Musika
O Diyos, Magliwanag


166

O Diyos, Magliwanag

Maningning

1. O Diyos, magliwanag,

At pagpalain N’yo

Bawat paghahayag

Nitong ebanghelyo,

Ipabatid, Inyong habag,

Katotohana’y ihayag.

2. Bayan mang kay layo

Sana’y turuan N’yo

Nang purihin Kayo

Ng lahat ng tao.

Kami sana’y pagharian

At sa wasto’y pamunuan.

3. Kapangyarihan N’yo’y

Itanghal sa Hentil.

At masdan ang mga

Nagbabalik-loob.

O basbasan, simbahan N’yo,

Maging itong buong mundo.

4. Sa Diyos nating lahat,

Hari kailanpaman,

Magpugay ang lahat

Ng tao’t nilalang:

Buong mundo, purihin n’yo,

Ama, Anak, Espiritu.

Titik: William Hurn, 1754–1829

Himig: John Darwall, 1731–1789

Isaias 60:1–3

Alma 29:8–10, 17