Musika
Sa Tuktok ng Bundok


4

Sa Tuktok ng Bundok

May tatag ng loob

1. Sa tuktok ng bundok,

Bandila’y hinirang;

Masda’t nagwagayway

Sa sandaigdigan.

Sa Deseret na payapa,

Ang Sion ay makikita.

2. Batid pa rin ng Diyos,

Dati N’yang pangako,

Na ang ebanghelyo,

Sa Sion uusbong.

Liwanag N’ya’y matatanaw

Ng mundo sa huling araw.

3. Ang Kanyang tahana’y

Doon itatatag,

At sa bawat dako,

Ang kanilang hayag.

Kami’y maglilingkod sa Diyos,

At susundin, Kanyang utos.

4. Kautusang ganap,

Tayo’y tuturuan.

Upang buong mundo’y

Ating pamunuan.

S’ya’y susundin walang hanggan,

Ligtas lahat, yumao man.

Titik: Joel H. Johnson, 1802–1882

Himig: Ebenezer Beesley, 1840–1906

Isaias 2:2–3

Isaias 5:26