Musika
Tayo’y Magalak


3

Tayo’y Magalak

May tuwa

1. Tayo’y magalak sa araw ng kaligtasan;

Hindi na mananatiling dayuhan.

May mabuting balita sa sandaigdigan

At nalalapit na, oras ng pagtubos,

Kapag ang pangako ay maibigay na

At mga Banal ’di na mangangamba,

At mundo’y magiging hardin tulad ng Eden,

Si Cristo’y sasambit, “Halina’t magbalik.”

2. Tayo’y magmamahalan, wala nang alitan,

Magkakaisa’t sala’y tatalikdan.

At kapag makasalana’y nahintakutan,

Ating hihintayin, pagdating ni Jesus,

Kapag ang pangako ay maibigay na

At mga Banal ’di na mangangamba,

At mundo’y magiging hardin tulad ng Eden,

Si Cristo’y sasambit, “Halina’t magbalik.”

3. Mananampalataya tayo kay Jehova

Na ating patnubay sa pagdurusa.

At paglipas ng ani’t parusa’y matapos,

Tayo’y magbabangon, pagdating ni Jesus.

At bawat pangako’y maibibigay na,

Lahat ng Banal ay pararangalan

At mundo’y magiging hardin tulad ng Eden,

Si Cristo at tayo ay magkakaisa.

Titik: William W. Phelps, 1792–1872

Hiwig: Henry Tucker, mga 1863.

Moises 7:61–67

Ang mga Saligan ng Pananampalataya 1:10