Musika
Magbangon, mga Banal, at ang Templo ay Tunguhin


179

Magbangon, mga Banal, at ang Templo ay Tunguhin

May layunin

1. Magbangon, mga Banal,

at Ang templo ay tunguhin.

Ibuklod nang walang hanggan

Ang mga mahal sa’tin.

2. Ang plano ng kaligtasan

At ang utos N’ya’y sundin.

Pagsikapan na makamtan,

Biyaya ng Diyos sa’tin.

3. Elohim, kami’y gawaran

Ng kapangyarihan N’yo.

Habang nasa Inyong templo,

Paglilingkuran Kayo.

Titik: Jean L. Kaberry, b. 1918. © 1985 IRI

Himig: Robert P. Manookin, 1918–1997. © 1985 IRI

Doktrina at mga Tipan 109:13–21

Doktrina at mga Tipan 132:46