Musika
Tagapagligtas na Tunay


57

Tagapagligtas na Tunay

Mapitagan

1. Tagapagligtas na tunay,

Amin kang minamahal.

Sa ’ming puso ay igawad

Ang Espiritung Banal;

Pananalig, patibayin;

Ang tukso’y Inyong pawiin.

Tagapagligtas na tunay,

Manatili sa amin.

2. Tagapagligtas na tunay,

Kami po ay mahina.

Inyo sanang kaawaan

Nang ang sala’y mawala.

Wastuhin ang landas namin

At doo’y panatilihin.

Tagapagligtas na tunay,

Laging mapasaamin.

3. Tagapagligtas na tunay,

Ang hapdi’y pawiin po.

H’wag hayaang manaig ang

Kalungkuta’t siphayo.

Aming luha ay pahirin,

Pagkamuhi ay pawiin.

Tagapagligtas na tunay,

Kapayapaa’y hiling.

Titik at himig: H. R. Palmer, 1834–1907

Isaias 26:3–4

Awit 145:8–9, 14–21