Musika
Doon sa Sabsaban


123

Doon sa Sabsaban

Mapitagan

1. Doon sa sabsaban, wala s’yang kuna,

Munting Panginoon, do’n nakahiga;

Ang bituin sa langit, tanglaw sa Kanya,

Munting Panginoon, nahihimlay pa.

2. Ang baka’y umungol, sanggol nagising,

Ngunit munting Cristo’y tahimik pa rin;

Jesus na mahal ko; ako’y tanglawan

Buong magdamag na ako’y samahan.

3. Jesus, Panginoon, O manatili,

Ako’y mahalin at dito’y lumagi.

Bawat batang musmos ay pagpalain

At bawat isa ay sa langit dalhin.

Titik: Di-kil., mga 1883, Philadelphia

Himig: William J. Kirkpatrick, 1823–1921; isinaharmoniya ni Rosalee Elser, p. 1925. © 1980 Rosalee Elser.

Ginamit nang may pahintulot. Ang paggawang mga kopya para sa isahang di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan ay pinahihintulutan.

Lucas 2:7

Lucas 18:15–17