Musika
O Kaylugod na Gawain


89

O Kaylugod na Gawain

Mataimtim

1. O kaylugod na gawain,

O Diyos, Kayo’y pupurihin,

Pagibig N’yo’y a awitin,

Ang totoo’y aalamin.

2. O kaylugod na pangilin

Ang pangamba’y ’di daramhin.

Puso ko sana’y kahimig,

Banal na alpa ni David

3. Sa Diyos puso’y may tagumapy,

Wika’t gawa’y anong husay.

Biyaya N’yo ay kayringal!

Payo N’yo ay sakdal banal!

4. Ngunit bawat kong tagumpay

Ay sa inyo iaalay,

Sa araw na Kayo’y masdan

At sa piling N’yo manahan!

5. Kasalanang hadlang noon,

’Di na gagambala ngayon.

Dadaigin ang kahinaan,

Lulupigin, kasamaan.

6. At akin ding makakamtan

Doon ang pinakaasam,

Kapangyarihang kaytamis

Sa walang hanggan N’yong langit.

Titik: Isaac Watts, 1647–1748

Himig: John J. McClellan, 1874–1925

Awit 92:1–5

Enos 1:27