Musika
Diyos na Lubhang Makapangyarihan


40

Diyos na Lubhang Makapangyarihan

May sigla

1. Diyos na lubhang makapangyarihan,

Lumikha ng tanang kagandahan

Dito sa kalangitan at mundo,

Awit namin ang alay sa Inyo.

2. Pag-ibig N’yo dati’y aming gabay;

Sa lupang ’to, Kayo’y pumatnubay.

Sana’y maging Hari at Pangulo

At susundin t’wina ang landas N’yo.

3. Sa salot at maging sa digmaan,

Inyong lakas, s’ya naming tanggulan.

Palakasin, aming pananalig,

Kapayapaan ang aming hiling.

Titik: Daniel C. Roberts, 1841–1907

Himig: George W. Warren, 1828–1902

Awit 33:12

Eter 2:12