2010–2019
Ang Pagsang-ayon sa mga Pinuno ng Simbahan
Oktubre 2016


Ang Pagsang-ayon sa mga Pinuno ng Simbahan

Mga kapatid, hiniling ni Pangulong Monson na ako ang maglahad sa inyo ng mga pangalan ng mga Pangkalahatang Opisyal at Area Seventy ng Simbahan para sa inyong pagsang-ayon.

Iminumungkahi na sang-ayunan natin sina Thomas Spencer Monson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Henry Bennion Eyring bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at Dieter Friedrich Uchtdorf bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan.

Ang mga sang-ayon ay ipakita lamang.

Ang di-sang-ayon ay ipakita lamang.

Iminumungkahi na sang-ayunan natin si Russell Marion Nelson bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol at ang mga sumusunod bilang mga miyembro ng korum na iyon: Russell M. Nelson, Dallin H. Oaks, M. Russell Ballard, Robert D. Hales, Jeffrey R. Holland, David A. Bednar, Quentin L. Cook, D. Todd Christofferson, Neil L. Andersen, Ronald A. Rasband, Gary E. Stevenson, at Dale G. Renlund.

Ang mga sang-ayon, ipakita lamang.

Sinumang di-sang-ayon ay ipakita lamang.

Iminumungkahi na sang-ayunan natin ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.

Lahat ng sang-ayon, ipakita lamang.

Ang di sang-ayon, kung mayroon man, ay ipakita rin.

Iminumungkahing i-release natin nang may pasasalamat para sa kanilang mahusay na paglilingkod sina Elders Daniel L. Johnson, Jairo Mazzagardi, Kent F. Richards, at Francisco J. Viñas bilang mga General Authority Seventy at italaga sila bilang mga emeritus na General Authority. Pinasasalamatan namin ang paglilingkod ni Elder Per G. Malm, na pumanaw noong Hulyo 26, 2016. Ipinahahayag namin ang aming pagmamahal at taos-pusong pakikidalamhati kay Sister Malm at sa kanilang mga anak at apo.

Ang mga nagnanais na makiisa sa amin sa pasasalamat sa mga Kapatid na ito sa mahusay nilang paglilingkod, mangyaring ipakita.

Iminumungkahing i-release natin si Alan R. Walker bilang Area Seventy. Ang mga nais makiisa sa amin sa pasasalamat kay Brother Walker para sa kanyang paglilingkod, ipakita lamang.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga sumusunod bilang mga Area Seventy: Bhanu K. Hiranandani at Sandino Roman.

Lahat ng sang-ayon, ipakita lamang.

Ang mga di-sang-ayon, kung mayroon.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang iba pang kasalukuyang mga General Authority, Area Seventy, at General Auxiliary Presidency.

Lahat ng sang-ayon, ipakita lamang.

Ang di sang-ayon, kung mayroon man, ay ipakita rin.

Pangulong Monson, naitala na po ang pagboto. Inaanyayahan namin ang mga tumutol sa alinman sa mga iminungkahi na kontakin ang kanilang stake president.

Mga kapatid, salamat sa inyong patuloy na pananampalataya at panalangin para sa mga pinuno ng Simbahan.