Musika
O Mga Sundalong Sakop ni Cristo


149

O Mga Sundalong Sakop ni Cristo

May tapang

1. O mga sundalong

Sakop ni Cristo,

Sa digmaa’y sulong!

Lumaban tayo.

Panginoong Cristo

Ang mamumuno,

Sugod sa digmaan

At h’wag susuko!

[Chorus]

O mga sundalong

Sakop ni Cristo,

Sa digmaa’y sulong!

Lumaban tayo.

2. Sa ating pagsulong,

Diablo’y aatras;

Tayo’y magpatuloy

Hanggang sa wakas.

Imp’yerno’y may takot

Sa ’ting pag-awit,

Iangat ang tinig,

Hanggang sa langit.

[Chorus]

O mga sundalong

Sakop ni Cristo,

Sa digmaa’y sulong!

Lumaban tayo.

3. Hukbong kaydakila,

Simbahan ng Diyos;

Landas nating tahak,

Sagradong lubos.

Ating mga puso’y

Nagkakaisa

Sa doktrina’t pag-ibig

At sa pag-asa.

[Chorus]

O mga sundalong

Sakop ni Cristo,

Sa digmaa’y sulong!

Lumaban tayo.

4. Sulong, mga tao,

Sa ’miy umanib;

Tagumpay at awit,

Tinig ay tigib.

L’wahati’t papuri

Sa Haring Cristo,

Magpakailanman ay

Alay ng tao.

[Chorus]

O mga sundalong

Sakop ni Cristo,

Sa digmaa’y sulong!

Lumaban tayo.

Titik: Sabine Baring-Gould, 1834–1924

Himig: Arthur S. Sullivan, 1842–1900

Deuteronomio 31:6

II Kay Timoteo 2:3