BAHAGI 108
1–3, Si Lyman Sherman ay pinatawad sa kanyang mga kasalanan; 4–5, Siya ay mabibilang kasama ng mga pangunahing elder ng Simbahan; 6–8, Siya ay tinawag na mangaral ng ebanghelyo at patatagin ang kanyang mga kapatid.
1 KATOTOHANAN ganito ang wika ng Panginoon sa iyo, aking tagapaglingkod na Lyman: Ang iyong mga kasalanan ay pinatatawad na, sapagkat iyong sinunod ang aking tinig na pumarito ngayong umaga upang tumanggap ng payo sa kanya na aking itinalaga.
2 Samakatwid, amatahimik ang iyong kaluluwa hinggil sa iyong espirituwal na katayuan, at huwag nang labanan pa ang aking tinig.
3 At bumangon at maging mas maingat mula ngayon sa pagtupad sa iyong mga panata, na iyong ginawa at ginagawa, at ikaw ay pagpapalain ng mga napakadakilang pagpapala.
4 Matiyagang maghintay hanggang sa ang akapita-pitagang kapulungan ay tatawagin ng aking mga tagapaglingkod, pagkatapos ikaw ay aalalahanin kasama ng una kong mga elder, at makatatanggap ng karapatan sa pamamagitan ng ordinasyon kasama ng aking ibang mga elder na aking pinili.
5 Masdan, ito ang apangako ng Ama sa iyo kung mananatili kang tapat.
6 At matutupad sa iyo sa araw na yaon na ikaw ay magkakaroon ng karapatang aipangaral ang aking ebanghelyo saan man kita isugo, mula sa mga oras na yaon.
7 Samakatwid, apatatagin ang iyong mga kapatid sa lahat ng iyong pakikipag-usap, sa lahat ng iyong panalangin, sa lahat ng iyong panghihikayat, at sa lahat ng iyong ginagawa.
8 At masdan, at narito, ako ay sumasaiyo upang pagpalain ka at ailigtas ka magpakailanman. Amen.
Opisyal na Web site ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
© 2013 Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng Karapatan ay Nakalaan