KABANATA 5

Ang pamamaraan ng pangangasiwa ng alak ng sakramento ay itinakda. Mga A.D. 401–421.

  Ang apamamaraan ng pangangasiwa ng alak—Masdan, kanilang kinuha ang saro, at sinabing:

  O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, kami ay humihiling sa inyo sa pangalan ng inyong Anak, na si Jesucristo, na basbasan at gawing banal ang aalak na ito sa mga kaluluwa ng lahat nilang iinom nito, nang ito ay kanilang magawa bilang bpag-alaala sa dugo ng inyong Anak, na nabuhos alang-alang sa kanila; nang kanilang mapatunayan sa inyo, O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, na sila sa tuwina ay aalalahanin siya, nang mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila. Amen.