Musika
Sintang Oras ng Dalangin


84

Sintang Oras ng Dalangin

Mapayapa

1. Sintang oras ng dalangin!

Lunas sa alalahanin;

Sa luklukan ng Diyos Ama,

Hatid ang bawat pangamba.

Sa labis na pagdurusa,

Ginhawa ay nadarama.

At ang tukso’y nagagapi

Sa sandali ng dalangin!

At ang tukso’y nagagapi

Sa sandali ng dalangin!

2. Sintang oras ng dalangin!

Ang kahilingan ko’y dalhin

Sa Diyos na s’yang nagbibigay

Ng pagpapala at buhay.

Sa akin S’ya ay nagbilin,

Manalig at S’ya’y hanapin;

Idudulog, bawat daing

Sa oras ng panalangin!

Idudulog, bawat daing

Sa oras ng panalangin!

Titik: Ipi. na kay William W. Walford, 1772–1850, bin.

Himig: William B. Bradbury, 1816–1868, bin.

Awit 55:16–17, 22

Mga Taga-Filipos 4:6–7