Musika
Panginoon, Kayo’y Laging Susundin


164

Panginoon, Kayo’y Laging Susundin

Malumanay

1. Diyos, nawa Kayo’y ibigin,

Sundan ang Inyong landas.

Aking kapwa ay tulungan

Sa gawad Ninyong lakas.

O, aking Panginoon,

Kayo’y laging susundin.

2. Kapwa ko’y ba’t hahatulan

Kung may sala rin ako?

May lumbay na ’di makita,

Nakakubli sa puso.

O, aking Panginoon,

Kayo’y laging susundin.

3. Kapatid ko’y iingatan

At magbibigay-lakas.

Sa nalulumbay kong kapwa,

Ang hatid ko ay lunas.

O, aking Panginoon,

Kayo’y laging susundin.

4. Kapatid nawa’y ibigin

Gaya ng pag-ibig N’yo.

Ang lakas Ninyo’t patnubay,

Laging aasahan ko.

O, aking Panginoon,

Kayo’y laging susundin.

Titik: Susan Evans McCloud, p. 1945. © 1985 IRI

Himig: K. Newell Dayley, p. 1939. © 1985 IRI

Juan 13:34–35

I Juan 3:16–19

I Juan 4:21