Musika
Halina, Magdiwang


122

Halina, Magdiwang

Maringal

1. Halina, magdiwang

Mga nananalig

Halina, halina tayo sa Betlehem.

Masdan ang hari

Ng lahat ng anghel;

[Chorus]

Halina at magpuri;

Halina at magpuri;

Purihin natin si Cristong Panginoon.

2. Kayong mga anghel,

Umawit, magpuri;

Magsi-awit ang mundo at kalangitan!

Sa Diyos —l’walhati

Sa kaitaasan;

[Chorus]

Halina at magpuri;

Halina at magpuri;

Purihin natin si Cristong Panginoon.

3. Kayo’y binabati

Sa Inyong pagsilang,

Jesus, lahat ng l’walhati ay sa Inyo.

Ang Bugtong ng Diyos

Na ngayo’y ‘sinilang;

[Chorus]

Halina at magpuri;

Halina at magpuri;

Purihin natin si Cristong Panginoon.

Titik: Ipi. na kay John F. Wade, mga 1711–1786; isi. ni Frederick Oakley, 1802–1880

Himig: Ipi. na kay John F. Wade

Lucas 2:8–20

Awit 95:6