Musika
Manatili sa ’King Tabi


96

Manatili sa ’King Tabi

May pananalangin

1. Manatili sa ’king tabi

’Pagkat gumagabi:

Anino ng takipsilim

Ang s’yang nalalabi.

Sa puso ko at tahanan,

Maging panauhin.

[Chorus]

Panginoon, gumagabi:

Nawa’y manatili;

Panginoon, manatili:

Masdan, gumagabi.

2. Manatili sa ’king tabi

Aking Panginoon;

Paglalakbay sa piling N’yo

Sa puso ko’y tugon.

Ligaya ng aking buhay

Ang wika N’yo’t tinig.

[Chorus]

Panginoon, gumagabi:

Nawa’y manatili;

Panginoon, manatili:

Masdan, gumagabi.

3. Manatili sa ’king tabi,

Gabi ay may lumbay;

Kung ’di Kayo makaniig,

Mapanglaw ang buhay,

Nangangambang sa tahanan

Karimla’y lalagi.

[Chorus]

Panginoon, gumagabi:

Nawa’y manatili;

Panginoon, manatili:

Masdan, gumagabi.

Titik: Lowrie M. Hofford

Himig: Harrison Millard, 1830–1895

Lucas 24:29 (13–32)