Musika
Panalangin ng Pasasalamat


51

Panalangin ng Pasasalamat

Maligaya

1. Tayo’y nagtitipon upang manalangin;

At ang biyaya ng Diyos ang S’yang hiling.

Hinahayag t’wina, Kanyang kagustuhan.

Purihin, at tayo’y pinapatnubayan.

2. Diyos ang gabay natin at laging kapiling,

Sa kaharian N’ya’y nangangalaga.

Mula’t sapul, tagumpay ay gawad sa ’tin;

Tulong N’yo’y kay laki; Inyo ang l’walhati!

3. Kami’y nagpupuri, pinunong kay giting,

Ipagtanggol sana kami sa t’wina.

Sa paghihirap ay tulungan N’yo sana;

Ngalan N’yo’y purihin! Kami’y bigyang laya!

Titik: Di-kil., sa Netherlands, mga 1626; isi. ni Theodore Baker, 1851–1934

Himig: Di-kil., sa Netherlands, mga 1625; ina. ni Edward Kremser, 1838–1914

Awit 100:4–5

Isaias 12:1–6