabot na araw, at hindi pinatay at binato ang mga propeta, at itinaboy sila; disin sana ang aming mga ina at aming magagandang anak na babae, at aming mga anak ay naligtas, at hindi natabunan sa yaong dakilang lunsod ng Moronihas. At gayon ang hagulgulan ng mga tao, matindi at kakila-kilabot.